#17

84 4 0
                                    


THERE'S A MILLION OF LIES, BUT YOUR WORDS I LOVE THE MOST


"Tulala ka na naman d'yan, nandito tayo para magsaya! Napaka-nega naman nito!" napatingin ako sa tumabi sa akin, si Connie na kaibigan ko.

Tama siya, nandito kami ngayon sa bar para magsaya pero lugmok akong pumunta dito.

"Mahal mo pa'rin ba? Siya pa'rin?" tanong niya habang hinimas himas ang likod ko.

Napatingin ako sa harapan ko, para akong sinasaksak sa tanong niya. Bakit ko pa sasagutin ang obvious naman? Tsk.

"Mahal ko pa." Suminghot ako dahil sa patulo na ang sipon ko.

Tinapik tapik niya ako para sabihing nand'yan lang siya. Bar ang pinuntahan namin pero para akong nasa lamay ng dahil sa itsura ko.

"I'm a changed man now, Laura." saad niya, "I will never ever make you cry. Hinding-hindi na kita sasaktan, 'di na 'ko mamba-babae at promise wala ka ng maririnig na sumbat galing sa'kin. Pangako 'yan."

Napakibit-balikat nalang ako sa sinasabi niya, "Totoo ba 'yan, Christian?"

"Oo, dahil mahal na mahal na mahal kita." Niyakap niya ako ng mahigpit, isang yakap na 'di ko magawang hindi siya yakapin pabalik. "Promise, I'll be sweeter in the second time around. Hinding-hindi ko na sasayangin ang pagkakataong 'to, Laura."


Napailing nalang ako nang maalala ko ang mga katagang iyon, mga linyahan niya na palagi ko nalang naririnig sakan'ya, at mga katagang nakasanayan ko na't pinaniniwalaan at unti-unting nagugustuhan.

"Ang tanga tanga mo, Laura! Naniwala ka sa mga matatamis niyang pangako na kailanman 'di niya nagawang tuparin ang mga 'yon sa'yo. You should have known better, 'di ba alam mo na, na magaling siya maghabi ng mga salita para mapaamo ka lang, pero anong ginawa mo? Nagpakatanga ka. Marupok ka!" anas ko nalang sa sarili.

Kasinungalingan! Mierda!

Aaminin kong nagpakatanga ako, na naging marupok ako. Pero masisi niyo ba ako? Nagmahal lang naman ako at patuloy na umaasang mabuo muli ang minsan nang nawasak na relasyon. At kailanman 'di mali ang magmahal.

Lumipas ang ilang linggo ay 'di pa'rin ako makapaniwala na nabigyan ko s'ya ng isa pang pagkakataon. At sa puntong 'yon ay masasabi ko at sapat na para sabihin kong nagbago nga siya, nagbago na ang lalaking mahal ko. Nagbago na si Christian.

Gayunpaman, 'di parin mawawala sa akin 'yung kaba at pangamba, kasi nandito na 'yung thought na nasaktan na niya ako at 'di ko maiwasang mapaisip na baka gagawin n'ya ulit, sasaktan niya ako ulit.

Akala ko tuluyan na talaga siyang nagbago, pero nagkamali ako. Pinalipas lang pala niya ang lahat para masabi kong nagbago na siya, pero dahil sa pagkamakisig niya ay mabilis siyang nakadali. HE COMMITTED THE SAME MISTAKE.

"Pagod na ako, Christian." tanging bulalas ko sa kawalan, "Let's just end this shit!" pahabol na sabi ko na ikinagulat niya.

Inilapag muna niya ang cellphone sa mesa bago ako hinarap, "What do you mean?" tanong niya.

"Maghiwalay na tayo," Bumuntong-hiningi muna ako bago tuluyang magsalita, "Tigilan na natin 'to dahil... pagod na ako. Ayaw ko na." mahinang usal ko.

Agad namuo ang luha ko sa naisip. Bakit naman ganito? Pucha naman oh! Ayaw ko nang umiyak, tama na 'yung mahigit isang buwan na pag-iyak. Pinunasan ko muna ang namasa kong mata bago ko inagaw ang iinumin na sanang beer ng katabi ko.

"Alam mo 'yang lalaking 'yan, kapag nakaharap ko talaga siya, sasapakin ko s'ya hanggang sa 'di na siya makikilala ng mga babae niya!"

Nagulat nalang ako nang mapansing kanina pa pala ako nakasandal sa balikat ni Connie.

"Sana iba nalang ang minahal ko,"bulong ko sa sarili.

"There's a million of lies, but your words I loved the most." sambit ko nalang sa 'di malamang dahilan. At nangigiti sa kawalan.

"Mahal pa'rin kita, Christian." habang minamasdan ang lalaking minahal ko ng sobra na may kasayaw na, na iba.

WAKAS.

---

Date kung kailan natapos: December 15, 2020.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt