#24

58 2 0
                                    


EXPECTATION'S TELLS THE TRUTH


"Hi, miss. P'wedeng makipag kaibigan?" nagulat ako sa chat niya pero nagreply naman ako.

"Sure." titpid na sagot ko.

"Send picture, I'll send mine." reply niya. Nagsend naman ako agad with filters at gano'n din siya.

I'm Camille, I have a boyfriend and his name is Jeremy. We've been together for 2 years a half. He's caring, sweet, cute. At ayan ang naging simula kung bakit kami nagkakilala, naging may kaibigan at naging kami.

"Camille? Kailan mo balak makipagkita sa akin?" matapos ang call ay ayan ang bungad ni Jeremy sa chat.

Isa sa pinaka kinatatakutan ko, ang makita siya sa personal. Hindi dahil sa hindi ako sigurado sa kaniya, kundi dahil sa magiging expectations niya na p'wedeng makasira sa relasyon naming dalawa.

"I told you, pangit ako. Those photos na sinend ko puro may filters." reply ko na agad naman niyang na-seen.

Yes, hindi ako katulad ng ibang magpapanggap na maganda ako, pero hindi rin ako yung tipong ipamumukha kong pangit talaga ako.

"So? I don't care. Come on, let's meet. It's been a year love." sagot niya kaya napangiti naman ako.

Ayan ang huling naalala ko makalipas ang walong buwan na pagtatapos ng relasyon naming dalawa. Napangiti ako ng may umakbay sa akin. Tumingin ako sa kaniya pagkatapos ko siyang sikuhin ng pabiro at nagkunwari naman siyang nasaktan.

"Anong meron sa pagkakatulala mo?" hinalikan niya ang noo ko at binigay ang binili niyang gatorade na blue.

"Wala po, ano binili mo sa'yo?" tanong ko sa kaniya.

"Hati nalang tayo diyan, mahina ka naman sa ganiyan." ginulo niya ang buhok ko at niyakap ako mula sa likod.

"Nakagawa ka ba ng kasalanan Ryan? Bakit ang sweet mo ngayon?" natatawang tanong ko at tinapik tapik ang kamay niya.

"Lalong tumingkad ganda mo, namiss kita.sabi ko hindi na kailangan. " sagot niya kaya napangiti ako, " Kahit naiisip mo pa rin ang ex mo." napatingin naman ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon.

"Dito niya ako unang nakita, dito niya rin ako iniwan at dito rin kita nakilala no'ng sinamahan mo ako dahil iniwan niya akong mag isa." nakangiting sabi ko at inalala ang araw ng pagkikita namin ni Jeremy.

Naglalakad ako ng maramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko hudyat na may tumatawag.

"Hello?" sagot ko ng mapagtantong si Jeremy 'yon.

"Nasaan ka? Nandito na ako." luminga linga ako at napangiti ng makita ko siya.

Lumapit ako sa kaniya at pinatay ng tawag. Nakatalikod siya sa akin kaya kinalabit ko siya. Lumingon siya sa akin at nagtatakang tumingin sa akin.

"Hi, Jeremy." bati ko.

Humarap siya sa cellphone niya na parang may tinitignan. Naramdaman kong nagvibrate at nakita kong tumatawag ulit si Jeremy sa akin. Sinagot ko ito pero binababa niya. Natatawa siyang may pinindot sa cellphone at iniharap sa akin 'yon.

"So... Ikaw 'to?" kita ko ang katawa katawang ekspresyon sa mukha niya habang tinatanong sa akin kung ako ba ang nasa picture kaya tango lang ang naisagot ko.

"Tangina! HAHAHAHA gaano ba kakapal na filter ang ginamit mo para gumanda ka? Pucha, sayang yung taon na ginugol ko kung ito itsura lang ipapakita mo sa personal hahaha!" turo niya sa mukha ko at natatawa sa pang iinsulto na ginagawa niya.

"Akala ko ba wala kang pakielam kung pangit ako?" naiiyak na tanong ko at akmang lalapitan siya pero umatras siya.

"Pero hindi ko naman alam na ganiyan ka kapangit. Ang taba mo pa!" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Maghiwalay na tayo, sayang lang pinamasahe ko kung ganito lang din dadatnan ko. Sana pala pinatos ko nalang yung kaibigan mong malandi na si Kim atleast 'yon may ibubuga!" sigaw niya tiyaka ako tinalikuran.

Tulala akong pinanood siya, nang makalayo siya ng konti at tinignan niya akong muli tiyaka nagpatuloy sa paglakad papalayo. Sabi ko na, hindi niya matatanggap.

"Miss, panyo?" napatingin ako sa naglahad ng panyo sa akin, parang anghel ang mukha. Ang amo na parang hindi nakakagawa ng masama.

"Kanina pa umalis kasama mo, at kanina ka pa umiiyak. Ah, kanina pa rin ako nanonood." inosenteng sabi niya tiyaka inilapit ang panyo sa mukha ko't siya na ang nagpunas.

Inalalayan niya ako na umupo at inilahad ang gatorade na blue sa akin, hinayaan niya akong kumalma, sinamahan niya ako sa oras ng kailangan ko ng may dadamay sa akin.

"Ryan nga pala." nagpakilala din at na-k'wento ang pangyayari sa kaniya, as expected nagalit siya pero parang anghel pa rin ang mukha.

"You saved me, and I love you." sagot ko matapos kong alalahanin ang nangyari at hinalikan si Ryan.

"And you're mine. Hindi mo na kailangan magpasexy at magpaganda, you already are." sabi niya, isa sa baagy na pinagtatalunan namin.

Simula ng araw na 'yon, nagdiet ako. Inayos ko ang sarili ko at ang mga sinesend kong picture na puro filters noon ay akong ako na kahit hindi ako mag filter, ayon ang naging epekto sa akin. Kasama ko si Ryan no'n, nakasuporta siya sa akin. Tinulungan niya akong alisin ang insecurities ko sa katawan. He made me realize na hindi lahat ng lalaki ganda ang habol, na katawan ang habol.

"It's for myself." nakangiting anas ko at kinuha niya ang bag kong hawak ko kanina, tatayo na sana ako ng may mabangga akong lalaki.

"Camille?" tanong ng nakabangga sa akin, tumingin ako nang tinawag niya ako at nanlaki ang mata ko ng si Jeremy 'yon.

"Hey." sagot ko at akmang maglalakad na.

"Wait!" pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko pero sandali lang 'yon ng tinanggal ko. "Do you already have a boyfriend?" tanong niya kaya natawa ako.

Sasagot na sana ako ng biglang may humila sa akin at umakbay. "Wala pa siyang boyfriend pero asawa meron at magkakaanak na, 'cause she's pregnant. Ninong ka ah?" sagot ni Ryan kaya nanlaki ang mata ni Jeremy na tumingin sa akin.

Magsasalita pa sana siya ng naglakad na si Ryan patalikod sa gawi niya, "Pangit naman pala ng iniyakan mo, pwe." asar niya kaya natatawa akong sumabay sa lakad.

2 years. Ang tagal na diba? Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit naging kami? Because he really loves me? No, because he knows that I'm beautiful. Beautiful in filters, hahaha.

Sino ba naman tataya ng taon sa online relationship kung malalaman mong hindi naman talaga maganda ang girlfriend mo in person? Sinong mag ti-tiyagang manatili sa babaeng hindi mo kayang ipagmalaki dahil sa itsura niya? Meron siguro pero hindi si Jeremy.

Dahil una palang kung maganda na ang intensyon mo hindi ka agad babase sa itsura. What if hindi ako nagfilter no'ng araw na 'yon? Kukulitin niya pa kaya ako? Magiging kaibigan ko ba siya? Magiging kami ba? Magaaksaya ba siya ng pamasahe para lang puntahan ako? I don't think so, because what's important to him was his expectation not because he truly accepted me for who I was and not because he loves me.

Katulad ni Ryan, may taong tatanggap sa'yo at handang manatili kahit ano pa ang itsura mo. Like him, may nakatadhana at may kusang darating para sa'yo. Yung makilala ka sa hindi magandang simula pero tatanggapin ka at mamahalin ka. Yung susuportahan ka at ipagmamalaki ka kahit ano pang sabihin nila. God has a reason, and his reason is for the right time, you'll get or recieve what you've deseverve.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: January 2, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now