#44

52 2 0
                                    


WHEN I FINALLY MEET THE ONE


"Are you okay?" tumango ako sa boyfriend ko si Kizzer.

"Come on, tell me. What happened to my girl?" tumingin ako sa kaniya ng hawakan niya ang mukha ko.

Nakita ko ang pagaalala niya, nang hindi ko na napigilan at yumakap ako sa kaniya't umiyak.

"I failed, hon. Ang baba no'ng isang exam ko. Ibang iba sa ni-review ko." umiyak ako ng umiyak sa bisig niya at nanatili naman siyang nakikinig at hinahaplos ang likod ko.

Unang beses 'to na halos wala akong na-isagot. Wala ang mga ni-review ko do'n kaya halos manlumo ako.

"Come on baby, saan ka ba nahirapan? Tutulungan nalang kita bago ako umuwi. Maaga pa naman. Ano bang palagi kong sinasabi?" suminghot singhot ako nang lumayo ako sa pagkakayakap niya.

"If I failed, Try again to pass. I can do it. I will do my best, for me to achieve my dream." tumango tango siya sa sinabi ko.

"You can do it, if you focus more. I will help you. Mag pa-paalam ako kay tita na gagabihin ako dito, para samahan kang mag review."

Hindi naman ako matalino, hindi rin mahina. Nag aaral ng mabuti at nagsisipag, hindi naman ako bumababa ng 87 pero mukhang mangyayari ngayon 'yon. Sa aming dalawa si Kizzer ang matalino. No'ng naging kami, tinulungan niya ako sa mga paraan niya sa pag re-review. I hate to memorize, dahil sobrang makakalimutin ako. Hindi niya ako pinilit, nagkusa ako. Nakaka-amaze lang, kaya ang sabi ko sa sarili ko na kaya ko 'yon.

Sa 6 years namin, sabay naming naabot yung mga goals namin. Nakakatuwa lang na magkasama pa rin kami hanggang ngayon. Kahit maraming dahilan para huminto.

Hindi madaling mag college lalo na kapag hindi mo nagustuhan ang kursong gusto nila para sa'yo but you need to do it, dahil hindi naman ikaw ang nagpapaaral sa sarili mo. Pero napamahal na rin ako kalaunan ng magsimula kong i-enjoy ang kursong nakuha ko, isa pa nand'on naman si Kizzer para i-guide ako. At nakaraos naman salamat sa Diyos.

"Love." tawag niya sa akin.

Natakot ako dahil masyado siyang seryoso. "What is it?" I asked.

"Here, look." kinakabahan man ay kinuha ko ang envelop at binuksan ito.

Isa 'yong sulat galing sa pinangarap niyang kompanya. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kaniya na ngayo'y maluha luha ng nakatingin sa akin.

Tumalon talon ako sa tuwa at yumakap sa kaniya. No'ng umpisa palang ay ayon na ang gusto niyang pasukan. His dream finally come true!

"I'm happy. I'm so proud kyaaaa! Sila na mismo ang kumuha sa'yo!" hinalikan niya ako sa noo at tinitigan.

"It's your turn. Sabay kaming nag apply ng trabaho, sinubukan na naming mag require dahil wala namang masama. Isa pa pareho kaming nasa industria ng business kahit art naman talaga ang gusto ko.

"Okay, ito na." umupo ako at binuksan ang laptop para tignan kung nakapasok ako sa pangarap kong kompaniya.

Nang mabuksan ko ang site, hindi ko alam kung itutuloy ko o hindi. Kinakabahan ako sa makikita ako. I don't wan to failed again. Madali ko itong pinindot at napahagulgol ako sa nakita ko.

'Passed. You're in.' natatawa siyang yumakap sa akin mula sa likod ko.

"I know you can do it. I have a surprise for you, baby." hindi pa man din ako nakaka get over, tumayo na ako sa pagkakaupo at humarap sa kaniya.

Isa itong envelop ulit, kinuha ko ito at binuksan.

Hindi ko alam mararamdaman ko nang makita kong galing ito sa work shop art na gustong gusto kong pasukan noon pa.

"Hindi yan trabaho, parang side line lang. I know na gusto mo diyan kaya kinausap ko yung kaibigan ko. Nagkataon na pinsan niya yung head. I hope yo---" hindi ko na siya pinatapos at dinampi ang labi ko sa labi niya tiyaka yumakap ng mahigpit.'

"Sobrang masaya ako at sobra kong nagustuhan! Thank you, love. Thank you." humalik siya sa noo ko at ginulo ang buhok ko.

"Sunod niyan, sing sing at sa altar na." natawa kaming pareho at ninamnam ang matagal na naming pangarap, na sabay din naming tinupad.

I finally found the right one.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: February 25, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now