#20

73 2 0
                                    


HE ASKED BUT HE NEVER LISTENED


"Hey, kamusta? May problema ba?" bungad niya matapos niyang magreact sa mga sad posts ko.

It's Lean, my boyfriend. We've been together for years.

"I'm tired. Nakakapagod pala yun---"

Toot toot toot.

Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang pagbeep ng phone ko na nangangahulugang may nagtext.

"Sorry, talk to you later." pinatay ko ang phone, wala akong balak magreply.

Kinagabihan ay nagaayos ako ng sarili ng tumawag muli si Lean, sinagot ko ito dahil namiss ko rin siya.

"Hi, I miss you. Nakakapagod ang daming ginagawa." rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya.

Heto ang role ko, ang makinig sa mga rants niya.

'Reasons' anas ko sa isip.

Nagk'wento siya about sa ginawa niya buong araw. Pati na rin ang mga stress na nakuha niya sa mga 'yon, at ako? Tahimik na nakikinig.

"Ikaw ba? Ano ginawa mo buong araw?" tanong niya kaya napabuntong hininga ako.

"Wala naman," maikling sagot ko.

"Paanong okay?" tanong niya uli.

"Marami ring ginawa, nakakapagod at nakakastress. Wala pa akong pah---" namatay ang phone call, mukhang nagtime na.

Inaasahan kong tumawag uli siya pero walang Lean na lumalabas sa phone ko. Isa, dalawa, tatlo, apat, limang minuto akong naghimtay pero wala. Ang limang minutong umabot na ng limang oras pero wala. Hindi na uli siya tumawag. It's already 12 am. I was waited for nothing.

'Again. Again and again.' agad na namuo ang luha ko sa naisip. He asked but he's notnot interested.

Mukhang iniisip niyang mararamdaman kong concerned siya kapag nagtanong siya pero hindi gano'n ang balik sa akin. He just asked but he never cared.

Lumipas ang linggo na palaging gano'n. Umiiyak ng tahimik sa gabi dahil sa mga isiping hindi naalis sa isip ko.

"No! No! Wag please, wag mo akong iwan ma. Please!" halos magwala ako, humahagulgol ako ng magflat line ang aparatong tumitingin sa buhay ng nanay ko.

"Sorry miss, but she's gone. I'm sorry for your loss." humarap siya sa nurse at sinabi kung anong oras namatay si mama kung ano ano pang sinabi niya pero wala akong maintindihan dahil gusto kong bumalik ang nanay ko sa akin.

'Sa panahong ito, isa ka sa kailangan ko pero wala ka.' anas ko sa isip na lalong nagpaiyak sa akin

Inaayos namin ang burol ni mama ng tumawag si Lean. Sinagot ko 'to kahit labag sa loob ko. Ayokong maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko dahil sa gawain niya, intensyon man o hindi.

"Babe, sorry. Nakita ko, nasaan ka?" hindi ako sumagot.

Hindi ko mapigilan ang pagiyak, paghikbi habang naririnig ko ang pagaalala ng boses niya.

"K-Kailangan kita." sagot ko sa tanong niya.

"Kailangan kita, kahit ngayon lang. Kah---" pinutol niya ang sinabi ko dahilan para lalong sumakit.

"Charge lang ako, call you later. Please take care." agad na namatay ang call pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Like him, hindi pa rin ako nadadala. Dapat inaasahan ko na pero hanggang ngayon masakit pa rin pala.

Pumunta ako kung nasaan ang kabaong ni mama, umiiyak akong lumaput sa kaniya.

"Ma, hindi lang pala ikaw ang bibitawan ko ngayon. Siya din. Bakit ang sakit ma? Ikaw yung nakikinig sa akin, pero bakit iniwan mo ako?" halos yakapin ko ang kabaong kung saan siya nakahiga.

Days had passed, wala akong balita kay Lean, maliban sa nakapatay ang phone ko hindi siya nagtangkang dalawin man lang ako o si mama. Wala siyang ginawa, wala siya no'ng kinailangan ko siya.

Lumipas ang linggo ng makita kong tumatawag siya, para saan? Hindi ko rin alam.

"B-Babe." unang anas niya.

"Anong kailangan mo?" ilang minutong katahimikan bago siyang nagsalita ulit.

"I miss you. How are you?" sagot niya nakaya napatawa ako ng mapakla.

"Don't ask. Stop asking and let's stop this relationship. Mag hiwalay na tayo." malamig na sabi ko at nanatili siyang walang kibo.

"Katulad ng iba, nagtanong ka lang pero hindi ka interesado sa kung ano talagang nararamdaman ko. Katulad ng iba, tama na sa'yong nagtanong ka pero hindi mo man lang pinakinggan ang anumang sasabihin ko. You asked but you never listened. You don't even care so stop asking." humihikbing sumbat ko sa kaniya.

"Ikaw ang kailangan ko at ang pandinig mo sa oras na iniwan na ako ni mama pero kahit konting ni hi o ho wala ka. Walang dumalaw na Lean, pati sa call kahit ilang minuto wala. Mahal mo ba talaga ako? O pampalipas oras?" tanong ko at hindi na hinintay ang isasagot niya. Isa lang naman yan, dahilan na naman.

Napahawak ako sa puntod ni mama, at do'n ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi kailanman nakatulong ang pagtatanong, kung hindi bukas ang tenga mo para makinig.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: December 20, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now