#29

47 3 0
                                    


WHEN SHE'S FINALLY AWAKE


"Hey, baby!"

"I miss you."

"Kumain ka, wag magpalipas. Ayokong magkasakit ka."

"Wag magpatuyo ng pawis. And be careful, always."

"I love you."

Yung bubungad sa akin ang paulit ulit na paalala niya, nakakasawa. Paulit ulit sasabihing mahal niya ako, na namimiss niya ako, ipinaparamdam niya at nakakasawa na.

Wala na bang bago? Mag aaway, magsusuyuan, magbabati. Maglalambing, paulit ulit, mag cecelebrate, mag aaway, tangina. Nakakapagod na. Kaya siguro may nagchi-cheat. See? Kapag nagtatagal, nakakasawa na yung paulit ulit. Nawawala yung saya, kilig, excitement pati yung ganda niya NOON sa paningin mo.

"Tigilan mo nga ako, nakakahiya ka."

"Umayos ka nga, yakap ka ng yakap ang init init eh."

"Oo na, alam ko na yan. Wag mo na ulit ulitin. Ayan nalang laging mga sinasabi mo."

"Tangina! Parang monthsarry lang, ano naman kung nakalimutan? Hindi ka ba nagsasawang magdate date, gumawa ng long message o explosion box na hindi ko naman mapapakinabangan!"

Years had passed, pambabara at puro nalang negatibo ang sinasabi ko sa kaniya. She's making efforts at sinisira ko ang lahat ng 'yon. Why? Hindi na ako masaya! At nakakatangina kasi, hindi ko magawang bumitaw. I don't know. I love her but I'm not happy anymore.

"Mahal mo pa ba ako?" tanong niya. Nakita ko yung pamumula ng mata niya, pangingitim nito na halatang puyat at walang maayos na tulog.

Ang laki ng binagsak ng katawan niya. Napabayaan niya na ang sarili niya. Sobrang ganda niya noon pero ngayon daig niya pa ang may maraming anak sa itsura niya. Mukha siyang losyang.

"Ewan ko, ano ba gusto mong isagot ko?" pambabara ko at napayuko naman siya.

Hindi pa ba obvious sa sagot ko? O manhid lang siya?

"May magagawa ba ako para maibalik yung---" hindi na niya natapos ng sipain ko ang paso sa tabi ng pinto namin.

"Punyeta naman, Carla! May magagawa ka para ayusin relasyon natin!? Eh tangina paulit ulit na! HINDI NA AKO MASAYA! ano ba ang hindi malinaw do'n!? Isa pa, tignan mo nga itsura mo!? Nakakahiya ka!" sigaw ko sa kaniya at umiiyak lang siya ng tahimik habang nakayuko

Nahimasmasan ako ng magsimula siyang magpunas ng mukha. Bigla akong nakaramdam ng guilt sa mga nasabi ko, naawa at parang gusto ko soyang yakapin. Humingi ng sorry at ayusin nalang. Damn, napaiyak ko na naman siya.

"Carl---" hindi ko na natapos ng tumingin siya sa akin at nakangiting tumango.

Walang lumabas na salita sa bibig naming dalawa, hinayaan ko siyang talikuran ako ng walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig niya. Umalis siya ng nakangiti, mugto ang mata at walang kibo. At sobrang sakit sa dibdib no'n.

Ang nakasanayan kong messages niya ay unti unting nawala, walang nangungulit, nagmamakaawa, nagpapapansin, nag aalaga, nagpapaala at nagpapaganda para sa akin. Nawala yung nakasanayan ko.

Walang paramdam, walang response. Ang mga araw ay naging linggo. Ang linggo ay naging buwan at ang buwan ay naging taon. Nadagdagan hanggang sa nadagdagan.

Parang nalantang gulay ang buhay ko, walang nakakausap, palaging tulala, walang kabuhay buhay. Mula noon, hindi na niya ako kinausap. Tumagal ng pitong taon ang pagiwas niya.

At ngayon, nagkaroon ako ng pagkakataong makita siya at makausap ay hindi ko na alam kung saan mag sisimula o tititigan ko nalang ba siya.

"Fred, still with me?" parang nanikip ang dibdib ko, sa walong taon na nakalipas nakikita ko na ang Cyra na una kong nakilala.

HIndi ko na nakikita yung sakit, yung lungkot sa mga mata niya. Mukhang naka move on na siya.

"Do you still love me?" out of nowhere, natanong ko 'yon sa kaniya.

"Alam mo bang sobrang minahal kita? Halos naibigay ko na nga lahat sa'yo, hahaha yung pagtitiis, pagpapakatanga, pagbalik, pagtanggap. Mahal kita eh. Pero naisip mo bang tanungin ako? Kung saan ba ako sasaya? Kung bakit hindi ako bumibitaw? Kung bakit pinapaalalahanan kita? Nakamusta mo ba ako? Hindi rin diba? Tanggap ka lang ng tanggap kaya napagod ka. Pero hindi mo man lang ibinalik ng kahit konti ang mga naibigay ko sa'yo." napayuko ako sa sinabi niya, pinapakinggan at tinatanggap ang mga salitang ngayon lang lumalabas sa bibig niya.

"Ayan yung mga gusto kong sabihin sa'yo, isumbat ang pananakit mo dahil lang sa hindi ka na masaya? Pero nasa pitong taon na nakalipas, mag wa-walo na nga eh." natatawang sabi niya kaya nabuhayan ako ng pag asa.

"Ngayon ang gusto kong sabihin ay salamat. Maraming salamat, dahil sa pananakit mo, nakita at nakilala ko siya. Pinahalagahan, iningatan, nirespeto at minahal niya ako. Now, I can finally say I'm awake and I'm happy, also thankful for that my because I met him, after all." nakita ko ang panunubig ng mata niya, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya.

Ang paglapit ng isang lalaki, pagkatapos niyang sabihin yon ay lalo kong naramdaman ang sakit. Ang halikan siya no'n sa harap ko at makitang masaya siya ay mas masakit lalo.

"We're engaged. Balak ko sanang imbitahan ka sa araw ng kasal. Friends, right?" labag man ay tumango ako.

Yung pagsisising ngayon ko lang naramdaman, huling huli na.

Kaya ikaw, anong mas gusto mo? Yung mahal mo o yung mahal ka?

Yung binibigyan ka ng oras at halaga pero hindi mo magawang ibalik kasi nandyan pa siya?

Yung ginawa niya na yung best niya pero ang iniisip mo lang ay yung nararamdaman mo?

Yung nandiyan na, hinayaan mo pang mawala at makuha ng iba.

Love is not about happiness. Love is also appreciation and contentment.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: January 22, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now