#26

50 2 0
                                    


KUNG SINO PA ANG WALA, PARANG SILA PA ANG MAY PINAG ARALAN


"Sa tingin mo ano ang mahalaga? Pera o pakikipagkapwa?" narinig kong tanong ng isang matanda sa batang katabi niya.

"Pera po, kasi lahat p'wedeng mabili ng pera." nagulat ang matanda sa sinabi ng bata, pati na rin ako.

Ang bata bata pa, gano'n na mag isip.

"Dahil kapag wala pong pera, gagawin po nila ang lahat para magkapera lang. Kaya nagiging puhunan 'yon ng ibang mayayaman para magmanipula at manapak ng tao." nanatiling tahimik ang matanda pati na rin ako.

May punto ang batang kausap ng matanda. Gano'n siya mag isip dahil naging mulat na siya sa murang edad. Sa mga totoong nangyayari sa paligid niya.

Nandito ako ngayon malapit sa bilihan ng mga tiyange, balak ko sanang kumain kaya naghahanap ako ng p'wedeng kaininan.

Maraming tao ngayon, pero hindi naman siksikan sa tiyagian. Tatawid na sana ako ng makita ko ang isang batang pulubi sa kalsa at pumupunta sa salamin ng sasakyan at kakatok kapag huminto ito.

Ang karamiha'y parang hindi siya nakita, at ang iba naman ay parang wala lang. May iba na parang nandidiri at mayro'n mamang nagbibigay.

Tumabi siya ng magsiandar na ang mga sasakyan, napalingon ako sa gilid ko at may nakita akong matandang nakaupo at pinagmamasdan ang batang pulubi, ginaya ko ang ginawa niya. Pinagmasdan ko ang batang pulubi, tahimik lang ito na naghihintay ulit sa paghinto ng mga sasakyan. At nang magkaroon siya muli ng pagkakataon ay naglakad na naman siya ngunit sa kasamaang palad ay may humarurot na sasakyan at muntik na siyang masagasaan.

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinaraan mo! Nanghihingi ka ng pera rito paano kung makapahamak ka!? Pang bibisyo mo lang naman yan! Inutusan ka pa ng magulang mo para sa bisyo nila! Anak kasi ng anak wala namang pangkain! Wala pang trabaho! Mga perwisyo!" pagkasabi no'n nang manong ay agad itong nagpaharurot muli ng sasakyan.

Naging eksena iyon, maraming nagbigay ng kaniya kaniyang opinyon. May mga nagalit at may mga sumang ayon.

Napatingin ako ng sumitsit ang matandang nakaupo sa lapag na kanina pa nanonood sa batang pulubi.

"Tara dito!" senyas ng matandang nakaupo sa lapag ng kalsada.

Naawa ako sa bata ng makita ko ang malungkot na mata niya at mugto ang mata. Mukhang sobrang naapektuhan sa sinabi no'ng manong kanina.

Bago siya makalapit sa matandang tumatawag sa kaniya ay may dalawang bata ang lumapit sa batang pulubi. Itinaas ang kamay at tila nanghihingi ng kung ano. Napaiyak ako ng nagsensyas ito na nagugutom na. Lumuhod ang batang pulubi at umiiyak na kinausap dalawang bata, at tanging tango lang ang sinagot ng dalawnag bata. Nagpatuloy ang batang pulubi sa paglapit sa matandang nakaupo sa gilid ng daan.

"Sino 'yon iho?" tanong ng matanda sa gilid.

"Mga kapatid ko ho, wala na ho kasi ang mga magulang ko hindi ko ho alam kung nasaan. Hindi po kami binalikan. Kaya namamalimos po ako dahil nagugutom na po ang dalawang kapatid ko." sumisinghot na paliwanag niya at hindi matigil sa pag iyak.

Kinuha ng matanda ang lata sa gilid niya. Itinapon niya ang laman ng lata sa kaniya palad na puro pera at kinuha ang kamay ng batang pulubi at inilagay do'n ang lahat ng pera. Akala ko do'n matatapos ngunit nagulat ako ng palapitin niya ang dalawang batang kapatid ng batang pulubi at kinuha ng matandang lalaki ang nakabalot na tinapay sa gilid niya at ibinigay sa mga kapatid nito.

"Paano ho kayo?" tanong ng bata.

"Isa lang ang buhay ko, tatlong buhay naman kayong nagkakapatid. Bata pa, eh ako? Matanda na. Marami naman tutulong sa akin, magiingat kayo. Lumapit lang kayo sa akin kapag kailangan niyo ng pera o pagkain." nanubig ang mata ko sa sinabi ng matanda.

Pumunta ako sa malapit na karenderya at bumili ng mga pagkain, pumunta din ako sa mini market at bumili ng mga pagkain bago lumaput sa matanda.

"Tay, nakita ko ho ang ginawa niyo kanina. Ang buti po ng kalooban niyo." naglabas ako ng pera at inilahad iyon sa palad niya.

"May ulam ho dito, may mga pagkain din. Ito lang ang kinaya ko tay." inilagay ko yon sa gilid niya at umupo sa tabi niya.

"Wala na akong pamilya, wala akong pera. Pero hindi kasalanan ng mga batang iyon na mabuhay sa ganitong sitwasyon. Nahuhusgahan sila ng hindi sila tinatanong. Hindi sila matulungan ng mga taong mas kaya pang tumulong." nakita ko ang apmumula ng mata niya.

Nagk'wento siya sa mga naoobserbahan niya. Ang sabi niya, ang tao ang gumagawa ng k'wento ng buhay nila. Desisyon nila 'yon kaya wag isisi sa tadhana. Pero may mga taong hindi rin ginusto ang kinagisnan nila, pero nasa kanila din 'yon kung hahayaan nilang kaging gano'n nalang sila o gagawa sila ng paraan para maging maayos sila. Nalulon siya sa droga kaya naging pulubi siya, iniwan siya ng asawa niya at sumama sa iba kaya nanatili nalang siya sa buhay kalsada at tinutulungan ang mga batang katulad nalang no'ng batang pulubi kanina. Sa gayon daw ay mabawasan ang pagsisisi niya dahil pinabayaan niya ang buhay niya.

Humanga ako sa sinabi niya, at tumatak 'yon sa utak ko. May mga taong umangat nga sa buhay at may pinagaralan pero umaakto na parang walang pinag aralan. May mga kaya pero ginagamit lang ang pera sa mga walang k'wentang bagay at hindi makatulong sa mga taong nangangailangan at nanghuhusga't nagsasalita pa ng hindi magaganda.

Kung sino pa ang walang wala, ayon pa ang may maluwag sa loob na tumulong. Marunong makipagkapwa at kumikilos na may pinagaralan.

WAKAS.

PS. Wag magbitaw ng salita at wag manghusga kung wala ka naman nai-ambag o natulong sa taong tatapakan mo. Dahil ipinapakita mo kung anong klase kang tao.

---

Date kung kailan nagawa: January 6, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now