#15

90 3 0
                                    


SHE CARES MORE ABOUT ME THAN TO OUR RELATIONSHIP


'Babe? I miss you. I hope you're doing fine. Please take care. Call me when you're not busy okay? I love you.' napapikit ako nang makita ang text ni Amanda.

Fuck. I'm late again. Wala na naman akong oras sa kaniya. Sa sobrang busy ko, hindi ko na siya naiintindi.

'Sorry, busy lang talaga. Hope you'll understand. I miss you. Mag iingat ka d'yan ah? I love you, babe.' reply ko sa kaniya at nagsimula ng gawin yung mga hindi ko pa natatapos na papeles.

Ilang minuto, ilang oras ang lumipas. Nang mag vibrate na naman ang phone ko hudyat na may nag text, 'It's okay, wag mong pabayaan ang sarili mo. I understand. Wag mo akong isipin. I love you.' hindi na akong nag abalang mag text at sinimulan ko na ang naudlot na gawain.

Hindi ko alam, kung ano uunahin o uumpisahan pero alam ko maiintindihan niya ako. Sana maintindihan niya ako. Exact 11:00 pm, huminga ako ng malalim at nagpahinga saglit, bago ko buksan ang cellphone ko at pindutin ang number ni Amanda para tawagan.

Ilang saglit pa ay sumagot na ito, "Hello?" bungad niya na halatang kagigising lang. Humikab hikab pa ito kaya napangiti ako. She's still priorities me than her sleep hours.

"Hey, babe. I miss you. Sorry ngayon lang. Nakatulog ka?" Kunwaring tanong ko at nagpanggap na hindi alam na nakatulog siya.

"I love you..." mahinang sagot niya kaya lalo akong napangiti. Mukhang inaantok na talaga.

"Hindi ako natulog, ahm nag charge lang hehe, iniintay kita eh." dagdag niya at pilit ipinaparinig na gising na gising siya kaya natawa ako.

Napahawak ako sa ulo ko kasi sumasakit, kulang lagi ang tulog kaya siguro gano'n, sumasakit na rin ang mata ko.

"You okay?" tanong niya.

"Sobrang sakit ng ulo ko, sa pagod siguro." sagot ko at nag tungi sa, kusina para sana uminom ng tubig.

Natahimik ang pagitan naming dalawa. Mahabang katahimikan tiyaka siya bumuntong hininga. I know her, alam kong may iniisip siya pero hindi na ako nagtangkang magtanong.

"Hindi ka ba napapagod? Kakahintay sa akin? Kung napapagod ka na, kung gusto no ng bumitaw. Naiintindihan ko naman, you deserve more yo---" hindi ko na natapos ng marinig ko ang pag singhot niya.

"Shh... Wag mo akong isipin. Naiintindihan ko. Magpahinga ka ah? Kumain ka sa tamang oras. Maligo ka na tapos magpahinga ka na, gumising ka nalang uli mamaya para ipagpatuloy yung ginagawa mo para hin---" napahinto siya ng tumawa ako.

Tumawa sa inis. I hate that about her. Hindi niya ako naiintindihan.

"Look, hindi mo ako naiintindihan." pinipigilan ko ang inis.

"What? No, naiintindihan kita." Sagot niya kaya napailing ako na para bang nakikita niya.

"Hindi mo ako naiintindihan, busy ako. Gumawa ako ng oras para makausap ka. Hindi ba dapat kinakausap mo ako? Nevermind. Okay. Kung gusto mong ibaba, ibaba mo na," naiinis na sabi ko.

Ilang sandaling katahimilan ng bumuntong hininga siya, "Hindi gano'n. Masakit kamo ang ulo mo, ako makakapag hintay naman ako. Mag phinga ka para hindi masakit ulo mo kapag gumawa." Nag aalalang paliwanag niya pero naiinis ako.

"Okay." Tipid na sagot ko, sa pagkabagot.

"Hey, don't be like that. Please, naiintindihan kita. Pero iniintindi ko kalagayan mo san--- toot toot toot." Hindi na niya natapos ng kusang mamatay ang call dahil 12 mins lang ang pantawag ko.

At hindi na ako nag abalang tumawag uli bagkus ipinagpatuloy ko na ang ginagawa. Hanggang kinabukasan hindi na ako tumawag kahit alam kong nag hihintay siya.

Kung umalis siya, ayos lang naiintindihan ko naman. Wala rin naman akong sinabi na maghintay siya. It's her choice, not mine.

May araw na nakikita kong nag chachat siya pero hindi ko na binu-buksan. Titignan ko lang 'yon kapag ilang oras na ang nakalipas. Tinatawagan ko siya kapag may oras akong gustong ibigay sa kaniya o sobrang stress na. Gano'n ang routine, paulit ulit na gano'n but she never stopped waiting for me, for my time. Naalala ko siya kapag kailangan ko siya. Kapag boring. Kapag may gusto akong makuha o kailangan ko ng favor.

One time, nakita kong nag myday siya. It was a funny conversation, at alam kong natawa talaga siya pero nainis ako.

"Nawala lang ako saglit, may ineentertain ka na, na iba. Wow." Chat ko sa kaniya. It took her a minute before she replied.

"Yuan, is my friend. Walang ibang meaning." Reply niya kaya natawa ako. Knowing na lumalandi lang naman siya.

"Talaga lang ah? Hahahaha, lumalandi ka sa iba kasi busy ako? Grabe ka naman hahahaha." Reply ko.

Nainis ako lalo nang mabagal siyang magreply. Damn, inuna pa lalaki niya.

"Punyeta, diyan ka na. Pakasaya ka na. Napakagandang bungad tangina." Blinock ko siya sa sobrang inis ko.

Lumipas ang gabi, nang walang nagparamdaman o naglambing sa akin kaya lalo akong nainis. Then exactly 1 am, she messaged me.

"Yuan is the one who save me, from a car accident. Yung araw na tinatawagan kita na hindi mo sinasagot at tinatanong ko kung nasaan ka na wala kang reply ay 'yon yung araw na naaksidente ako. Nag aalala siya kaya nagchat siya, I was crying because I was waiting for you but you're not there for me. Ginawa niya lahat para mapatawa ako ngayong araw so please, wag kang mag isip ng kung anong malisya sa amin." Text niya pero imbis na maawa ako ay lalo akong nagalit.

"Kaya ka nagpalandi? Hahahaha reason na 'yon?" Reply ko.

Minutes had passed. When she replied.

"Inintindi kita. Lahat ng sa'yo inunawa ko. Kahit nanabaliwala na ako hindi kita iniwan. Kahit anong pagkakamali mo tinanggap ko. Kahit nga hindi mo na matanong kung ano ba ang nangyari sa akin. Kung kamusta ba ako, kung ano bang nasa isip ko o kung ako din ba may problema." Napatitig ako sa phone ko at pilit na iniintindi ang text niya. Parang may tumarak na kutsilyo sa dibdib ko.

"I always there. Pero hanggang saan ako magiging gano'n nalang sa'yo? Kakausapin mo ako kapag may problema ka, o masakit ang ulo mo o ano psng dahilan. I always care for you, kahit oras mo para sa akin ang kapalit. Busy ako, pero never akong nawalan ng oras sa'yo. Hindi ko dinahilan ang pagkabusy ko, para hindi kita makausap. Pero narinig mo ba akong nagreklamo? Narinig mo ba akong magalit dahil do'n? Hindi, inintindi ko lahat.

Kahit masakit, yung pakiramdam na hinihintay mo nalang akong bumitaw. Yung pakiramdam na nagbago ka pero hindi kita sinumbatan. Noon, abutin man ng alanganin nakakapagpaalam ka, nakakatawag ka. Kahit sabihin mo na tambak na gawain mo pero hindi ako nagreklamo." hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na tumulo ang luha ko, I know she was crying right now, because of me.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, nasasaktan ako sa ginawa ko para sa kaniya. I take her for granted.

"Pero hindi sapat lahat ng yon para, makita mo ang pagmamahal ko sa'yo. Tama ka, hindi kita maiintindihan, kasi hindi ko na rin alam ang nangyari. Nakakapagod palang ipriority yung taong hindi makita yung ginagawa mo para sa kaniya. I guess it's the best for you if I let you go. I'm sorry." Huling reply niya na ikinaguho ng mundo ko.

Napangiti ako ng mapait. That was 4 years ago. Ngayon pinapanood ko na siyang alagaan yung taong nag ligtas sa kaniya sa aksidente at nakatali na ngayon sa taong pinasaya siya no'ng araw na 'yon dahil umiiyak siya nang ako ang dahilan, at ayon din yung araw na sinukuan niya ako.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: December 1, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now