#41

47 3 0
                                    


SECOND CAN LEAD 'TIL THE LAST


She's Anna, I'm Frederick.

She's in love with someone else, I'm in love with her.

Ako yung kaibigan niyang palaging nakaabang sa kaniya. Humahanga sa kaniya mula sa malayo , sinusuportahan siya sa lahat, nagiging sandalan niya kapag nasasaktan siya. Ako yung kasama niya sa lahat ng bagay. Kasama niya sa pag tupad ng pangarap, pero hindi ako ang mahal. Hindi ako ang kailangan. Hindi ako ang hanap.

Tama ang sabi nila, kapag nagmahal ka kahit masakit hindi ka mag e-expect ng kahit ano sa taong imposibleng lalampas sa'yo ang tingin niya bilang kaibigan.

"I'm the luckiest girl, who has a friend like you. I'm so proud." I'm not happy, mahal. I don't wanna be friends with you anymore.

She's still in the past, I'm still into her.

"Fred..." halos manlamig ako ng makita ang luhaan niyang mga mata.

Ang dungis ng mukha niya, nagkalat ang kolorete ng dahil sa luha na tila ba napakatagal niyang umiyak.

Niyakap ko siya, hinayaan ko siyang umiyak sa bisig ko. Ako yung umaalo sa kaniya pero hindi ko maiwasang masaktan dahil kahit gano'n ang nangyayari, binabalikan niya pa rin yung nauna.

"Wala ng kami. Iniwan na niya ako, ang sakit." tama ba ito? Natutuwa ako, nagdidiwang ang puso ko sa narinig ko?

Alam kong umiiyak siya pero hindi ko maiwasang umasa na baka ito na yung chance na magustuhan niya ako.

"Nandito lang ako, tahan na. Hindi kita iiwan. Umiyak ka lang. Maganda ka pa rin kahit mukha kang basang sisiw sa itsura mo." pinalo niya ang braso ko at naiiyak na natatawang tumingin sa akin.

"Baliw ka." hinalikan ko siya sa noo at inaya siyang kumain.

Ako yung nakaalam kung anong magpapakalma at magpapasaya sa kaniya pero kaibigan lang ako eh. Option kapag gusto niyang mabuo uli, tapos iisa lang ang wawasak. Tapos mawawasak din ako ng dahil sa kaniya.

Lumipas ang araw, linggo at buwan. Nakita kong nagiging okay na si Anna. Bumabalik na yung masiglang siya. Hindi na siya naghabol. Lahat ginawa ko para maging okay siya. Hindi ko maiwasan mahulog ng mahulog sa kaniya. Paulit ulit akong nahuhulog.

"Na-reject mo na ako noon, pero susubukan ko ulit. Mahal kita. Mahal na mahal." isang araw makalipas ang walong buwan ng pagpapahinga niya mula sa heart break.

Nararamdaman ko, kahit papaano meron na siyang nararamdaman sa akin. Umaasa ako.

"Mahal na kita, Fred." agad akong napatingin ng sabihin niya yon.

Umiiyak siyang yumakap sa akin, hindi ako makapaniwala sa narinig. Agad na namuo ang luha ko, isang panaginip na gustuhin niya akong pabalik pero nangyari na.

"Thank you for staying. Salamat sa lahat."

"Basta para sa babaeng mahal ko."

Isang bagay lang naman ang kinatatakutan ko. Yung bumalik yung nauna at itsyapwera na naman ako sa kaniya. Pero mapaglaro ang tadhana eh. Lumipas ang dalawang taon ng magkita sila ulit ng ex niya.

Nakita ko ulit yung dating siya, yung lungkot at sakit sa mga mata niya. Nawalan ng espasyo yung nararamdaman niya para sa akin.

"I miss you, Anna." halos durugin ang puso ko ng marinig ko 'yon mula sa ilang dipa ng layo ko sa kanila.

"Drazen..."

"It's been 2 years pero hindi nawala ang pagmamahal ko. Still you. Bumalik ka na sa akin." halos manghina ako sa narinig.

In the end of the day, napili lang naman ako dahil walang choice noon. Pero ngayon, bumalik na ang best option, none of the above na naman ako.

Dahan dahan akong tinalikuran sila kahit masakit. Hindi ko kayang tanggapin pero kung sasaya siya, sige. Kakayanin ko.

Lumipas ang oras, ang dami ng calls ni Anna sa akin. Hanggang sa maging isang linggo. Hindi ako nagparamdam. Para saan pa? Hindi na ako ang kailangan niya. Padadaliin ko nalang. Para hindi ko na makitang umiyak pa siya, ako nalang ang lalayo. Para hindi na niya isipin ang nararamdaman ko.

"Sorry na... Kung nagalit ka, hindi naman sinasadya~" agad akong napatayo ng may kumanta sa harapan ng bahay.

Binuksan ko ang pinto at halos manlamig ako ng makita siya. Umiiyak habang kumakanta.

"Umuwi ka na baby... Hindi na ako sanay ng wala ka, mahirap ang mag isa..." hanggang sa napahagulgol siya kaya napalapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Wag mo na akong tatalikuran uli, Fred. Hindi mo ako kayang bawiin ako nalang ang babalik sa'yo." yumakap siya ng mahigpit sa akin na tila ba mawawala ako.

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang maiyak at maging mahina sa harapan niya.

"Ayokong mapunta ka sa kaniya. Ayokong marinig ang sasabihin mo kaya umalis ako. Mahal kita pero handa akong bumitaw." pinunasan niya luha ko at hinalikan ako.

"Mahal kita. At hindi mo kailangan iwan ako dahil sa'yo ako sasama." ngumiti siya kaya lalo akong naiyak. Nakakabakla.

Napangiti ako ng maalala ang mga nangyari sa amin, hindi ko akalaing magiging akin siya kasi palagi lang akong moral support sa kaniya pero sinong nag aakalang...

"Mahal, tingin ka dito kukuhaan kita ng litrato."

Mula sa pagkakapanood sa kasal ng apo namin, tumingin siya sa akin at napatingin sa hawak ko na cellphone na nakatutok sa kaniya

Ngumiti ito at agad ko itong kinuhaan, lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"May apo na tayo, Mahal..." naiiyak na sambit niya kaya hinawakan ko siya sa balikat.

Ilang taon na ang nakalipas ng ikasal kami. Pero mas lalo ko lang siyang minahal.

"Hindi ka man naging una, gusto kong ikaw na ang maging huli." napatingin ako sa kaniya ng sinabi niya 'yon.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Yung maging sa'yo ang taong pinangarap mo dahil naghintay ka at worth it. Yung makasama mo siya hanggang sa pagtanda at sa kabilang buhay.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: February 22, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now