#28

45 2 0
                                    


DO SOME BOYS DID USUALLY MAKE AN EXPLANATION OR MAYBE AN EXCUSE?


Napahinto si Jake sa pagkagat sana ng kaniyang sandwich ng dahil sa tanong ko. Well, he's my friend. Hindi naman niya ako ipagpapalit sa pagkain diba? Hindi katulad ng nagbabasa, pinagpalit. Joke. Hehe.

"Nag e-explain naman kami, madalas excuse nga lang." walang ganang sagot niya.

Para na namang tinusok ang puso ko sa sagot niyang naging malaki ang epekto sa akin. Bigla akong napaisip sa sagot niya.

'Nage-explain ba siya sa akin o gumagawa nalang ng excuses?' nawala ako sa pagiisip ng may tumuktok sa ulo ko.

"Kung iniisip mo yung boyfriend mong gago, excuses ang ginagawa no'n. Alibi, reasons na walang k'wenta. Ilang beses ko na bang sinabing hiwalayan mo na ang gagong 'yon? Tanga!" napapikit ako sa prangkang salitang binitawan niya.

Tanging ngiti nalang ang naisagot ko. Aminado naman ako. Alam ko naman ang dapat gawin. Alam ko na ang sagot. Pero anong magagawa ko? Mas pinili ko nalang maging bulag sa sakit idinudulot niya. Gusto kong intindihin eh, baka may pagbabago. Kaso, sino ba naman niloko ko?

"Maya na tayo usap."

"Busy ako ngayon. Madaming ginagawa."

"Balik ako mamaya."

"Sorry nakatulog ako."

Mga dahilan niyang gasgas sa pandinig ko. Alam mo kung ano yung masakit? Kapag sinabi niya ang mga salitang 'yan wala ng kasunod na paliwanag. Basta nalang nagsorry, okay na agad. Babalik siya kapag gusto niya, tapos babaliwalain niya rin ako kapag hindi na niya ako kailangan.

"Toot. Toot. Toot"

"Cannot be reached."

"Toot. Toot. Toot"

"Kanina pa tayo magkasama pero wala kang ginawa kundi tawagan ang jowa mong walang k'wenta." napayuko ako dahil ramdam ko ang galit niya, ayaw talaga ni Jake kay Dennis.

Hindi ko na naman siya makausap, busy ang line minsan patay na. Kung mag ring hindi naman sinasagot.

"Nakakapagod." yumakap sa akin si Jake ng hindi ko namalayan umiiyak na naman ako.

Tumawag ako kinagabihan, nasa limang beses ako tumawag bago niya sinagot.

"Babe, I miss you. Sorry nagcharge ako tapos naglinis ng bahay." sabi niya kaya naman napangiti ako ng mapait.

'Magdamag naglinis at nagcharge? Hanep pero busy ang line.' naiiyak man sa naisip pero mas nanatili akong tikom ang bibig.

"Inaantok na ako. Pagod eh." dugtong niya kaya lalo akong naluha.

'Hindi niya man lang ako nakamusta.' natawa ako sa sarili kong naisip at tumukhim.

"Sige, matulog ka na. Magpahinga. Goodnight." pinatay ko ang tawag tiyaka ako umiyak. Palagi nalang ganito.

"Palagi naman siyang inaantok at may ginagawa kapag kausap ako." natatawang kausap ko sa sarili ko at pinunasan ang luhang naguunahan tumulo.

Lagi akong namamalimos ng oras na hindi niya maibigay, hindi naman ako nagrereklamo. Hindi ako namimilit. Alam kong hindi sa akin tumatakbo ang mundo niya. Pero sana naman, kapag kausap niya ako hindi niya rin iparamdam na napipilitan nalang siya.

Kapag kinakausap ko siya, palagi siyang lutang. Wala ang atensyon niya sa akin. Palaging inaantok. Pero sa panonood ng movies, hindi. Sa pagpupuyat sa ibang bagay hindi siya inaantok. Gano'n ba ako kawalang k'wenta kausap?

"Wag ka na magk'wento. Wag ka ng umiyak, tiniisin mo. Panindigan mo. Ilang beses na kitang pinagsabihan pero hindi ka naman nakikinig. Masasayang lang ang laway ko kakasermon sa taong sarado ang utak." malamig na saad ni Jake sa akin kaya naiyak ako.

Umuwi ako sa bahay no'n, sinubukan kong tawagan si Dennis. Sinagot niya naman kaya kumalma ako.

"Oh? Mamaya ka nalang tumawag, kakain lang ako." bungad niya at pinatay ang call.

"Hindi niya man lang ako pinagsalita." umiiyak na saad ko sa hangin.

Hapon na 'yon, at no'ng magbabandang gabi na ay tumawag akong muli. Naka tatlong tawag ako bago niya masagot. At alam mo ang magandang bungad? Maingay na backround at nakainom na Dennis ang sumagot sa tawag ko.

"Hi, baby!" masigla bati niya pero wala akong naramdaman kundi sakit.

"Hindi ka sumasagot siguro kausap mo mga lalaki mo, hindi ako tulad nila pero mahal kita." sunod sunod tumulo ang luha ko sa sinabi niya.

Tanging pakikinig lang ang nagawa ko.

"Hindi ko alam uunahin, wala na akong oras sa'yo. Gusto ko man pero hindi ko magawa." lasing na sagot niya kaya natawa akong umiiyak.

"Sa alak may oras siya, sa akin wala. Sa alak nakakatagal siya ng gising hanggang dis oras ng gabi pero kapag tumatawag ako ng gabi palagi siyang inaantok? Tangina naman hahaha!" natatawang sabi ko sa isip ko.

"Ayos lang. Naiintindihan ko, hindi mo naman ako kailangan ipriorit---" nahinto ako sa sinasabi ko ng magmura siya.

"Tangina, wag ipriority? Mag hiwalay nalang tayo. Wag mo na akong kausapin kahit kailan!" sigaw niya at nagmura ng nagmura.

"Pinatap---" tumahimik ako ng sabihin niyang manahimik ako.

"Hindi mo alan ginagawa kong effort para makausap ka tapos sasabihin mo wag kitang gawin priority? Ano bang gusto mong gawin ko ngayon, susundin ko lahat tapos sabihin mong wag na kitang ipriority." rinig ko ang pagsinok niya.

"Effort? Effort yung sasagutin mo ang tawag ko para sabihin mong busy ka? Inaantok ka? Para malaman kong nakainom ka habang inaantay kita? Naghihintay ako sa wala? Pag dating sa mga gusto mo, nakakagastos ka. Pag dating sa akin sasabihin mo wala kang pera kaya ako ang nageeffort tumawag kasi inintindi kita tapos sasabihin mo wala akong alam? Hindi kita maintindihan? Eh ako inintindi mo? Inisip mo nararamdaman ko? Na sa panahon na kailangan kita, wala ka pa?" umiiyak na sagot ko sa kaniya. Nanatili siyang tahimik.

"Maghiwalay nalang tayo." sagot niya kaya natahimik ako.

"Seryoso ka diyan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Mukha ba akong nagbibiro?" balik na tanong niya.

"Okay." pinatay ko ang tawag. Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak ng umiyak, hanggang sa maramdaman ko ang kamay sa balikat ko.

Nilingon ko ito, at nakita kong si Jake 'yon at parang sinasabing lumapit ako dahil yayakapin niya ako, kaya umiiyak ako lumapit sa kaniya at yumakap.

"Don't stay because of his excuses. Matuto kang mapagod at bumitaw sa mga salitang hindi na dapat pang pinapakinggan. Kung kaya niyang bitawan ka ng gano'n gano'n lang, matuto ka rin bumitaw kasi hindi ka na ginagalang at pinapahalagahan." hinalikan niya ang noo ko pagkatapos niyang sabihin 'yon at hinayaan niya akong magpalipas at tumahan.

Maybe it's time to let go to his excuses? Maybe it's time to let go the pain? To let go of him.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: January 12, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now