#37

38 2 0
                                    


SONGS CAN ANSWER MY QUESTIONS


I'm Kyle, she's Chie.

I'm normal, she's deaf.

We've been together for 3 years.

Paano ko nakayanan? Simple lang, mahal ko eh. Tanggap ko ang kakulangan niya. Tanggap ko siya. Nang dahil sa kaniya, pinilit kong aralin yung mga bagay na akala ko mahirap, sign language ang hindi pagsalita ng ilang oras at iba pa. Literal na tahimik ang relasyon naming dalawa.

Matalino siya, maganda, tipong wala kang po-problemahin sa kaniya. Minsan nakakatulong ang musika sa aming dalawa. Sa pamamagitan no'n napapahayag niya ang damdamin niya.

"Looks like we made it, look how far we've come my baby..." rinig kong tugtog sa kusina, nakita ko siyang nagbe-bake ng cupcake kaya nakangiti akong lumapit at yumakap mula sa likod niya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, tinigil niya ang ginagawa niya at humarap sa akin.

'Gutom ka na ba, mahal?' (sign language) tanong niya kaya nagbiro ako na humawak sa tiyan at tumango tango.

Sobrang bait niya, tipikal na anghel sa paningin ko. Pero sobrang bait niya, minsan nakakatamad na. Yung paulit ulit na sistema, hindi ko maiwasang maghanap ng iba. Yung naririnig ko, yung tipong ibang iba sa kaniya.

Ginawa ko na yan noon, lokohin siya kasi alam kong sobra ang tiwala niya sa akin. Pero nahuli niya ako, parang sinaksak ang puso ko nang makita kong umiyak siya. Gusto niyang magsalita, pero hindi niya kaya, nahihirapan siya.

"Baby? What do you want?" I asked Jennifer, wala si Chie dahil umuwi sa kanila. Kaya nakipag kita muna ako kay Jennifer. Isa sa mga naging kalandian ko,

"I told you, John. Hiwalayan mo na si Chie kung patuloy mong gagawin sa kaniya yung ganito. Babae din ako at tenga at bibig niya lang ang may diperwnsya hindi ang utak at puso niya." pangangaral niya kaya napailing ako.

"Ipapahinga ko lang utak ko, Jen! Kung ayaw mo hahanap nalang ako ng iba." inis na saad ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Mahal ko si Chie, pero hindi ko maiwasan ang ganito. Ayaw ko siyang mawala. Natatakot ako pero hindi ko mapigilan.

Lumipas ang gabi, malapit na kami ni Jennifer sa condo na inuuwian namin ni Chie, nagsila ko siyang halikan ng nasa pinto na kami ng condo ko at nabuksan na ito. Tinanggal ko ang butones ng polo niya sa taas pero agad na nahinto ng may mabasag na kung ano.

Halos manlamig ako ng makita ko si Chie na may hawak na baso ngunit basag na ang wine na hawak niya sa isang kamay.

Kita ko ang panunubig ng mata niya, ang tahimik na paghikbi niya.

"Chie..." hindi man niya ako naririnig, sinubukan ko lapitan siya ng sambitin ko ang pangalan niya pero umiling siya kaya napahinto ako.

Kinuha niya ang bag niya sa sofa at nagpunas ng luha tiyaka ngumiti sa akin ng pagkatamis tamis.

'I love you. Remember that.' (sign language) naramdaman ko ang pag init ng mga mata ko pero hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Lumapit siya sa akin at huminto mismo sa harapan ko at hinawakan ang mukha ko. Pag katapos at may kinuha siya sa bag niya, ang isang cellphone niya na puno ng kanta. Sinalpakan niya ng ear phone ito at may hinanap tiyaka binigay sa akin at umalis.

Dahand dahan kong inilagay 'to sa tenga ko at napaupo ako nang marinig ang kantang "Malaya" by Moira Dela Torre.

It's over.

Ngayon ko lang narealize na wala sa kakulangan ng isang tao nababase kung mananatili o masasabi mong mahal mo siya. Dahil ang pagmamahal, makukuntento ka, sa kung anong nakikita mo sa kaniya at pahahalagahan mo kung ano yung mga bagay na kaya niyang ibigay, na hindi mo na kailangan hanapin sa iba.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: February 5, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now