#22

60 2 0
                                    


THE REALITY VS. FILTER


"Ang ganda!"

"Crush kita miss!"

"P'wede bang manligaw?"

"So cuuuuute! I envy you!"

"Sexy, how to be yours?"

"So attractive ackkk."

Lumaki ang ngiti ko sa mga nababasa ko sa mga comment ng dp ko. Umabot na 'to na 900+ yung reacts at puro compliment comments ang natatanggap ko. Isa isa kong sinagot ang comment nila.

Sa tuwing nag po-post ako ng pictures ko sa IG at FB, nakakalimutan ko yung realidad na pangit ako, na mataba ako na hindi gusto ng tao ang itsura ko. I gain reacts, compliments and fame. 'Yon lang because of filters.

"Ang sabi ko sa'yo tigilan mo na 'yan. Mas maganda pa rin yung natural." napa irap nalang ako nang marinig ko 'yon mula sa likod ko.

That's my Kuya Kenneth. Siya ang pinakatutol sa mga ginagawa ko. Dahil hindi naman daw kailangan.

"Shut up, brother." inis na sabi ko at nag patuloy sa pag edit ng picture ko.

"You're beautiful, Candy. Mas maganda pa rin yung totoo ka sa sarili mo. Trust me, mas masakit yung maririnig mo at mababasa mo kapag hindi mo tinigil 'yan. Why do you care 'bout them? You're beautiful for me, for us." he always like that.

May mga gustong manligaw pero hindi ko pinapayagan dahil reality's sucks.

Hindi ko siya pinansin hanggang sa lumabas na siya ng kwarto ko. Bakit kasi hindi nalang ako gumanda? Para walang problema diba? Puhunan sa social media ang mukha. Pati dito sa bansa puhunan ang mukha. Kapag maganda ka, karespe-respeto ka. Kagalang kagalang, puro puri ang matatanggap mo. Hindi ka huhusgahan.

Pero paano sa katulad ko? Madumi tignan, puro panlalait, pambabash. Kahit walang ginagawa yung mukha mo sa kanila, mag bibitaw ng masasakit na salita may masabi lang. Gagawing katawa tawa yung pag mumukha mo without knowing na nasasaktan ka na.

One time sumama ako kay kuya para mag grocery. I was about to go back in our car but someone called my name.

"Candy!" napalingon ako sa tumawag.

Nagulat ako ng makita kong isang lalaki ang tumawag sa akin, he's cute. No, he's handsome. Matangkad din siya, maputi at maangas ang pananamit. Agaw atensyon.

"You're Candy, right?" nagulat ako ng napansin kong malapit na pala siya sa akin.

Umatras ako at tumango.

"Iba yung mukha mo sa picture kaysa sa personal. Maganda ka sa picture pero sa personal hmm okay na." bumalik ako sa realidad sa sinabi niya.

Nag arko ang kilay ko pataas. Nainsulto ako sa sinabi niya. "Excuse me?" tanong ko.

"Don't get me wrong, you're beautiful. But filters makes you look beautiful even more." ramdam ko naman sincere siya pero hindi ako natutuwa sa sinasabi niya.

"I have to go." sabi ko at akmang papasok na sa sasakyan ng hawakan niya ang kamay ko.

"P'wede ko bang kunin number mo?" tanong niya.

Binigay niya ang cellphone niya at tinipa ko naman ang numero ko do'n. Tiyaka pumasok sa loob ng hindi siya tinitignan pabalik.

Valedictorian ako magmula elementary hanggang high school. At balak ko din hanggang college and I did it. Wala akong problema sa academics, financial, to my friends and my family. Sarili ko lang talaga problema ko.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now