#30

43 2 0
                                    


HINDI LAHAT NG KASAL, NAGTATAGAL


"Shocks! Ang cute, ang saya saya nila tignan." nadadala ako sa pinsan ko na ikina-kasal na ngayon. Mukha talaga silang in love.

"Bakit ka umiiyak? Akala ko ba masaya, bakit umiiyak ka?" napatingin ako sa lalaking katabi ko.

Pangatlong beses ko na siyang nakita ngayong araw, hindi ko siya kilala pero hindi rin naman siya mukhang masamang tao. Nakita ko siya no'ng nag a-ayos kami sa simbahan at no'ng lumabas yung mapapangasawa ng pinsan kong si Mayessa.

"Tears of joy." tipid na sagot ko.

"Alam mo bang hindi lahat ng kinakasal nag ta-tagal?" tanong niyang muli kaya napatingin akong muli sa kaniya.

"What do you mean?" tanong ko.

"Katulad sa relasyon, ang paga-asawa sa una lang masaya. Kapag nagtagal posibleng maghiwalay na." kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sinabi niya.

May kung ano sa akin ang nagpakaba sa sinabi niya, tinignan ko ang pinsan kong masaya. Wag naman sana.

"May kilala ako, in love talaga sa isa't isa. Hindi mapaghiwalay, parating masaya." k'wento niya, kaya nasa harapan man ang tingin, ang tenga ko nama'y naghi-hintay sa susunod na sasabihin niya.

"For 15 years, kita ko ang lahat lahat. Problema nila, saya nila, lungkot, sakit, lahat lahat ng pinagdaanan nila." tumingin siya sa akin at ngumiti, "Nabaliwala ng dahil sa lalaki na dalawang linggo niya palang nakilala no'ng babae." tumawa siya pero nasaktan ako.

Kung sino man ang tatagal ng gano'ng taon, masasaktan talaga kung ipagpapalit ka sa maikling panahon,

"She fell out of love. Yung plinano nila ng 15 years, matutupad do'n sa 2 weeks. Hahaha, funny right?" pinapanood ko kung paano tumulo ang luha ng pinsan ko ng tanungin ng pari ang lalaki kung tinatanggap ba niya bilang asawa ang pinsan ko.

"They're not sure. Pero sumugal siya. Sinugal niya ang labing limang taon na pagsa-sama nila ng taong sinamahan siya sa hirap at ginhawa." dagdag niya at kasabay no'n ang bulungan ng mga tao ng hindi umimik ang mapapangasawa ng pinsan ko.

"Sa kaniya nagplanong magpakasal, saksi ang singsing na binigay ng lalaki sa babae pero walang nangyari, sa huli nag hiwalay pa rin sila." dagdag ulit ng lalaking katabi ko.

Ramdam ko ang tensyon sa paligid, maraming nagbu-bulungan at nagaalala, kita ko sa mga mata ng pinsan kong kinakabahan na rin siya.

"Rome, t-tinatanong ka na ng father..." sabi ni Mayessa na rinig dahil sa hawak niya ang mic.

"Sorry..." sagot ni Rome kaya mas lalong umingay ang paligid.

Tumayo na ang mga kamag anak namin, gusto kong lumapit pero nanatili ako sa kinatatayuan ko, hinihintay ang susunod sabihin ng katabi ko.

"See that man's eyes? Hindi siya sigurado. Napasabak siya sa desisyong hindi niya pinag isipang mabuti." sabi nito at napabuntong hininga.

"My... I can't, I'm sorry. Ayoko pang magpakasal..." kita ko ang pag-iyak ng pinsan ko.

Naglapitan ang mga tito ko at ang pag alis ni Rome sa harap ng altar. Nanatili pa rin akong nakatayo sa kinatatayuan ko no'ng una.

"Who are you?" tanong ko at nagulat ako ng mamula mula na ang mata niya.

"Seeing her cry, parang nagsisisi akong hindi ko pinaglaban ang labing limang taon dahil lang sa akala kong mas sasaya siya't seryoso yung gago na 'yon sa kaniya." napanganga ako sa sinabi niya't hindi maiwasang matulala.

"That 15 years was not enough, kaya pinutol niya ang engagement at sumama sa lalaking dalawang linggo niya palang nakikilala at ngayon iniwan siya sa harap ng altar kasi hindi sigurado sa kaniya." humikbi siya at nanatili akong walang imik at gulat sa mga nalaman.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: January 22, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now