#23

57 1 0
                                    


I WATCHED WHEN SHE BEGGED


There's a girl that I really like. I want her to be mine. Even though I know that she's taken.

Tuwing nakikita ko siya, kumakalma ako. Sobrang masayahin niya, kahit nakikita ko yung sakit at lungkot sa mata niya lalo na kapag yung boy friend niya ang usapan.

"Megan? Sasama ka ba sa amin?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya ngunit hindi abot hanggang mata. Nando'n na naman siya, kung nasaan ang safe zone niya. She's in pain pero sinasarili niya at ipinapakita sa amin na masaya siya.

'I wish I can be your man, baka sakaling makita ko na yung totoong saya sa mga mata mo.' gusto kong sabihin but then again, baliw siya sa lalaking hindi nakikita ang halaga niya.

"Tatanong ko kay Jake kung papayagan ako." sabi niya.

Balak namin pumunta sa mall para magcelebrate. Na promote na naman ako sa trabaho, gusto ko nando'n sana siya. Kaso hindi talaga nawawala sa isip niya ang boyfriend niya. Fuck, I'm jelous.

Inilabas niya ang cellphone niya at may pinindot do'n tiyaka niya itinapat sa tenga niya. Baka tinatawagan niya na. Narinig ko ang pag ring dahil naka loud speaker.

Ilang ring bago ito nasagot. Nakita ko ang pag asa at munting tuwa sa mata niya ng mapagtantong sinagot 'to ng boyfriend niya.

"J-Jake! Magpapaalam lang sana ako kung p'wede akong sumama sa mga kaibigan ko para sa isang celebration!" may giliw na sabi niya.

Ilang segundo bago sumagot ang kausap niya na halata ang iritasyon sa boses.

"Pakielam ko naman sa'yo? Bahala ka sa buhay mo, desisyon mo yan! Istorbo ka! Wag ka ng tumawag, may mga bisita ako!" sigaw ng kausap niya tiyaka ibinaba ang tawag.

Nakita ko ang luha nag babadyang tumulo ngunit mas pinilit niyang tumawa tiyaka naiiyak na lumingon sa akin. Gusto kong puntahan yung hayop na 'yon at basagin ang mukha niya. Para akong sinaksak nang makitang umiiyak ang babaeng mahal ko ng dahil sa lalaking walang ibang ginawa kun'di ang saktan siya.

"Ha ha! N-Narinig mo? B-Bahala daw ako hahaha! Pumayag siya, ang bait niya no?" pinunasan niya ang luha niya at tiyaka lumapit sa akin.

Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Ayaw niya kasing niyayakap siya ng iba, baka daw makita ng boyfriend niya at isipin na nagloloko siya. Masyado ko siyang nirerespeto at ang mga desisyon niya, kahit 'yon man lang maging tulong ko.

Naglakad kami at pumunta sa mall na pangyayarihan ng celebration ko. Kita ko ang pagiging tulala niya pero may nakaplaster pa rin na ngiti. Nahihirapan ako, mas nahihirapan ako sa ikikilos niya. Parang sanay na siyang maging gano'n kabaligtaran ng akin.

Naglalakad kami ng bigla nalang siyang huminto at nanatili ang tingin sa unahan. Napatingin ako do'n at nagyukom ng kamao. Tangina. Nakakatangina. Kita ko ang pagngiti ni Megan habang lumuluha, ramdam ko ang sakit niya. Makita yung mahal mo na may kasamang iba, nakahawak ang kamay at naghalikan pa.

Hinila ko siya't niyakap. Yumakap siya pabalik at tumawa, "Okay lang ako, wag kang mag alala. Sanay na ako sa ganitong eksena, hindi ko lang kayang maiwan." napapikit ako sa sinabi niya.

Lumayo at tiyaka tumakbo sa kung nasaan ang nobyo niyang si Jake at walang alilangan sinapak ito.

"Gago. Isa kang malaking gago. Wala kang bayag." hindi ko na hinintay na makapag react siya, umalis na ako do'n tiyaka ko hinila si Megan sa resto na pag yayarihan ng celebration ko.

Hindi na siya umimik, kahit hawak ko ang kamay niya. Hanggang sa matapos ang party wala na siyang imik. Hinatid ko siya sa bahay nila at diretsyo lang siya sa pag labas. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Kung ako ang babae, nakipaghiwalay na ako sa gagong 'yon pero nag tiis siya. Nag tiis ang babaeng mahal ko sa gano'ng sistema.

Lumipas ang araw na parang walang nangyari, nakangiti at masaya siyang humarap sa amin. She's pretending again and I hate that, I want my girl to be happy.

Nang mag uwian, dire-diretsyo siyang lumabas ng opisina. Sinundan ko siya, halatang malalim ang iniisip kaya hindi niya ako napansin. Hindi ko na rin nakuha ang sasakyan ko, nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa umakyat siya patungo sa train station. Nantatago ako at hinihintay ang susunod na mangyayari, usually bus ang sinasakyan niya kaya nagtataka ako kung bakit siya nandito sa train station.

Lalabas na sana ako ng makita kong nakaharap siya sa isang lalaki. Bago kasi siya lumabas ng opisina ay nag palit na siya ng damit. Malapit ako sa kanila kaya maririnig ko sila.

"J-Jake, w-wag mo 'kong iwan..." nagsimulang saad niya. Nakita ko ang luhang tumulo sa pisngi niya.

"Ano ba! Hindi kita mahal, umalis ka na. Napakadespera mo naman!" sigaw nito at humarap sa cellphone tiyaka nag tipa ng nakangiti.

Nag liyab ang galit sa pagkatao ko pero merong parte sa akin na gustong makita ang susunod na mang yayari.

"W-Wag mo akong iwan Jake... Mahal na mahal kita." sinubukan niya hawakan ang kamay nito pero mabilis na hinawi ito ng lalaki tiyaka siya tinignan ng masama.

"Hindi kita mahal! Hindi kita minahal! Napilitan lang naman ako kasi nag makaawa ang nanay mo sa akin, pero hindi kita minahal. At ngayong wala na siya, wala na akong pakielam sa---" hindi na siya natapos dahil sa paghagulgol ni Megan at unti unting lumuhod sa harap niya.

Nanlambot ako at ramdam ko ang panunubig ng aking mata. Ang babaeng mahal ko, nagmamaka awa sa lalaking walang pakielam sa kaniya.

"P-Please, nagmamakaawa ako." nakaluhod ito habang sinasabi ang katagang 'yon.

Pinag titinginan na siya ng tao pero wala siyang pakielam, nakatutok na ang mata ng boyfriend niya sa cellphone at natatawang nagtitipa at tila walang babaeng nagmamaka awa at nakaluhod sa harapan niya.

Wala mang lakas ay dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanila. Itinayo ko siya at niyakap. Wala siyang reaksyon, wala na ang luha. Parang nalantay na gulay ang babaeng kayakap ko ngayon. Humarap ang lalaki sa akin at ngumisi. Inalis ko ang yakap ko kay Megan tiyaka tinayo ang nobyo niya. Sinapak ko ito ng apat na beses. Kita ko ang dugo sa ilong at bibig niya.

"Dapat sa'yo, hindi binubuhay sa mundo. Mga katulad mo dapat sinusunog na ang kaluluwa sa impyerno." galit na saad ko at sinapak uli siya.

Pag katingin ko kay Megan ay walang reaksyon na nakatingin siya sa nobyo niya. Hinawakan ko ang kamay niya at nilisan ang lugar na 'yon.

WAKAS.

PS. Girls, don't beg. Love yourself. Wag mong ibababa ang sarili mo para lang sa taong babaliwalain at tatratuhin ka na para kang bagay o basura. You deserve more than that. You deserve someone who can make you feel special and happy. Wag mong ipilit ang sarili mo sa mga taong hindi ka binibigyan halaga. Dahil hindi ka pinalaki at binuhay ng magulang mo para mag makaawa lang sa taong sasaktan ka. At hindi ka ginawa ni God, at hindi niya isinakripisyo ang sarili dahil sa atin para lang mag makaawa sa pag mamahal ng iba.

---

Date kung kailan nagawa: August 12, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon