#27

50 1 0
                                    


SHE CAN BE HAPPY, BUT NOT WITH ME


"Yam? Busy ka ba? I miss you." nainis ako ng makita ang text niya.

Ang dating kilig, wala na. Ang dating saya at excitement, wala na. Ang dating siya ang priority, wala na. Yung kahit hindi naman ako inaantok, hindi naman ako busy, hindi naman ako nakatulog o hindi naman nakacharge ay 'yon nalang palagi kong idinadahilan para hindi siya makausap.

Alam mo 'yon? Nawalan ako ng pakielam. Mahal ko pa siya pero parang wala nalang. Naging boring, nawalan ng gana. Nawalan ng amor sa kaniya.

Pinatay ko ang phone ko at kinuha ang tablet ko, may iba akong sim na nakasalpak do'n at kung boring ako do'n ako nakikipagusap sa kung sino sino. Wala lang, ayoko sa kaniya. Puro na drama, puro I love you, I miss you, kumain ka na ba, blah blah blah tangina. Korny, nakakasawang pakinggan. Pati boses niya hindi na rin maganda sa pandinig ko, hindi katulad noon, konting rinig ko palang okay na.

"Hey, I miss you. Busy ka pa po?" bungad niya no'ng tumawag sa akin bandang alas dose ng madaling araw.

Nagpanggap akong kagigising lang, kahit hindi naman talaga. May iba akong gamit na account para makipagpuyatan sa iba. Flirt o kung ano pang p'wedeng gawin. Nawala ang atensyon ko sa kaniya, nawalan ako ng pakielam sa kung anong mararamdaman niya. I know she can't leave me, she can't let go. She can't be happy without me. Gano'n siya kabaliw kahit na ginagago ko na siya at pinagmumukhang tanga. How pathetic.

"Sorry nakatulog ako, miss you too." narinig ko ang pagsinghot niya.

"Ano na naman iniiyak mo?" biglang inis na tanong ko. Tangina ang arte.

"W-Wala, namiss lang kita." sagot niya at natahimik ulit.

'Kaso hindi kita namiss.' sagot ko sa isip ko.

"Wag ka ng umiyak." pagpapatahan ko para di na humaba, "Inaantok na ako, tulog na tayo." sabi ko.

"Matulog ka na, hindi la ako inaantok eh." sagot niya sabay I love you, "Okay" tanging sagot ko at ibinaba ang tawag.

Gano'n palagi ang routine. Minsan hindi ko na talaga sinasagot at dinadahilan ko nalang na tulog o maraming ginagawa. I can make excuses. Tanga siya eh, siyempre maniniwala siya kahit ginagago na siya.

"Mahal mo pa ba ako?" umiiyak na tsnong niya no'ng minsang paulit ulit ko siyang binabaan.

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Nakakapikon." inis na sagot ko.

Anong magagawa ko? I can't give her a straight answer. Hindi ko rin masagot sa sarili ko. Kung mahal ko pa ba talaga siya, o nakasanayan ko nalang na nand'yan siya.

Sumagot siya at ang sabi niya ay wala, natanong niya lang daw 'yon. May araw na wala na talaga akong paramdam, alam mo 'yon? Hinihintay ko nalang na kusa siyang bumitaw, mapagod at iwan ako. Wala eh, everything's changed.

"Ano ba?" tanong ko nang tumawag siya.

"Galit ka ba? May nagawa ba akong mali? Sorry." nakakatangina. Hahaha, sorry sa walang kasalanan?

"Wala, matutulog ako." pinatayan ko siya pero tinatawagan niya pa rin ako.

Hindi ko sinagot, pinatayan ko siya ng pinatayan ng call. Bahala siya.

Nagulat ako ng tumigil ang pagtawag niya at tinadtad ako ng texts,

"Gano'n na ba ako kapabigat sa'yo?"

"Sana sinabi mo nalang na ayaw mo na akong kausap."

"Nakakapagod. Napapagod na rin ako. Akala ko matutuwa ka. Akala ko mararamdaman mo na girlfriend ako sa'yo."

"Sana sinabi mo na kung hindi mo na ako mahal."

"Sige, wag na tayong mag usap."

Natawa ako sa texts niya, as if naman magagawa niyang hindi ako kulitin. Alam kong kakainin niya rin ang sinabi niya.

Akala ko lang. But I was wrong. Ayon na talaga ang huling pag uusap namin. She never called again. Walang proper break up but wala ng paramdam mula no'n. I tried to call her, hinahanap hanap ko na ang presensiya niya pero always busy. Mukha nakablock na ako. I tried to chat her, pero nakablock na rin ako. She can, nakaya niya. Nakaya niya mapagod at bitawan ako.

Do'n ko siya namiss, hinanap hanap. Hinintay. Pero wala. She never came back. She really gave up on me, on us.

Ayon yung huling naalala ko, it was 5 years ago. And then now, I saw how happy she was. Nakita ko yung saya niya noon sa akin no'ng nagsisimula palang kami. Kung gaano siya ka-excited at kaalaga sa akin.

Nakikita ko na ngayon kung gaano siya kasaya at kung paano niya iparamdam 'yon sa mahal niya. Now, she's happily married to someone who can make her really happy, you know what I regret? She's happily married but not with me. She can finally happy but not with me, but with someone who's really worth it and who's really deserves her.

Hindi ko pa nga malalaman kung hindi ako napadaan sa simbahang ipinangako kong gagamitin namin kapag pinakasalan ko na siya. Kasi una palang, sinayang ko na ang mga ngiting niyang dapat sa akin niya lang ipapakita. Yung pagmamahal niyang dapat sa akin niya lang ilalaan. Yung alaga niyang sa akin niya lang dapat ipaparamdam. Yung babaeng sinayang ko kasi akala ko wala lang. Akala ko hindi niya ako iiwan at susukuan. At ngayon yung babaeng sinayang ko lang, masaya na kasama ang iba na ako rin ang naging dahilan.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: January 7, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now