#9

130 3 0
                                    


MY INSECURITIES ARE THE REASON WHY I LOST HER


I have a girlfriend, and her name is Klea. Naniniwala ako no'n na kapag nag mahal ka ay wala 'yon sa katayuan ng buhay mo, pisikal na anyo o sa kung anong kaya mong ibigay sa kaniya. Dahil kapag nag mahal ka, walang mali sa mata mo at matatanggap mo siya sa kung ano siya.

Minahal ko siya hindi dahil sa maganda siya at may kaya siya. Minahal ko siya dahil hindi siya tumingin sa pisikal na anyo ko at sa katayuan ko sa buhay. She's my reason kung bakit tumaas ang confidence ko sa sarili. For me, she's enough dahil tanggap niya ako.

Nag tagal kami ng isang taon, hanggang sa naging dalawa, tatlo na umabot hanggang limang taon. Hindi siya nag bago, mahal niya ako at minamahal pa. Swerte ako kasi tanggap din ako ng pamilya niya, sa kung sino at kung ano ako.

"Hindi sila bagay."

"Ang cheap."

"Sayang si ate gurl, mukhang may maipag mamalaki pa naman, nauwi sa ano bang tawag sa ganiyan eww."

"Knowing Klea, mabait 'yon, pero hindi ko akalaing papatol siya sa mas mababa sa kanila. Sayang."

Pilit ko man hindi pakinggan at isa walang bahala ang mga sinasabi nila ay hindi ko magawa dahil tumatatak sa puso at isip ko. Nagulat nalang ako ng may yumakap sa akin.

"Don't mind them. For me, you're perfect. I love you so much." bulong niya at hinalikan ako sa pisngi.

Napangiti nalang ako sa ginawa niya. I'm more than happy. I'm the luckiest man to have her.

Umakyat siya sa may stage, nandito kami sa isang hotel, for their graduation party. Ang ganda ganda niya, naka black fitted long gown siya at nakalahad ang buhok niya. Simple pero ang lakas ng dating, agaw atensyon dahil na rin sa taglay na kaputian niya't katangkaran.

Sa kursong Engineering sy isa siya sa tinitingala dahil Valedictorian siya. Maraming humahanga sa angking talino niya at kagandahan ng ugali niya.

"Ehem. Good evening everyone. Gusto ko munang mag pasalamat sa lahat ng nandito, kay God na pinapunta tayo ng safe dito. For our professors, beloved students, thank you. Sa mga magulang na nandito at nakasuporta sa mga anak nilang nakapag tapos na. Sa wakas. For my family who always there to support me, to my boyfriend Lexus, for always helping me and cheering me up kapag napapagod na ako sa pag aaral." nakangiti at mararamdaman mo sa himig niyang nag mamalaki siya. Tinuro niya sila tita at ako. Ang mga kaibigan niya.

Wala ng hihigit pa sa sayang nararamdaman ko. Nag sipagpalak pakan ang lahat. Binabati at pinupuri siya ng lahat. Nakaramdam ako ng awa at inggit.

Pakiramdam ko hindi ako nararapat sa kaniya dahil masyado siyang mataas. Masyado siyang perpekto para sa akin.

Nakangiti akong pinanood siyang lumapit sa akin. Ngunit ramdam ko ang bumabalot na lungkot sa pag katao ko.

'Bakit kailangan maging ganito? Bakit kailangang maging unfair ang mundo?' tanong ko sa sarili ko.

Lumapit siya sa amin, niyakap niya sila tita. Tiyaka siya yumakap sa akin, ramdam ko ang higpit. Napapikit ako at inakay siya sa gitna ng mag simula na ang kanta.

Hinawakan ko ang bewang niya't nag simula ng umindayog at sumabay sa kanta. Marami ng nag sayaw, nakatingin lang ako sa kaniya.

"Thankyou..." nakangiting sambit niya. Napangiti rin ako.

"I love you." saad ko at niyakap siya.

"I love you more." yumakap siya pabalik, namasa ang mga mata ko pero napigilan ko na hindi tumulo iyon.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now