#7

174 4 0
                                    


STALKER KO SI CRUSH


"Eunice?" napatingin ako sa kaniya. Ito na naman, puso kong nag wawala dahil sa mokong na 'to.

"Oh, bakit?" tinanong ko siya na parang wala lang. Nag ayos ako ng gamit ko dagil tapos na rin naman ang klase.

Fryker is my childhood friend. Kaya wag ka ng mag tanong kung kailan nag simula dahil sobrang tagal na. Nando'n ako nong nadapa siya, umiyak siya, inaway at nakipag away siya, no'ng tinuli siya at nangangamatis pa. Nando'n ako sa lahat ng event ng buhay niya, na naging rason kung bakit mas lalo akong nahulog.

"W-Wala! Sige bye!" natataranta na sabi niya tiyaka tumakbo palabas ng room.

Hahabulin ko na sana dahil naalala kong siya naman ang palsging kasabay ko pero mukha namang may problema ang mokong na 'yon.

Gaano ba kami ka close? Nando'n ako no'ng binuhol yung sinulid sa bulok na ngipin niya tapos sabay hinila, ang sabi pa nila ay ilagay daw 'yon sa ilalim ng upuan para kunin ng tooth fairy at palitan ng pera o candy. Nando'n ako ng mag tae siya sa room, na halos mangamoy na no'ng elementary, hahaha Fryker is sensitive. Masyadong maselan ang katawan niya kaya sa maliit na bagay mabilis siyang maapektuhan, na lalong ikinahulog ko.

Lumabas ako ng school, ang mga kakilalang nasasalubong ay binabati ko lang ng tipid na ngiti, hanggang sa nag lalakad na ako pauwi ng may maramdaman akong sumusunod sa akin.

Binilisan ko ang lakad ngunit ramdam ko pa rin ang presensya niya, agad naman akong napatingin sa likuran ko at nakita ko si Fryker na nakaharap na sa pader at nag susulat ito gamit ang daliri niya habang sumusipol sipol pa.

"Anong ginagawa mo diyan? Abno ka ba? Para kang tanga!" sigaw ko habang natatawa.

Dahan dahan naman siyang tumingin sa akin at halod sumeryoso ako ng magulat siya at inosenteng humarap sa akin.

"Andyan ka pala! Ha ha ha ngayon lang kita napansin tumaba binti mo eh kala ko biik na nag lalakad." halos mamula ako sa sinabi dahil sa hiya at pag kapikon.

"Patpatin ka naman. Hindi ako mataba! Sadiyang dul---" hindi ko na natuloy ng may kumalabit sa akin.

Nandito na naman siya, matamis itong ngumiti sa akin at may inilahad na itim na plastic.

"A-Ano na naman kailangan mo, Daniel?" kinuha ko ang plastik at tinignan ang loob, halos mag laway ako ng makita kong isaw 'yon.

"Nakita ko 'yong isaw eh, naalala kita." medyo nahihiya na sabi pa ni Daniel.

"Uy! Salamat ah! Buti nag abala ka pa!" palo ko sa braso niya.

"May kasa---" hindi na niya naituloy ng may humila sa akin palagpas kay Daniel.

"Oo! Ako ang kasama niya, kaya babye!" nag mamadali akong hinila ni Fryker palayo kay Daniel at akmang lilingunin ko ito ng bigla niya ipihit ang ulo ko sa harapan ng nilalakaran namin.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo! Mamaya matapilok ka! Tanga tanga ka pa naman!" may bahid ng inis ang tono nito.

"Para kang nag seselos na jowa diyan! Tigilan mo nga!" asik ko sa kaniya.

"Oo, nag seselos ako! Anong pakielam mo! Tiyaka isaw? Tsk, kaya kitang bilhan ng maraming ganiyan! Tanggap ka ng tanggap, ang pg mo!" sigaw nito.

Nabigla naman ako sa inasta niya, selos? Tae kinikilig ako shet! Fuck! Ang sarap niysng bayagan, pucha ang bilis niyang mag paramdam ng gano'n naiihi tuloy ako.

"Teka, uwi na tayo. Nawiwiwi na ako." sabi ko at binilisan mag lakad pero hinawakan niya ako sa braso.

"Ihing ihi ka na ba? Ayon yung poste oh, ihi ka muna do'n takpan nalang kita." sabi ni Fryker at inosenteng tinuro yung poste kaya binatukan ko siya.

"Gago! Ano akala mo sa akin? Aso? Lalaki? Hayop na 'to!" sinuntok ko siya sa tiyakan siyaka tumakbo, yung tumbong ko nag wawala na.

Nang makarating sa bahay ay agad akong tumakbo sa kwarto ko at nag punta sa banyo para ilabas ang ihing kanina ko pa pinipigilan, sakit sa pantog ah.

Nag ayos ako, nakalimutan ko mag dala ng damit sa banyo tanging bra at panty lang ang suot ko kaya lumabas ako.

"Ano ba 'yan! Wala man lang makitang umaalog sa harap mo!" reklamo ni Fryker.

"Gago! Hindi ako flat no!" binato ko sa kaniya yung suklay na nahawakan ko.

Tiyaka ko lang naalala.

"FRYKER! LUMABAS KAAAA! MANIYAK KAAAAAA! MAMA NANINILIP SI FRYKERRRR!" nanggagalaiting sigaw ko at inihagis sa kaniya ang bag ko.

Tumakbo naman siya palabas at sinara ang pinto.

"Nako tita, naniniwala ka diyan wala namang makikita diyan. Pilingera pader naman!" reklamo niya sa labas.

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. Nakakahiya!

Kinuha ko ang cellphone ko ng marinig ko ang pag tunog nito hudyat na may nag text.

'Gusto pa rin kita, plat ka man sa paningin ng iba Eunice. Lalaki naman 'yan kapag naanakan na kita. I love you! Muah muah, chup chup!' -Fryker.

Natawa nalang ako sa sinabi niya, lumabas na ako ng kwarto at bumaba, nakita ko siya sa kusina na kumakain. Lumapit ako sa kaniya tiyaka ko siya binatukan.

"Anakan your face." asik ko.

Humalagpak siya ng tawa siyaka kumain.

"Gusto mo ngayon na kita bigyan ng anak para makita mo resulta sa plat mong hinaharap?" maangas na tanong niya, nagulat naman ako dagil baka may makarinig.

Tinaas ko ang kamay ko at itinaas ang gitnang daliri ko siyaka bumulong "pakyu."

"I love you more! HAHAHAHA!" natatawang sagot niya naman kaya nailing nalang ako. 

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: August 7, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon