#36

36 1 0
                                    


HULING SAYAW


"I wanna make you smile, whenever you're sad..." napatingin ako sa kumakanta mula sa likuran at agad na napangiti ng makita kong si Kyle 'yon.

Nandito ako sa k'warto namin, dahil katatapos lang ng meeting ko nang pumasok siya at kantahan ako ng paborito kong kanta. Inakay niya ang kamay ko at nagpatianod naman ako, hinawakan niya ako sa bewang at inilagay niya naman ang mga kamay ko sa balikat niya.

"Gusto kong mawala ang pagod mo, I hope nakatulong... Hahaha I love you." hinalikan niya ako sa noo at nagsimula muli na kantahin ang 'Grow old with you' by Daniel Padilla.

"I'm so lucky to have you, Hon. Thank you for doing this..." kung ganito naman ako kas'werte for 15 years and still counting, wala na akong hihilingin pa.

"I want to marry you now, Xai. Kung handa ka na." niyakap niya ako kaya hindi ko maiwasawang maluha.

Hindi niya ako kailanman pinilit sa mga bagay na ayoko at hindi pa ako handa, dahil alam niyang may mga gusto pa akong gawin sa buhay ko, mag enjoy kasama siya. Yung wala pang resposibilidan na papasan sa aming dalawa.

"Handa na ako, handa na akong mag settle, Hon. Basta ikaw." naramdaman ko ang pagtigil niya.

Namukod tangi ang katahimikan sa pagitan namin dalawa, umalis siya sa pagkakayakap at nanlalaki ang matang tinignan ako.

"For real!? You're going to marry me!?" biglang tanong niya kaya natatawa akong tumango at pinunasan ang luha.

"Damn..."

Nagmamadali siyang pumunta sa cabinet sa tabi ng kama at may kinuhang box do'n, hindi siya magkandaugaga at hindi alam kung anong gagawin. Para siyang natataranta na hindi pa rin makapaniwala.

"Calm down, Hon."

Tumigil siya at huminga ng malalim, tiyaka lumuhod sa harapan ko at binuksan ang pulang box na hawak niya.

"Be my happy ending?" tanong niya kaya agad akong tumango at hinalikan siya kahit na nakaluhod pa siya't hindi pa naisusuot ang sing sing sa akin.

That was the happiest moment in our life. Ang matupad ang mga pangarap naming magkasama. No one's perfect, but for me he was a perfect man. He was a perfect husband and soon to be a perfect father.

"Right, Hon?" hinawakan ko ang kamay niya at inilagay ko iyon sa pisngi ko. Tanging ngiti lang isinagot niya sa akin.

"Dapat ako ang nakahiga diyan sa kama ng hospital eh! Inunahan mo ako! Malapit na tayong ikasal oh! Tatlong araw na lang." gusto man matawa tanging ngiti nalang ang naisagot niya dahil nahihirapan siya.

Hindi ko alam na ang simpleng anemic niya ay mauuwi sa stage 4 leukemia.

Ikatlong araw bago ang kasal. Wala na ang Kyle na maganda ang pangangatawan, ang laki ng ipinayat niya at kita ko ang mga pasa sa katawan niya. Ang hirap suwayin ng hiling niya na gusto niyang umuwi hanggang matapos ang kasal, sobrang napalapit na rin ang mga nurse at and dalawang doctor na tumitingin sa kaniya dahil sobrang bait ni Kyle, at nag volunteer silang mag aassist sila kay Kyle hanggang sa kasal naming dalawa.

Ikalawang araw bago ang kasal. Hindi namin maiwasang matakot at maiyak ng makita naming sumuka siya ng sumuka. Ayaw na niya ng gamot. Hanggang sa pangatlong suka niya ay may kasama ng dugo. Ayaw niyang magpadala sa hospita, kung mamamatay daw siya ayaw na daw niyang pumangit lalo.

Hindi na makapal ang buhok niya, dahil sa mga gamot napilitan siyang ipapudpod ito para maging maayos.

"Itigil na natin ang kasal, Hon. Hindi na ako tatagal." hinawakan niya ang mukha ko at kita ko ang pagmamakaawa sa akniya.

"Walang kasal na mahihinto, please laban lang." umiyak na ako at lumuhod sa may higaan niya. Nginitian niya ako at tumango.

Ang araw ng kasal, kita ko ang saya sa mga kamag anak namin, ang mga nurse na nag alaga at ang dalawang doctor na umasikaso sa kaniya ng mahigit dalawang taon. Ang mga kaibigan namin, at ang pangarap naming kasal ngayon matutupad na.

"Hon.." tawag niya sa akin nang matapos ang kasal at nagsimula na ang pagpunta sa reception ng kasal.

"Hmm?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya.

"Sayaw tayo mamaya ah? Gusto kita isayaw. I love you." mahinang sambit niya kaya napangiti ako at tumango.

Hanggang sa maayos na ang lahat at nagsimula ng bumati ang mga kamag anak namin, ang mga kaibigan at nagsimula na ang sayawan.

Inalalayan ko siyang tumayo, nakabantay din sila mama ng magsimula ang theme song namin na "I wanna grow old with you" by Westlife.

Another day without your smile

Another day just passes by

And now I know

How much it means

For you to stay right here with me

The time we spent apart

Will make our love grow stronger

But it hurts so bad

I can't take it any longer

Yumakap ako sa kaniya katulad ng ginawa niya, isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at nagsimulang gumalaw. Ang karamihan ay nagiiyakan at ang iba ay nakangiti.

"I wanna be there for you..." kanta niya kaya hindi ko mapigilan umiyak.

"I love you, Kyle... Sobrang masaya ako." humihikbing saad ko sa kaniya.

I wanna grow old with you

I wanna die lying in your arms

I wanna grow old with you

I wanna be looking in your eyes

I wanna be there for you

Sharing in everything you do

I wanna grow old with you~

"I love you..." huminga siya ng malalim at dahan dahang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

Hanggang sa mahinto kami sa paggalaw, hanggang sa bumagsak ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa bewang ko. Rinig ko ang pag iyak sa paligid, natigil ang kanta at nilapitan niya siya sa akin.

"Kyle, don't leave me please... Ang daya mo, Hon." umiiyak na sabi ko at nagsimula siyang i-revive pero no response.

"Mahal, please..." inakay na ako patayo nila mama, para akong babagsak sa nakikita ko.

Iniwan na niya ako, kami. Ang katagang mahal kita sa huling sayaw.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: February 4, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now