#8

160 5 0
                                    


HINDI AKO NAG KULANG, HINDI LANG TALAGA AKO SAPAT


///

"What do you think your doing, Melissa?" galit na taong ng kapatid ko.

Nakita niya sa mesa yung regalo na dapat ibibigay ko kay Josh. Baka sakali. Nag babakasakali.

"I-I was just thinking... Baka p'wede pa, bak---" sinampal niya ako kaya napatungo ako.

"No'ng una pinag bigyan na kita! Hindi na katangahan at karupukan yan, Melissa! Martyr ka na! Hindi na nakakatuwa! Ginagago ka na tinatanggap mo pa!" nahimigan ko ang galit sa boses niya.

Nanginginig ang kamay niyang isinampal niya sa akin.

"Pero mahal ko siya ate. M-Mahal ko pa rin siya." napa hagulgol ako pag kasabi ko no'n.

"Hindi na pag mamahal 'yan. Obsession na. Hindi na healthy 'yan. My god! Para kang nag rerecycle ng basura! Ano kapag niloko ka, tatanggapin mo? Ilang araw lang matitigil tapos gagaguhin ka uli? Tapos lalapit ka sa akin tapos iiyak ka? Hindi kita binuhay at hindi ka binuhay ng magulang natin para mag pakatanga lang, Melissa!" sumigaw na sabi niya't idinuro pa ako.

Tumakbo ako papunta sa kwarto at umiyak. Naalala ko na naman. Lahat lahat no'ng ginawa sa akin ni Josh, pero sa huli mahal ko pa rin.

"J-Josh?" naluluha na tawag ko ng may nahahawigan akong tao.

Tumatawa siya habang nakaakbay sa babae. Dumako ang kamay niya sa bewang nito at pinisil at ihinapit ito lalo sa kaniya.

Lumingon siya sa akin at kita ko ang gulat, lumayo siya do'n sa babae siyaka pumunta sa tabi ko.

"H-Hey, let me explain. She's Margaret, p-pinsan ko." utal at kabado na paliwanag niya.

Napatingin ako do'n sa babae, nakataas ang kilay niya pero hindi lumapit sa amin.

"Alis na ako." ngumiti ako siyaka tumalikod. Do'n ko na hindi pinigilan ang pag tulo ng luha ko.

"He's lying." natatawang sabi ko sa sarili ko at pinunasan ang luha ko.

Anim na beses. Anim na beses niya na akong niloloko pero nasa kaniya pa rin ako. Hindi siya mawala sa sistema mo. Na kahit sobrang sakit na mahal na mahal ko pa rin siya.

Ang daling sabihin na okay lang. Pinapatawad na kita. Kinalimutan ko na pero yung sakit at yung alaala, yung tanong na nasa isip ko hindi na mawawala. Mahirap mabuo ulit yung nawasak na. Mararamdaman mo na yung takot at yung pakiramdam na parang kasonungalingan nalang ang lahat at puro pan loloko nalang lahat ng nasa paligid mo.

"Ano bang kulang sa akin?" umiiyak na sabi ko, isang beses ng makita kong hinalikan niya yung babaeng kasama niya sa bar.

"W-Walang kulang sa'yo." sagot niya. Lumapit siya pero lumayo ako.

"Alam mo ba kung anong epekto sa akin? Alam mo ba ang nararamdaman ko sa tuwing niloloko at sinasaktan mo ako!?" sigaw ko.

"It was just a mistake. I'm sorry... Patawarin mo ako, kalimutan na natin. Mag simula uli tayo, please. Mahal kita." nag susumamong sabi niya pero natawa ako.

"Mahal mo ako, pero nagawa mong lokohin ako ng paulit ulit? Ang sarap mo namang mag mahal. Mag simula man muli, hindi mo maitatangging nakatatak na sa akin 'yon. Anong kulang? Anong mali? Ano bang nagawa ko? Ano ba yung mga bagay na meron siya, sila? Bakit hindi mo nagawang makuntento sa akin!?" tanong ko sa kaniya.

Napayuko siya. Hindi ko maramdaman ang sincerity niya sa mga sinasabi niya. Sorry? Para tapalan lahat ng ginawa niyang kasalanan pero hindi yung sakit.

"Bakit hindi mo nalang ako hiniwalayan? Kung hindi mo na pala gusto. Alam mo ba yong halos mapraning ako kapag wala ka, iniisip ko kung sino kasama mo, anong ginagawa mo. Kapag busy line mo, iniisip ko kung sino kausap mo at bakit tumatagal ng ilang oras. Hindi mo man lang naisip ang epekto sa akin!" umiiyak na sumbat ko sa kaniya.

Hindi siya nag salita, hindi siya kumibo. Para akong tangang naka tingin sa kamiya at nag hihintay ng sasabihin niya.

"S-Sorry. Hindi ko sinasa---" tinulak ko siya. Sinuntok ko siya sa dibdib niya.

"Hindi mo sinasadya? Desisyon mo 'yon. Choice mo! Ilang beses kitang tinanggap at inintindi, umaasa akong may mag babago! Umaasa akong mag babago ka! Tangina, gusto mo akong pabalikin pero hindi ko nakikita sa actions mo na gusto mo akong bumalik! Palagi mong simasabing bumalik ako, hindi mo kaya pero pucha naman Josh! Hindi ako bato! Nasasaktan din ako, ni hindi ko nakita ang effort mo para bumalik ako kasi alam mong hindi ko kayang iwan ka!" sigaw ko sa kaniya.

Parang sumabog ako na bomba. Gusto kong mag wala pero wala akong magawa. Deserve ko ba 'to? Nag mahal lang naman ako pero bakit sakit ang palagi isinusukli sa akin?

"Mahal kita. Totoo 'yan. Sana maniwala ka." mahabang katahimikan ang namukod tangi sa aming dalawa.

"Mahal mo ako pero hindi mo magawang manatili sa akin. Mahal mo ako pero nagawa mong tumingin at mag hanap ng iba. Mahal mo ako pero hindi ka nakuntento?" nakangiting tanong ko.

"Mahal kita, Melissa." muling saad niya pero wala ang sensiridad.

"Ginawa ko ang lahat, talo pa rin ako. Tinanggap kita ng paulit ulit kahit masakit. Pinili at ipinag laban kita kahit marami ng dahilan para isuko na. Mahal kita eh. Hindi ako nag kulang, alam mo 'yan. Siguro hindi lang talaga ako sapat kaya hindi mo nagawang maging tapat." sabi ko siyaka siya tinalikuran.

Umiwi ako ng umiiyak, tumakbo papalapit sa kapatid ko at niyakap siya ng mahigpit.

"I'm not enough." umiiyak na sabi ko kay Ate.

"You're enough, pero hindi sa kaniya. You're not meant to be. He's a lesson." niyakap niya ako ng mahigpit, ibinuhos ko sa kaniya lahat ng sakit.

PS. May kanya kanya tayong halaga. Pero hindi lahat ng tao makikita 'yon. Hindi lahat ng tao pakikitunguhan tayo sa paraan na gusto natin. Minsan kapag naiisip nating mahal natin ang isang tao, nawawala yung pag mamahal natin sa sarili natin na hindi naman dapat. Kaya kapag nawala yung tao na 'yon sobrang sakit at naiisip mo na hindi mo kaya. Pero darating sa puntong marerealize mo na, nasaktan ka man atleast naibigay mo ang best mo. At nakawala sa taong hindi naman talaga para sa'yo.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: August 17, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now