#32

45 3 0
                                    


SUPORTADO AKO NG BOYFRIEND KO


"Baby? How about this?" Pinakita ko ang spaguetti straps ko na dress na kulay black na suot suot ko at umikot ikot pa.

Pupunta kasi ako sa reunion naming magka-kaibigan sa bahay ng isa naming kaibigan dahil malaki ang space, kasama na ron si Arnold na boyfriend ko dahil kasundo niya naman ang lahat ng kaibigan ko, ay gusto nilang isama ko si Arnold.

"You look so lovely, honey. Gabi na, baka malamigan ka. Magdala ka na rin ng jacket, para kung malamigan ka. Kumportable ka naman ba diyan?" nakangiting tanong niya kaya tumango tango naman ako at ngumiti ng malapad.

Inayos ko ang suot niyang sweatshirt na brown at ang buhok niyang kinatatamaran niyang suklayin pero ang g'wapo pa rin sa paningin ko.

"Wag kang masyadong malikot sa ayos mo, baka masilipan ka. Baka may makaaway pa ako do'n. Kung may balak kang magwala do'n kapag naginom ka, magdala ka ng damit na hindi ka masisilipan o magpalit ka ngayon." hinalikan niya ako sa noo at inayos ang nagulong buhok ko sa pagkakaakbay niya.

"Balak kong mag adventure, this week. Sa Palawan, mga isang linggo 'yon. Para naman mapahinga sa work. Sama ka?" napa isip naman siya at tumingin sa akin.

"Do you want me to come? O gusto mong mag isa?" tanong niya ng yumakap ako.

"Kasama ka." Tumango siya at sinabing sasama siya para mapahinga din.

They said, sweet kapag mahigpit ang boyfriend. Yung pagbabawalan ka sa mga bagay na gusto mo kapag hindi siya kasama. Pero para sa akin? Mas masaya yung makakasama mo sa mga bagay na gusto mo at susuportahan ka. Yung may tiwala sa'yo o hihingin ang opinyon mo para sa sarili mo. Yung hindi magdedecide para sa sarili niya lang kagustuhan, yung marunong magtanong at suportado ka sa lahat. Matured enough to handle you and your attitude, to handle your relationship and to handle himself.

Nagpalit ako ng long sleeve dress na black dahil baka magkatuwaan ay hindi pa ako mag enjoy.

"Baby, pupunta lang ako sa table nila Jerome, magkakamustahan lang. Tinatawag ako eh, kasama ko naman sila Trina, sama ikaw?" tanong ko kaya naman napatingin siya sa akin.

"Sure baby, enjoy okay? Balik ka nalang pagtapos, wag masyadong uminom ah? Hindi mo kaya. Titignan nalang kita mula dito." humalik siya sa noo ko bago ako pinakawalan.

"Ang sweet ng boyfriend mo! Kung iba yan baka nag away na ako dito." napangiti naman ako at napatingin kay Arnold na nakatingin sa amin ng nakangiti.

"He knows me," maikling sagot ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagkamustahan kami ng barkada, inom at sayawan. K'wento ng kaniya kaniyang success sa buhay, nakakatuwang yung noon na parang pariwara ang buhay, ngayon successful na.

"Napagod ka ba?" tanong ni Arnold ng umupo ako sa tabi niya at sumandal.

"Hindi ako nainom ng madami, hindi naman. Natutuwa nga ako mga successful na tayo hahaha!" tawa ko at nakitawa naman siya.

"Gusto ko din maging sucessful pa lalo na kasama ka." banat niya kaya siniko ko siya.

Pereng tenge kinikileg eke eh, lapain kita eh.

"I want to be with you tuwing gagawin mo ang mga gusto mong gawin sa buhay. Adventures? Party? Pagiging successful at pag tupad sa pangarap mo? Hayaan mong suportahan at samahan kita." naiyak ako sa sinabi niya, kasabay no'n ang paghinto ng maingay ng tugtugan at napalitan ng love song.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang mga kaibigan naming nagpapalakpakan at ang pamilya naming katabi nila. Yung malalapit na naging parte ng buhay ko at yung mga naging parte ng buhay niya ay nandito lahat ngayon sa harapan namin.

Pinagmasdan ko ang paligid, lumang litrato at ang mga kabaliwan ng barkada, ng pamilya at naming dalawa ay mga nakalambitin mula sa itaas. Ang mga lobong nagkakalat na ngayon at ang masasayang tao na suporta sa aming dalawa.

"Can I be your supportive husband?" natawa ako sa sinabi niya at naiyak ng makita kong mamula mula na rin ang mata niya.

Nanatili akong tahimik kasi kinikilig ako at naiiyak talaga ako.

"Sagot ka naman, nahihiya kag'wapuhan ko dito. Nanonood pa ex mo sa gilid oh anak ng tipaklong naman eh." nagtawanan ang mga tao sa paligid kaya natawa din ako sa biro niya.

Tinignan ko si Conrad na ex ko at natawa ako ng umiling iling siya.

"Wag daw oh, sabi ni Con." tinignan niya 'yon at itinaas ang gitnang daliri niya at bumulong bulong habang nakatingin sa ex ko na tawa na rin ng tawa.

Parang pinagsakluban ng langit ang lupa ang pagmumukha ni Arnold sa pang aasar ng ex ko na naging kaibigan niya na rin.

"Pakasal na yan!" sigaw ni Conrad, kaya agad na tumayo si Arnold at isinuot ang sing sing sa daliri ko.

"Bakit mo sinuot? Hindi pa ako umoo ah?" sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Pero no'ng sinabi ni Con, na wag pumayag ka? Sumunod lang din ako sa kaniya. Pakasalanan na daw kita." Sagot niya kaya naghiyawan ang mga kaibigan namin lalo na nang hinalikan niya ako ng mabilisan.

"Ang hangin!" birong sabi ko.

"Mas hahangin pa ako, kapag nagima ang kama sa honeymoon natin." natatawa akong yumakap sa kaniya at pinakinggan ang sigawan at palakpakan ng mga kaibigan namin,

Mas magandang makasama yung taong imbis na ilalayo ka sa mga taong malalapit sa'yo, ay hahayaan niya na ring mapalapit ang sarili niya sa mga taong 'yon para masamahan ka. Yung handang samahan ka at intindihin sa lahat. Yung saay kayong magdedisisyon sa mga bagay bagay. Yung imbis na aawayin ka sa maliliit na bagay, sasakyan ka pa.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: January 26, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now