#12

101 4 1
                                    


UNTITLED


Ang lawak ng ngiti ko, masyado akong excited sa araw na 'to, celebration for our anniversary, 10 years! Hindi ako makapaniwalang sampung taon na kami, parang ang bilis ng araw at hindi ko namalayan.

Mag te-text na dapat ako ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko, hudyat na may nag text. Lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ko ang pangalan niya.

"Let's meet. I need to tell you something," unti-unting nawala ang halos mapunit na, napag kakangiti ko.

Bigla akong kinabahan, iniisip ko kung anong problema. He's serious na minsan lang niyang gawin kung may problema o kung may away kaming dalawa.

Tinext niya sa akin kung saan kami mag kikita, kaya eksaktong oras ng usapan ay nando'n na ako, tutal malapit lang sa bahay dahil nasa loob lang din namam ng subdivision ang small park. Ilang minuto pa ay nakita ko ang pag baba niya sa motor niya. Sinalubong ko siya ng matamis na ngiti. Ang akala ko ay sasalubungin niya ako ng mahigpit na yakap at babatiin ako pero parang nakalimutan niya.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, hindi niya malaman kung ngingiti ba o titingin nalang. Masyado akong kinakabahan, mskikipag hiwalay ba siya sa araw na 'to? Oh God.

"A-Ano yung pag uusapan natin?" napapalunok na tanong ko.

"Maxine, sorry." hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

Namumula ang mata niya, na para bang ilang lsaglit nalang ay iiyak na.

"Bakit? Anong meron? Nakalimutan mo na anniversary natin? Okay lang." ngumiti ako sa kaniya bilang pag papakita ng sensiridad ko.

Ngayon niya lang nakalimutan kaya ayos lang, baka may problema siya at handa naman akong makinig. Ano pang silbi ng sampung taon

"Damn. Bullshit, sorry. Nakalimutan ko pero hindi ayon. Don't leave me please? Please? Hindi ko kaya. Maxine, nakabuntis ako. Nabuntis ko si Aida," nag simula na siyang umiyak.

Halo halo ang nakikita ko sa kaniya. Yung sakit, pag sisisi, pag susumamo, pag mamakaawa. Pero hindi ko alam, nawala lahat ng mararamdaman ko. Nanlalamig ako, hindi makapaniwala sa narinig ko. Anong ire-react ko? Sasampalin ko ba siya? Mumurahin? Ewan ko. Hindi ko alam.

"Max, mag salita ka please. Wag mo 'kong tignan ng ganiyan. Don't leave me, please?" yumakap siya sakin, ramdam ko ang pag galaw ng balikat niya.

Nag simula ng mamasa ang mata ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sakit. Sampung taon? Masyado akong nag tiwala. Masyado akong naging palagay. Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to,

"Panindigan mo yung baby," wala sa sariling sambit ko, "Ayokong mawalan siya ng ama, ayokong maramdaman niyang walang tatayo na padre de pamilya sa kanila," tulala pero nasambit ko 'yon.

"Wag mo akong iwan, ayoko. Hindi ko kaya," hinawakan niya ang kamay ko, umiling ako.

Ngumiti ako sa kaniya, "Ang ganda ng regalo mo sa anniversary natin. Masyado akong naging speechless ha ha ha," kunwaring tawa ko.

Yumakap siya sa akin, parang ginuhit sa sakit ang puso ko. Mananatili ako, at magiging kahati ng anak niya.

Lumipas ang araw, at apat na buwan. Naramdaman ko ang pag kahilo, dali dali akong pumunta sa cr ng maramdaman kong susuka ako.

It's already 7 in the morning. Tatlong araw na akong ganito. Kaya minabuti kong bumili ng pregnancy test, hinintay ko maihi ako, at nang matapos ay iniligay ko ang pt at kumuha ng patak.

"Positive," wala sa sariling saad ko.

Napahawak ako sa bibig ko, impit na umiyak. Umiyak ng umiyak hanggang sa napagod. Nag text ako kay Henry na mag kita kami dahil may sasabihin ako sa kaniya. May nag bago sa amin yung tiwala, effort, at yung oras.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now