#3

402 8 0
                                    


A SWEET LIE


(Sabi nila kapag ang tao ay lasing, mag sasabi ng totoo. Paano kung malaman mo na hindi ka pala talaga niya minahal? Na hindi totoo ang pinakita niya sa'yo? Anong mararamdaman mo? Is that a white lies or a sweet yet a sinful lies?)


///


Nasa kwarto ako at nag lilinis ng mga kalat, naging routine ko na kasi ang pag lilinis kapag free time o weekends. Habang nag pupunas ng mga picture frame nag papatugtog ako gamit ang cellphone ko (Bluetooth) kaya rinig na rinig ang pag ring nito nang may tumawag.

"Oh, hello?" Hindi ko na tinignan ang pangalan dahil, kilala ko na kung sino.

Siya lang kasi ang nilagyan ko ng ringtone na 'Thousand years', ang boyfriend ko na si Benidict.

"Hey, babe. Magpapaalam lang sana ako, may inuman kasi kila James mamaya, p'wede ba 'kong sumama? Don't worry walang babae. Kami kami lang nila James and Tyron. Kung gusto mo sumama, mas maganda. Para naman mainggit ko sila hahaha. Sunduin kita kung sasama ka." Natatawang sabi niya, natawa din naman ako.

Hindi ako mahigpit sa kaniya, marunong naman kasi siyang magpaalam at alam niya ang limitasyon niya. Kaya malaki ang tiwala ko.

"Oo naman, Babe. P'wede. Pero hindi na ako sasama ah? Boys date yan eh hahaha. Basta wag masyadong mag pagabi ah? Mag-enjoy kayo okay? I trust you." Palagi naman ayon ang huling litanya ko sa kaniya. I trust you.

Sa tatlong taon, hindi ko na siguro kailangan pagdudahan siya. At mababait naman sila James at naging kaibigan ko na rin.

"Thankyou, Sav ko. I love you!" Sagot niya at natawa naman ako.

"Inuuto mo na naman ako, Benedict ko." Pangaasar ko sa kaniya.

"No, baby. Sadyang thankful lang ako. Haha!" natawa naman siya sa kalokohan niya.

"O s'ya sige na, mamaya nalang uli tayo mag-usap ah? Naglilinis pa 'ko, mag re-review din ako para sa bar exam." Sagot ko.

Yes, Law ang kurso ko pero hindi naman naging dahilan ng away namin. Siya naman ay Engineering ang kinuha.

"Oh sige, galingan mo ah? Kumain ka okay? I love you!" Sagot niya, sinagot ko naman yon ng I love you too at pinatay na ang call.

Lumipas ang tanghali, at nagsimula na 'kong magreview. Isang linggo nalang at bar exam ko na. Kailangan kong mag-aral.

Hanggang sa mag gabi ay nag-aral ako. Buong mag hapon ay nag focus ako sa libro.

Mga alas nuebe ay nakaramdam ako ng gutom, umunat ako at nahiga sa kama, kailan kong mag pahinga. Inihiga ko ang sarili ko at tumunganga sa kisame nang biglang nagring ang phone ko.

Tinignan ko ito at nakita kong si James 'yon.

"Hello, oh James napatawag ka?" Bungad ko sa kaniya.

"Hey, pasensya na. At ikaw ang tinawagan ko. Lasing na lasing si Benedict." Sabi niya na ikinagbigla ko.

"Ihahatid ko kasi si Tyron sa kanila, mejo may tama na rin kasi ako, baka p'wedeng ikaw na ang mag sundo kay Benedict dito?" Tanong niya, hindi naman ako nag dalawang isip at agad na nagayos at pumunta kung nasaan sila.

Unang beses mangyari na nalasing si Benedict, kadalasan ay nakakapag kuwentuhan pa kami.

Kumatok ako sa pintuan at agad na binuksan yon nI James.

"Nako pasensya na ah? Aalis na 'ko, ihahatid ko na 'to sa kanila. Baka mahuli pa 'ko sa checkpoint eh. Hintayin mo, nalang ako, bago kayo umalis ah?" Tumango ako bilang sagot at umupo na sa tabi ni Benedict.

Naiwan kaming dalawa dito at tulog na siya. Inayos ko ang mga bote at pinagkainan nila, para wala ng iintindihin si James mamaya. Pero laking gulat ko ng makitang gising si Benedict at nakangiti sa gawi ko.

Lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ang mukha niya't tinignan siya.

"Sabi ko wag uminom ng madami, pasaway ka na ah?" Kunwaring galit na sabi ko pero ngumiti lang siya kaya napangiti ako, lasing nga.

"I-I lo *huk* love you" nakangiti at hinawakan ang mukha ko.

"Mahal n-na mah *huk* mahal kita." napangiti akong muli at pinagmasdan siya.

"I-I love you, hehehe" tawa niya pa at tumingin sa akin.

Nanatili akong nakangiti at pinagmamasdan siya.

"M-mahal na *huk* m-mahal kita, Zeyya."

'Zeyya'

'Zeyya'

'Zeyya'

Biglang nagbago ang ihip ng hangin, automatikong nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng gulat. Hindi Zeyyanah ang pangalan ko. Kundi Savannah.

"A-ano? Sino si Zeyyana? Si Savannah ang girlfriend mo." malumanay na sagot ko.

Tumawa siya na ikinabigla ko at umupo ng maayos, "I never love, Savannah *huk* hindi ko siya mahal. Ginamit ko nalang siya para mapalapit at makita si Zeyyana. Nakikita ko siya sa'yo mahal. I miss you." nag pintig ang tenga ko, kusang namuo ang luha sa mata ko at naguunahan tumulo.

"Si Zeyyana ang *huk* ang m-mahal ko." sabi nniya pa, napahawak ako sa bibig ko at hindi ko na mapigilan humagulgol.

Ang sama ng loob ko, ang sakit ng mga narinig ko. Ang sakit sakit.

"P-pintulan *huk* pinatulan ko siya kasi kamukha niya si Zeyyana, nakikita ko siya sa kaniya." Sabi niyang muli.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko sa narinig. All this time akala ko mahal niya ko, pero mali pala. Si Zeyyana pala ang mahal niya at hindi ako. Namatay si Zeyyana dahil sa aksidente, kaya naman hindi ko alam na mag kakilala sila. Ang sakit. Si Zeyyana, ang mahal niya. Ang namatay na kakambal ko.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: March 16, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now