#33

45 1 0
                                    


I STILL NEED YOU, BUT I DON'T WANT YOU ANYMORE


I met someone who always made me happy, always listening to my rants, when it comes to him, palagi akong naniniwala sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Nagsimulang mahulog ang loob ko, nagsimulang magustuhan at mahalin siya. In return, he said that the feeling was mutual. Sinong hindi matutuwa? Ang mahalin ka pabalik ng taong mahal mo.

"Uno?" tawag ko ng makita siyang abala sa cellphone niya.

"Yes, honey?" sagot niya at hininto ang pag se-cellphone at tinapik ang katabing space niya na parang sinasabing maupo ako do'n.

"What if maghiwalay tayo?" tanong ko sa kaniya, nawala ang ngiti sa labi niya at inalis niya ang kamay niyang nakaakbay sa akin

"Ayoko ng ganiyan na tanungan mo, Xab. Nakakainis." salubong ang kilay niya ng sinabi niya 'yon kaya naman napabuntong ako.

"Nagtanong lang naman ako, wag ka ng magalit." pag a-amo ko sa kaniya kaya tinignan niya ako.

"Wala sanang mangyari na gano'n, dahil ayoko." sabi niya at hinalikan ang noo ko.

---

"Do you still remember that, Uno? Yung sinabi mong ayaw mong maghiwalay tayo?" nakangiting tanong ko sa kaniya at siya naman ay nanatiling nakatingin sa kung saan.

"Kaysa naman manatili ako kasi kailangan kita pero hindi na ikaw ang hanap ko. Ayokong mag stay dahil sa kailangan kita, Xab. Paano naman yung hindi na kita mahal? Hindi na ako masaya?" para akong matutumba sa sinabi niya. Bigla akong nawalan ng imik.

Hindi na niya ako mahal?

"Minahal nga ba talaga kita, Xab? Hindi ko nga nasabi sa'yo ng diretsyo ang salitang mahal kita eh. Palaging mutual, palaging same. Masyado akong natuwa sa idea na palagi kang nandiyan. Yung palaging ako ang kakailanganin mo. Pero naisip mo ba kung minahal nga ba kita?" ramdam ko ang paginit ng mata ko, kasabay ang pamamasa nito at nagsimulang magunahan tumulo ang  mga luha ko.

Tumagal kami ng tatlong taon, tapos sasabihin niyang hindi niya ako minahal? Ano yon?

"Ngayon sawa na ako sa ideyang 'yon, hindi naman p'wedeng magpanggap nalang ako palagi para lang hindi kita masaktan. I need you but I don't want you anymore. Mahal ko si Daena." natawa ako sa sinabi niya, at lalong mas masakit.

Nasabi niyang mahal niya yung babaeng ngayon niya lang nakilala, pero sa tatlong taong nag hintay akong sabihin niya 'yon malalaman ko na hindi niya ako minahal.

"Natuwa lang ako sa ideyang ginusto mo ako at minahal mo ko without noticing na hindi ayon ang nararamdaman ko para sa'yo." huling salita na sinabi niya bago ako talikuran.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: January 27, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now