#18

75 3 0
                                    



I CHEATED ON HER, BECAUSE SHE DID THE SAME


Kapag nasaktan ang tao, dalawa lang ang p'wede mangyari. Maging lesson sa taong 'yon yung nangyari, o ibalik niya sa iba yung sa sakit na naramdaman niya. Mas madali sa aking manakit ng iba para maramdaman nila ang sakit na naramdaman ko. Kaysa tanggapin yung katotohanang sinaktan ako ng taong mahal ko.

"Where are you?" pilit kong kinalma ang boses ko, kahit nakikita ko na siya.

May kahawak na iba, habang ako nag mumukhang tanga.

"Office pa, late na akong makakauwi. May meeting pa kami." napapikit ako at pilit na kinakalma ang sarili.

Kita ko sa dalawang mata ko kung paano lumandas ang kamay ng lalaking kasama niya sa bewang ng gilfriend ko.

Nag paalam ako at pinatay ko ang call, sinundan ko sila. Sinundan ko sila, kung saan sila pupunta at napahinto ako ng pumasok sila sa condo na tinutuluyan ni Akisha, yung condo na niregalo ko sa kaniya.

Iniisip ko palang kung bakit sila nasa condo, at yung mga posibleng mangyari ay hindi ko maiwasang maiyak. We've been together for 4 years, damn it.

Ayoko man ay kusang nag lakad ang paa ko. Tila may sariling buhay at may gustong patunayan. Nang nasa harapan na ako ng pinto ng condo niya, hirap man ay pinilit ko tignan ang pangalan niya sa selpon ko at pindutin ito para tawagan siya.

Ilang saglit ay sinagot niya ang tawag ko, naririnig ko na ang ayokong marinig. Tila hirap siyang mag salita at may pinipilan na kung ako. Nag init ang mata ko, hindi ko na mapigilan yung luhang kong nag uunahan ng bumagsak.

Agad akong umalis, para akong namamanhid. Ayaw tanggapin ng utak ko, gusto kong mag wala pero nanghihina ako. Niloko niya ako sa kung paano ako niloko ng nanay ko, ginawa niya yung kaisa isahang bagay na hiniling kong wag niyang gagawin.

Wala sa sarili akong nag lakad, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Kusa itong huminto ng may makita akong pares ng paa sa nilalakaran ko, napatingin ako do'n sa taong may ari ng mga paa na 'yon. Then I saw Erlyn, yung babaeng habol ng habol sa akin. Hindi ko alam kung bakit lumapit ako lalo sa kaniya at yumakap. Do'n ko nilabas yung sakit, iniiyak ko lahat sa balikat niya.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin, naramdaman ko rin ang pag galaw ng balikat niya, she's crying too. Dinaluhan niya ako sa sakit hanggang sa tumahan ako. Lumayo siya at pinunasan niya ang nagkalat na basa sa pisngi ko. Ngumiti siya na tila sinasabing magiging okay ang lahat at walang sabi sabing iniwan ako.

Umuwi ako ng mabigat ang pakiramdam. Halo halo ang nararamdaman ko, pero nangingibabaw ang sakit. Lumipas ang minuto, nakita kong umilaw ang selpon ko kaya tinignan ko ito. Akisha texted me, kakauwi niya lang daw at pagod daw siya sa trabaho.

'Pagod trumabaho ng iba.' mapait na ngiting pagkausap ko sa sarili ko.

Nag tipa ako sa selpon ko, "Gusto mo bang mag coffee, bukas? I'll pick you up." text ko pero hindi kay Akisha. Kundi kay Erlyn.

Ilang saglit pa ay nagreply ito, "Sure. Goodnight. Hope you're okay now." napangiti ako, umayos na ng higa at natulog.

Kinabukasan ay nag ayos ako, sinundo ko si Erlyn sa work niya at pumunta kami sa isang cafè. She's simple but beautiful, kabaligtaran ni Akisha, maporma ito at mahilig sa cosmetic kaya lalong gumaganda. Hindi ko na kailangan pag kumparahin dahil magkaibang magkaiba, at dahil alam ko rin na mali ang ginagawa ko.

"Bakit mo ako inaya? Alam mong nag hahabol ako sa'yo," diretsyong saad niya.

Napabitaw ako sa iniinom ko at tumingin sa kanya. Nakita ko ang ngiti sa labi niya pero lungkot sa mga mata.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon