#31

38 2 0
                                    


MY MOMMY IS A SLEEPING BEAUTY


"Mommy! Mommy!" tawag ko kay Mommy nang matapos ko ang pinapanood kong Disney princess na si Ariel sa "The Little Mermaid."

"Oh, darling! Calm down, calm down! Madapa ka, what is it, darling? Are you hungry?" hinawakan niya ang mukha ko kaya napapikit ako, my mommy is so sweet!

"Si Ariel po, nakakuha ng prince charming! Where's your prince charming, Mommy?" tanong ko ng buhatin niya ako.

"My prince charming is your daddy, Darling. See? Angel ka namin, princess." nilaro niya ang buhok ko kaya naman pinaulanan ko siya ng halik sa kaniyang mukha.

Mommy is such a wonderful princess! She's sweet, lovely and so beautiful.

"Where's prince daddy, mom?" I asked.

Tumitig siya sa akin na para bang isang maling katanungan 'yon, bumuntong hininga siya, tiyaka niya ako ginawaran ng halik sa pisngi at tinitigan.

"Nasa malayo, because he needs to protects us from the bad guys."

Daddy prince is a hero! He's a real prince!

"Who is your favorite princess, Mom?" tanong ko sabay hila sa kaniya papuntang kitchen kaya natatawa siyang nagpatianod sa hila ko.

"Sleeping beauty, baby." binigyan niya ako ng milk and cookies kaya naman natuwa akong umupo at nagsimulang kumain.

"Why mom?"

"Dahil kailangan niya ng prince charming na gigising sa kaniya. Waiting for the right one for her to wake up. For the right time as well." nakangiting saad niya kaya napangiti ako.

Someday, I'm gonna find the right one in the right time.

Time had passed, kinwentuhan ako ni Mommy hanggang sa makatulog ako. Nang mag umaga ay kusa na akong bumangon dahil hindi ako ginising ni Mommy.

That's somehow strange.

"Mommy?" tawag ko nang magsimulang maglakad papunta sa k'warto niya.

"Mommyyyyy?" nagagalak na tawag ko at tumakbo na, baka tinataguan na naman niya ako at gugulatin!

Kumatok muna ako pero walang nasagot kaya binuksan ko na ito. The I saw mommy, she's sleeping.

"Mommy?" tawag ko pero hindi siya sumagot, nagsimula na akong mag alala.

"Mom, I'm awake now. Wake up too... I want milk..."

Kasabay no' n ang pagbukas muli ng pinto ng k'warto niya and I saw Tito Tyrone.

"Fuck, damn it. I'm late." namula ang mata ni Tito kaya naawa ako.

"Tito, are you sick? Ayaw gumising ni Mommy..." sabi ko kaya tumakbo ako sa kaniya at nagpabuhat.

"Si mommy mo, she needs to rest." ngumiti si Tito at ipinunta ako sa k'warto mo.

"Princess? Listen to me, may pupuntahan lang ako at isasama ko si mommy mo. Wag kang aalis sa k'warto mo. Can you do that?" tanging tango lang ang nasagot ko.

Lumabas siya ng k'warto kaya nahiga nalang ako at pinanood ang favorite na disney princess ni mommy. Ilang oras ang lumipas when they finally back.

"Tito! Nasa---" nahinto ako ng makita kong pareho na kami ng damit ni Mom.

"Bakit po siya nakahiga diyan?" I asked at lumapit sa lugar kung nasaan nakahiga si mom.

"Yung puso ng mommy, nagstop so she needs to rest." malungkot na sabi niya so I started to cry.

"Matagal po siyang matutulog?" tanging tango lang ang sagot nila kaya mas lalo akong umiyak.

"She needs daddy! Mommy is the real sleeping beauty! She needs the kiss! Tito, find daddy prince!" umiiyak akong hinatak hatak ang damit ni Tito kaya narinig ko ang lalong pagiyak nila Tita.

"Magkasama na sila, baby. Tinawag na siya ng daddy mo kasi hindi na niya kaya yung kalaban pero sa ibang mundo na sila magkasama, it's magical right?" ngumiti si Tito at lumuhod.

"Magkasama po sila?" humihikbing tanong ko

"Yes, baby. She's sleeping because she's in another world now. So don't cry, ayaw ni mommy mo na umiiyak ka." tumango tango ako at tumingin kay mommy na nakahiga sa new bed niya.

Lumapit ako at hinawakan siya.

"Tito, can you take a picture? I want a picture with sleeping beauty!" nakangiting sabi ko kaya inilabas naman niya ang cellphone niya at pinicturan kami.

"Come back mommy, okay? Wait for the right kiss and the right time in another world. I love you, mommy." sabi ko at nginitian ang natutulog na prinsesa.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: January 23, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now