#39

41 2 0
                                    


A ONE NIGHT CAN'T HURT HER


"P're, ako na nagsasabi. Maraming babae d'yan, isa pa hindi ka na nakakagimik kasama ang tropa. Masyado mo namang sineseryoso ang girlfriend mo hahaha! Hindi naman maganda, isa pa tiwalang tiwala naman 'yon. Hindi ka paghihinalaan no'n kapag may ginawa kang kasalanan." natatawang sabi ni Steven

"Mahal ko 'yon, p're. Maganda siya sa paningin ko." sinuntok ko ang braso niya pero nag angat lang siya ng kamay bilang pagsuko.

"A one night of not being loyal can't hurt her p're, hindi naman niya malalaman." tinapik tapik niya ang balikat ko at nagpauna ng lumapit sa ibang tropa namin.

Simula ng maging kami ni Janice, hindi na ako nakakasama sa barkada dahil ginusto ko. Nagbago ako para sa kaniya. Mahal ko eh, minahal ko. Tinanggap niya ako.

"Baby? Nandito ako sa bahay nila mama. Can I stay here hanggang bukas? Mag b-bonding sana kami eh. Do you want to come over?"

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko, hudyat na may nagtext, napangiti ako sa paalam niya. She never failed to made me smile and secure.

Pakiramdam ko ligtas ako kapag siya ang kausap, ligtas sa sakit, duda, pangamba at takot na baka posibleng mawala siya.

"Hindi na babe, hintayin nalang kita o text mo ako bukas para masundo kita. P'wede ba akong sumama sa barkada? Iinom lang?" reply at paalam ko sa kaniya.

Ilang segundo akong naghintay bago ko matanggap ang text niya, "Opo, baby. I trust you. Wag iinom ng sobra, yung kaya mo lang okay? I love you."

Kinilig ako sa text niya at nag reply na,mahal ko siya at pumunta na kung nasaan ang mga tropa ko. Pero parang gusto ko na umalis ng makita ko ang ex kong si Laine. Tipikal na babaeng kung kani-kaninong lalaki sumasama, nakikipag inuman o nakikipagrelasyon.

Gusto kong umatras hindi dahil may nararamdaman pa ako, kun'di dahil ayokong mag isip ng masama si Janice sa akin at ayokong masaktan siya.

"Wag tatakas p're, ngayon ka nalang sumama. Gago ka!" pangunguna ni Joed at hinatak ako paupo sa upuan na tabi niya na katabi din ni Laine.

No choice kung hindi ang umupo at batiin sila at ngumiti.

"Ang laki ng pinagbago mo, nagmukha kang matino at mukhang tao." biro ni Janice kaya natawa ako.

"Girlfriend ko." simpleng sagot ko kaya napa "O" siya.

"You're lucky." nakangiting sambit niya kaya tumango ako.

Yes I'm lucky, sobrang s'werte ko.

Nagsimulang mag inuman, ang daming k'wento, masaya ang barkada dahil nakasama daw ako. Nakikipagbiruan sa kanila, pero hindi tulad ng dating gagaya sa gimik nila, because now I'm taken.

"Shot pa!" pinainom nila sa akin ang dalawang puno na baso ng alak kaya nakaramdam na ako ng hilo.

Marami rami na kaming nainom, halos maubos na ang isang case. Mahina ang inom ko ngayon dahil madali na akong malasing sa walong taon na natigil ako.

Naramdaman kong may humawak sa hita ko, may diin ang hawak na 'yon kaya tinignan ko kung sino. Si Laine, na nagsisimula ng tumaas ang hawak niya patungo sa gitnang parte ko kaya agad kong hinawakan ito.

"Wag." umiling uling ako at tinungga pa ang isang baso ng alak.

"Uuwi na ako p're, salamat." banat ko ng paalam ngunit hindi sila sumang ayon.

"Gago, mamaya na!" pag di sang ayon ni Kian.

"Oo nga, isang gabi lang naman." sabi ni Laine kaya naghiyawan ang barkada.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon