#11.1

135 3 0
                                    


OUR RELATIONSHIP. DAYS, WEEKS, MONTHS INTO YEARS


Day 1.

When we first met. You're Amir and I'm Kesiah.

Day 2.

We started to become friends. Getting to know each other, we become partners in crime.

Days into weeks.

SECOND WEEK.

You met my parents, my brothers. Naging kasundo mo sila, at gano'n din ako sa magulang at sa mga kapatid mo.

THIRD WEEK.

You met my friends, my best friend. Katulad ng parents ko gusto ka nila. You're kind, sweet, caring, gentleman. Ideal man ng nakakarami.

Weeks into months.

1ST MONTH.

You confessed. The feelings are mutual. Gusto mo ako, gusto kita. At sila ay nakasuporta sa atin. No hindrance. We were happy.

2ND MONTH.

Everything was fine. Hatid sundo mo ako, extra sweet and caring. So much effort. We spend our time together, everyday.

3RD MONTH.

The first time when you said that you love me, I replied. We bacame couple. Ang bilis, pero bakit ko pa patatagalin kung pareho naman tayo ng nararamdaman.

4TH MONTH.

Simula na ng away. Nag selos ka sa isang kaibigan. Nag simula na ang pagiging mahigpit. Natutuwa ako at the same time nasasakal. But we're not the same. Kung gaano ako kaluwag sa'yo, gano'n ka kahigpit. Kung gaano kahaba ang pasensya ko, gano'n kaikli ang iyo.

Do'n ko nakita ang kalakihan ng pag kakaiba natin. Madamot ka at mapag bigay naman ako. You're selfish and I'm selfless.

5TH MONTH.

Nag away tayo sa mismong monthsarry. I explained everything, pero sarado ang utak mo. Ang sinabi ko babawi ako, and I did. Pero sumama ang loob mo, at sinigawan ako. Unang beses na ginawa mo kaya nasaktan ako pero tiniis ko. Exam namin ng mga panahon na 'yon, istrikto ang mga magulang ko kaya kailangan ko mag review. Pero hindi mo naintindihan 'yon, lalo kitang nakilala.

6TH MONTH.

Nag paalam kang iinom, at pumayag naman ako. Kinabukasan ay nag yaya ang kaibigan kong kumain pero hindi ako nakasama. Hindi ka pumayag dahil ayaw mo. Hindi ako pumalag, sumunod ako sa'yo para wala ng maganap na pag tatalo.

7TH MONTH.

Nahuli kitang may iba. I was shocked. Hindi ko alam kung anong gagawin, halos manlumo ako. Hindi ko inaasahang lolokohin mo ako, para akong masisiraan ng bait. You were my first. Iniisip ko kung ano mali, anong kasalanan ko. Kung bakit? Sobrang sakit.

Nalaman ko na paulit-ulit. Nang kinausap kita nagalit ka pa. Naniwala ako sa'yo, naniwala ako sa kasinungalingan mo.

"I love you." your answered. It was a painful lie.

8TH MONTH

"Congrats, iniisip ko kung deserve pa ba kita? Ang taas mo na at ito lang ako." bungad mo imbis na batiin ako.

Naging successful ang ginagawa ko, maraming humanga sa akin, nakakilala. Pero hindi ka naging masaya. Ang sabi mo, ang hirap kong abutin. Ang taas ko na at nakalimutan na kita. Hindi ako nakapag enjoy, mas iniisip ko kung paano mawawala 'yon sa utak mo. Ikaw palagi, ikaw palagi ang inuuna ko. Yung nararamdaman mo lagi. Kahit nasasaktan ako, masaya ako kapag masaya ka.

9TH MONTH.

"Let's break up. I'm breaking up with you."

It's my birthday, at ang regalo mo ay ang iwan ako. Walang dahilan. Hindi ko alam ang rason, umiiyak ako sa mismong birthday ko, hindi dahil masaya ako kundi dahil sa sakit na dulot mo.

Kinabukasan, pumunta ka sa bahay. At sinabi mong dare lang 'yon. Mas lalo akong nasaktan pero tinanggap pa rin kita. Ipinag palit mo sa dare ang kasiyahan ko. Hindi mo inisip ang mararamdaman ko sa desisyon na ginawa mo. You're so selfish.

Months into years.

1ST YEAR.

"Anong meron sila na wala ako? Masarap ba sila!? Kumakabet ka sa may karelasyon na!"

Nasaktan ako nang pag bintangan mo ako, sa loob ng taon na may tayo. Hindi ko akalain mang gagaling pa yon sa'yo, pag isipan ako ng masama at ipamukha na parang ang landi ko. They're my friends. Hindi ako nag salita ng masama sa mga kaibigan mo, hindi ka nakarinig ng kahit anong masasakit na salita sa akin.

Nag sorry ka, at tinanggap ko 'yon. Naulit ng naulit, tinanggap kita kahit sobrang sakit. Loving you was so painful.

2ND YEAR.

"EDI AKO NA ANG MALI! MASAYA KA NA!? TANGINA EDI IKAW NA PALAGI ANG TAMA! GAGO KA, MANAHIMIK KA NALANG!" sigaw mo.

Nag away tayo sa mismong anniversary. Kasi tinama ko ang mali mo. Galit na galit ka no'n. Wala kang kontrol kaya namura mo ako. Nagulat ako no'n, ibang iba ka na sa taong minahal ko. Naiyak ako no'n, masakit nasasaktan ako.

"Anong iniiyak mo diyan? Nasasaktan ka na naman? Ang arte mo! Tumigil ka nga, peste!"

Sumigaw kang muli ng umiyak ako, binalibag mo ang upuan sa galit mo. All I can do is to cry silently.

Konti nalang bibigay na ako. Konti nalang mapapagod na ako.

THIRD YEAR.

Halos man lamig ako ng makita kong may kahalikan ka. I was about to leave when I heard your conversation to that girl.

"Do you have a girlfriend?" tanong no'ng babae.

"I'm single, but ready to mingle kung ikaw." sagot mo. Napahawak naman ako sa bibig ko at nag simulang umiyak.

---

Nag text ako na mag hiwalay na kami. Hindi ko na kaya, pagod na pagod na ako.

Dumiretsyo ako sa bahay para ibalita na wala na kami ni Amir. Pero isang malakas na sampal ang pinambati ni Mommy sa akin.

"Walang hiya ka! Kailan kita tinuruang lumandi!?" sigaw niya.

Nag taka ako pero mas nagulat ako ng ingudngod ng kapatid ko ang cellphone niya sa mukha ko.

"Ang landi mo! May boyfriend ka, pero nakuha mo pang lumandi!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tinignan ko ang nasa selpon.

"I love you even though you cheated on me." caption ng nasa picture.

Picture ko at ng bestfriend niya. Niyakap ako ni Ethan dahil sa araw na 'yan ay nakita ko ang kalaswaan na ginagawa nila ng kapatid ni Ethan sa mismong kwarto ko.

Tumakbo ako sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto at kinuha ang mga gamot sa drawer ko. Iba't ibang pills at sabay sabay kong ininom ito hanggang sa nahirapan na akong huminga at kusang mag sara ang aking mga mata.

Biktima ako. Pero biktima siya sa mga mata ng tao.

Niloko niya ako pero ako manloloko sa mata ng tao.

Hinusgahan nila ako ng hindi nila alam ang buong kwento.

At natapos ang buhay ko ng dahil sa kahihiyan. Nang dahil sa pag mamahal ko sa kaniya'y nasira ako. Sinira niya ang buhay ko at ng mga taong hinusgahan ako.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: September 3, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now