#43

58 2 0
                                    


CHANGING IS MY CHOICE, SHE'S THE REASON


"No one can understand me, but myself." hinithit ko ang sigarilyo at tinapon sa lapag tiyaka tinapakan. Alam kong baluktot ang pananaw na yan.

Hindi kasi ako marunong tumanggap ng pagkakamali. Dahil pakiramdam ko wala na akong nagawang tama. Yung wala na akong karapatan mag desisyon sa sarili ko dahil nakadikta na sila sa p'wede kong gawin.

"Kevin!" ito na naman siya. Mangungulit na naman.

"Ano na naman? Alam mo bang nakakairita ka?" kita ko ang lungkot sa mga mata niya pero nanatiling may ngiti ang kaniyang labi.

"Nakasibangot ka na naman, palagi ka nalang may mens." umupo siya sa tabi ko at tumingala sa langit.

Ma-araw ngayon pero hindi niya ininda ang init sa paligid namin.

"Palit nga tayo! Mainit d'yan sa p'westo mo!" inis na sabi ko sa kaniya at pinausog siya.

Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya at ang gulat sa ginawa ko pero hindi ko 'yon pinansin. Nakita kong namasa ang mata niya at natatawang yumuko.

Nakaramdam ako ng guilt. Baka nasaktan siya sa ginawa ko. Palagi ko nalang siyang sinusungitan sa apat na taon na hindi siya nagsawang mangulit sa akin. Ayoko ng kinokontrol. Kaya ayoko ng may napapalapit sa akin, ayoko ng sinasabihan na ganito dapat mong gawin, baguhin mo yung ganito, ganiyan.

"Wag ka ng umiyak. Hindi bagay sa'yo." natawa siyang sumisinghot at nagpunas ng luha.

"Nakikita ko ang kapatid ko sa'yo." nahimigan ko ang lungkot sa salita niya at kita ko ang lungkot sa mga mata niya ng nagkatinginan kami.

"No'ng nakilala kita, ayon din yung time na namatay ang kapatid ko." ngumiti siya at yumuko uli. Tila inaalala ang nangyari.

Nanatili akong tahimik at hinihintay ang susunod na sasabihin niya. Pero bigo ako nang bigla siyang tumayo at nagpaalam.

"Be yourself, Kevin. Una na ako ah? Ingat ka, maraming salamat!" bumalik ang pagiging isip bata niya at kumakaway na tinalikuran ako.

Hindi masamang mapalapit. Baka siguro ito na ang sign para hayaan kong mapalapit sa kaniya. Napangiti ako sa rebulto niyang palayo ng palayo sa akin.

"Pretty."

Lumipas ang araw, madalas na kaming magsama. Nagulat nga daw siya at bigla daw akong bumait at tanging ngiti lang ang naisasagot ko sa kaniya.

'Hindi siya mahirap mahalin.' minsan ng dumaan sa isip ko ang katagang 'yan.

Sa tagal na magkasama, hinayaan ko ang sarili kong mapalapit sa kaniya. Sa kung ano ako talaga.

"Oh, payat! Regalo ko sa'yo." hinagis niya ang maliit na box sa akin no'ng araw ng birthday ko.

Dalawang taon na ang nakalipas simula ng maging mabait ako sa kaniya.

"Para saan 'to, gasul?" asar ko kaya binato niya ako ng maliit na mga batong nahahawakan niya na naiiwasan ko naman.

Balak kong magtapat ngayon na gusto ko siya. Wala namang masamang umamin eh. Binuksan ko ang maliit na box at isang silver bracelet 'yon, na may pendant na 'Kevin' at may kasamang papel ito.

'Ginusto ko ang Kevin na kaharap ko, and I think I'm falling for him.' nakasulat sa papel kaya nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya.

"Damn, I'm going to confess pero naunahan mo ako. Nakakabakla ka." natawa siya sa sinabi ko pero hindi yon naging hadlang para lumapit sa kaniya at gawaran siya ng mahigpit na yakap.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin