#19

77 3 0
                                    



BESTFRIEND NOT ALWAYS WIN


"Chai!" nakangiti tawag sa akin ng bestfriend ko, si Yuan.

"Oh? Laki ng ngiti mo ah, anong meron?" inakbayan niya ako tiyaka ginulo ang pagkaka-ayos ng buhok ko.

"Kilala mo na talaga ako, kita tayo mamaya sa parke." masayang sabi niya.

Napasimangot naman ako nang halos mapunit ang labi niya kangingiti.

"Bakit?" mataray na tanong ko.

"Secret, basta mamaya ah!" sabi niya.

Kumaway muna siya sa akin at tiyaka ako tinalikuran.

Matagal na kaming mag kaibigan ni Yuan, takbuhan namin ang isa't isa. Konti kilos, pananalita ay alam na namin kung may problema ba, kung may mali o kung may nangyaring maganda. Sabi nga nila, may partner ka man, takbuhan mo pa rin ang kaibigan mo para sandalan.

Dumating ang dapit hapon, papalubog na ang araw. Katulad ng usapan, nag punta ako sa parke na tambayan namin. Simpleng t-shirt at maong short lang na hanggang tuhod ang suot ko. Ilang sandali pa'y nakita ko na siya, nasa malayo palang ay tanaw ko na ang mga ngiti niya. Pero nagtaka ako nang may nakita akong babae na katabi niya. Maganda ito, maputi, basta maganda.

"Woi! Ito nga pala si Francine, she's my girlfriend. Francine, ito naman si Chai. Bestfriend ko siya." napangiti naman ako, inilahad ko ang kamay ko sa kaniya, agad niya naman na tinaggap ito.

Gusto ko siya. I think she's nice, tinitigan ko ang girlfriend ng bestfriend ko. Napailing nalang ako, hilaw ang ngiti niya sa akin. Mukhang napilitan. Hays.

Isa sa mahirap kapag nagkaroon ng partner ang bestfriend mo, lalo na simula palang alam mo ng hindi mo makakasundo. Iba iba kasi ang tao, sad'yang marami lang ang makitid ang utak.

"May tanong ako, " isang araw ng magkasama kami ni Yuan.

Nandito uli kami sa tambayan, wala siyang ibang bukambibig kun'di yung girlfriend niya.

Natatawa nga ako, masyado siyang natamaan sa babae.

"Ano naman?" tanong niya habang kumakain ng Ice cream. Ube ang kaniya, chocolate naman ang akin.

"Hindi ba nagse-selos girlfriend mo?" tanong ko.

"Nagse-selos. Pero wala naman tayong ginagawang masama. Alam natin sa sarili natin 'yan, bestfriend kita. Matik na 'yon." sabi biya at ginulo ang buhok ko.

"Sabihin mo sa akin kapag nagse-selos, para aware ako. May tanong uli ako." muling sabi ko sa kaniya.

"Hmm?" tugon niya, hindi maabala sa pag kain ng ice cream.

"Paano kapag bigla akong nawala? Bigla akong hindi nag paramdam? Biglang dumistansya?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya at tinignan ako, napabuntong hininga naman siya tiyaka ako sinamaan ng tingin.

"Sira ka ba? Siyempre hahanapin kita, mangungulit ako kung anong problema. Mag tatanong, hihintayin kita. Pero wag mong gagawin 'yon, magagalit ako sa'yo." natawa naman ako sa kaniya.

Yung kabisado mo na lahat ng kilos niya, alam mo na kung anong ayaw at gusto niya. Yung tipong siya yung pag kakatiwalaan mo sa lahat. Kakampi mo, yung taong pahahalagahan mo.

"Pst, kailangan kita. Busy ka ba?" problemado ako, at sa ganitong bagay siya lang malalapitan ko.

Hinintay ko ang reply niya. Isa, dalawa tatlo, apat, limang minuto. Wala siyang sagot, online pero hindi ako ni-replyan. Hanggang mag isang oras, hanggang sa nadagdagan.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now