#35

56 2 0
                                    


A LAST NIGHT WITH YOU


"Sorry..."

"Saan?"

Parang kanina lang sobrang saya namin. Bakit biglang naging ganito? May masama akong pakiramdam. Parang may mali.

"Kasi diba? Hindi ko sinasad'ya. Hindi ko akalain magkakagusto ako sa iba." umiiyak na paliwanag niya. Parang sinaksak ang puso ko.

Ang sakit pala ng ginawa ko noon. Baka mas masakit pa ang naramdaman niya kaysa sa naramdaman ko. Umamin siya ng umpisa palang. Pero ako? Inulit ulit ko yung sakit na ibinigay ko sa kaniya.

"Ganti ba 'to sa panloloko at panggagago ko, Anj?" umiling iling siya at nagpunas ng luha.

Nababakla ako, ayokong umiyak pero anong magagawa ko? Karma ko na yata 'to. Masyado akong naging kampante na hindi niya mababaling sa iba yung pagmamahal niya, pero dahil sa kagagawan ko, she's already in love with someone else.

"Maghihiwalay na tayo?" tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin at nagsimula na naman umiyak.

'Please, sabihin mong hindi. Tatanggapin ko kahit may kahati na ako.' dasal ko sa isip ngunit bigo ng dahan dahan siyang tumango.

Bumagsak ang balikat ko at namasa ang mata, I failed. Ngayon ko lang naramdaman na ayoko siyang mawala. Natatakot ako pero alam ko na wala na sa akin ang atensyon niya.

"Ayokong ituloy ang relasyon na 'to na may iba na akong nararamdaman sa ibang tao. Hindi na gano'n katulad ng dati ang nararamdaman ko para sa'yo, Nic." diretsyong sagot niya kaya lalong mas masakit.

Noon, hindi niya masabi ang ganiyang mga salita. Pero ngayon, parang wala na siyang pakielam kung masaktan man ako o hindi sa sinasabi niya. Fuck, damn it.

"Can you do me a favor?"

"What is it?"

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mukha niya, tinitigan ko siya at ngumiti.

"Pag bigyan mo ako. Ngayong gabi lang. Tapusin lang natin ang gabi na 'to. Hahayaan kita sa gusto mo. Just please, ito lang. Bumalik lang tayo ngayon sa dati." pagsusumamo ko sa kaniya.

Sobrang nasasaktan ako sa uri ng titig niya sa akin, hindi na katulad ng dati. Wala na yung saya, wala na yung pagmamahal.

Umiling siya at abot abot ang dismaya ko, hindi ko alam kung bakit pero lumuhod ako. Nagpapakita ng sensyales na nagmamakaawang pumayag sa kaniya. Noong niloko ko siya, palagi siyang nakangiting hahalikan ako at yayakapin, tatanggapin ang sorry ko. Paulit ulit. Paulit ng paulit.

"Please..."

Lumuhod siya pagkatapos kong sabihin 'yon, rinig ko ang paghikbi niya. Umaasang sasabihin niya binabawi na niya pero mahigpit na yakap ang natanggap ko.

"Bakit ngayon mo 'to ginagawa kung kailan nasa iba na ang pagmamahal ko, Nic? Hindi mo kailangan magmakaawa noon pero bakit hirap na hirap kang manatili sa akin?" umiiyak na tanong niya.

Wala akong sinagot. Walang lumabas sa bibig ko. Ang gusto ko lang ay tumagal sa bisig niya. Ang mahigpit na yakap niya na nagbibigay ng dahilan para wag ko siyang pakawalan.

"I love you."

"I love you. Sige, ngayong gabi. Hanggang ngayong gabi nalang." mariin na pagkakasabi niya.

Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya. Ibibigay ko lahat ngayong gabi. Ibinigay niya sa akin ang hiling ko, ang mayakap siya, mahalikan, makasama. Paulit ulit kong sinabi ang katagang mahal kita, at gano'ng kasakit din sa pakiramdam yung sumasagot siya pero hindi ko na ramdam pa.

Bawat halik ko sa kaniya, bawat tugon niya. Bawat salitang binibitawan niya habang ginagawa namin 'yon. Bawat pagsambit niya ng pangalan ko, sa huling pagkakataon ko nalang mararamdaman.

"I love you..." sa kalagitnaan ng pagtatalik namin. Kita ko ang pagtulo ng luha sa kaniyang pisngi.

"I love you... I love you..." sa salitang 'yon naramdaman ko na meron pa.

Huminto ako sa ginagawa, rinig ko ang paghikbi niya.

"Ako nalang, bumalik ka na sa akin please..." hinalikan ko siya ngunit walang tugon. Hanggang sa matapos. Hanggang sa makatulog ako sa pagod.

Nakayakap ako sa kaniya, nilalaro niya ang buhok ko katulad noon. Hanggang sa antukin ako. Hanggang sa makatulog. Pero wala ng sumalubong sa paggising. Wala nang hahalik at maghahanda ng pagkain. Wala ng aasikaso at mamimilit sa akin. Wala na ang babaeng mahal ko.

Dahil paggising ko sa huling gabi namin? Wala na siya, at ang tanging maliit na papel lang ang naiwan sa tabi ko.

"Nic, sa susunod na mamahalin mo... love her more than you love me. She deserve that."

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: February 3, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now