#13

91 4 0
                                    


THE UNTOLD STORY OF MY BROTHER


"Ang kapal talaga ng mukha mo!" napatayo ako sa kama ng marinig ko si Mama na sumisigaw at sinabayan ng isang malakas na tunog.

Agad kong nakita ang kapatid ko sa harapan ng pintuan na nakaharap kay Mama habang hawak ang kanang pisngi niya. Alas dose na ng hating gabi at mukhang malakas na sampal pa ang bungad sa kaniya. Napailing nalang ako, nang makita ko na naman ang inis, galit, at pag aalala sa mukha at mata ni Mama.

"Saan ka na naman nanggaling!? Wala ka bang kasama at hindi ka marunong mag paalam at umuwi ng maaga!?" sigaw muli ni Mama kaya nilapitan ko na sila at umawat.

"Overtime lang." dumeretsyo siya ng lakad at pumasok sa kwarto niya.

"Tignan mo! Bastos! Kapag ikaw gumaya sa kapatid mo, lumayas ka na ng bahay! Perwisyo!" galit na sigaw niya tiyaka bumalik sa kwarto nila ni Papa.

Palaging gano'n araw araw, makikita kong sinisigawan si kuya dahil sa late lagi ng uwi. Bulakbol, mapabarkada man o sa pagiging adik sa basketball at sa pambababae.

Isang beses, may lumapit sa akin na kaklase ko at tinatanong kung nakabuntis ba ang kapatid ko. Kumalabog ang puso ko sa kaba at sa takot. Malaking problema pag nagkataon. Malaking kahihiyan sa angkan namin. Isang malaking pag kakamali.

"Ma," bungad ko pag kauwi ang humalik sa kaniya. "May tatanong ako ma," dugtong ko at nag simula ng pawisan ng malamig.

"Hm, ano?" tanong niya habang nag liligpit ng hugasan.

"Nag tanong kaklase ko, nakabuntis daw po ba si kuya?" kinabahan ako ng marinig ko ang pag hulog ng mga pinggan na hawak niya sa lababo.

"Ano kamo?" itong oras na 'to ay nakaharap na siya sa akin na mau blangko ang paningin.

"M-Ma, nakabuntis daw po si kuya." kabadong ulit ko sa sinabi ko.

Lalo akong kinabahan ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan at bumulaga ang kapatid kong kapapasok lang ng bahay.

"Nakabuntis ka?" mahinahon na tanong ni Mama.

"Limang buwan na ngang nakalabas sa tiyan no'ng babae. Kaya late akong nakakauwi, nag hahanap buhay ako. May maipadala lang sa kanila." walang gana na sagot ni kuya.

Napasigaw ako ng mabilis na lumapit si Mama kay kuya at pinag sasampal siya. Umiiyak si mama at hindi ko maawat sa galit niya. Naluha na rin ako dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari.

"Ano bang kasalanan ko!? Anong bang pag kukulang ko sa'yo!? Bakit ganiyan ka!?" sigaw ni mama at sinampal niyang muli si Kuya.

Tahimik siyang nakayuko at tinanggap ang sakit. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganiyan, naiinis na rin ako.

"Ma, apo niyo." bungad smi Kuya ng isang araw ay dalhin niya ang bata sa bahay at ang nobya niya pra dito manirahan.

"Nasaan ka no'n?" tnaong ko sa babae.

"Probinsya, natakot ako sa mga magulang ko kaya tumira muna ako sa lola ko. Hindi ako sinistentuhan ng kaptid mo. Hindi niya ako kinakamusta, nambabae pa siya, habang nasa malayo ako.' nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. Napakagago ng kapatid ko.

"Wag kang mangingielam. Hayaan mo silang dalawa ng kuya mo," awat ni Mama sa akin nang lalapitan ko dapat si Kuya.

"Hayop ka! Ang tagal kong nagtiis sa'yo! Tinanggap kita kahit paulit ulit mo akong ginago! May anak ka na nakuha mo pang lumandi!" napatayo kami nila pala ng nakita namin mg sinampal si kuya ng girlfriend niya at sinisigawan.

"Anong bang pinag sasasabi mo? Wag ka ngang gumanyan sa harap ng magulang ko, nakakahiya ka." mahinahong munit gulat na saad ni kuya.

"Ang kapal ng mukha mo! Tangina, tiniis ko lahat ng hiral habang nag papakasaya ka dito!" sigaw ulig ng girlfriend ni Kuya.

"Tumigil ka na! Tumigil ka na!" galit na sigaw ni kuya at aambahan na ng sampal yung girlfriend niya ng maunahan siya ni Mama't siya ang nasampal.

"Sasaktan mo? Tatanungin kita, bakit nga ba nambababae ka? Ano pa bang sakit ng ulo ang ibibigay mo sa amin!?" sigaw ni mama.

"Kailan niyo ba ako tatanungin? Pagpapaliwanagin bago kayo mag salita? Isang taon mahigit kong kinimkim at tinago! Dahil natatakot ako, at kung mambabae man ako ay wala ka na do'n Stella! Wag kang gumanyan sa harapan ng magulang ko dahil inako ko ang anak mong hindi naman akin! Tinanggap ko sila, iniwan niya ako ma at nagpakama sa iba at ngayon sa akin ibibigay ang responsibilidad na hindi niya kaya." umiiyak na sabi ni kuya at sabay sabay kaming napanganga nila Mama.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: October 25, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon