#40

44 2 0
                                    


LOVE CAN WAIT, BUT DREAM HAS AN ENDING


"Wag ka munang mag boyfriend! Mag aral ka muna, sagabal lang yan sa pangarap mo." nang makita ng mama kong may dala akong bulaklak dahil Valentine's ngayon.

Palagi niyang sinasabing sagabal ang pag ibig sa pag aaral, sabi naman ng nakakarami nakakatulong para daw mas sumigla ka. Panibagong rason para magpatuloy.

Kaya napangiti nalang ako ng sabihin ulit 'yon ng nanay ko. Para siyang recorder na paulit ulit ng sinasabi. Ratatatatatatat hahahaha!

"I know ma, hindi ako nagbo-boyfriend. Regalo 'to ng kaibigan kong si Rose. Pinabibigay sa iyo." nagulat naman siya at napangiti rin.

Para na rin niyang anak ang bestfriend ko, kaya hindi siya nakalimutang bigyan nito ng regalo. Ako naman naibigay ko na sa kaniya no'ng nakaraang araw, dahil nakita niya sa bag ko. Napagkamalang ibibigay ko sa lalaki, kaya naibigay ko na.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya dali dali ko itong binuksan.

"Sama ka na. Labas na tayo, please? Hayaan mo namang patunayan kong seryoso ako." that's Karl.

Gusto niyang manligaw pero sabi ko wag na. Hindi p'wede dahil ayokong madisappoint ang mama ko. Ako nalang ang inaasahan niya, bibiguin ko pa ba?

"Hindi nga p'wede. Hindi papayag si mama. Wag kang makulet." reply ko at tinago ko na ang cellphone ko.

Med'yo may kirot sa puso ko. Naramdaman ko na rin na gusto ko siya pero bawal. Pinaka ayoko sa lahat yung makitang disappointed ang mama ko. Siya nalang ang natitira sa akin pagkatapos kaming iwan ng daddy ko para sa ibang babae at sumama ang kuya ko sa kaniya dahil do'n nabibigay ang luho niya at malaya siyang sumama sa mga barkada.

"Anak, alam kong may nanliligaw sa'yo. Mabait na bata si Karl. Pero sana maintindihan mong ayoko na matulad ka sa akin. Hindi naman para sa akin ang ginagawa kong paghihigpit. Para na rin sa'yo." kita ko ang lungkot sa mga mata niya, nakakadala.

"I understand naman ma, thankful ako na mahigpit ka." yumakap ako sa kaniya't nagpaalam na aakyat.

Pero alam mo yung nakakatawa? Hanggang salita lang ako. Lumipas ang linggo, buwan ay hindi ko napigilang sagutin si Karl. Kami na. Palihim na naging kami. Sumuway ako kay mama.

Yung time ko noon sa pag aaral halos napunta sa pag uusap namin ni Karl. Nagagalit kasi siya kapag hindi ako nagre-reply agad. Minsan aawayin niya ako lalo na kapag nagpaalam ako mag re-review dahil wala na daw akong time sa kaniya. Tumagal kami ng limang buwan na gano'n. I thought makakatulong sa pag aaral ko but I was wrong.

Nakakuha na ako ng zero sa quiz dahil hindi ako nakapag review dahil sa inumaga na kami ng pag uusap ni Karl. At bumawi ako dahil sa monthsarry namin, na wala akong regalo sa kaniya. Nando'n yung umiyak ako dahil bumagsak ako at dahil sa panloloko ni Karl. I'm starting to regret everything.

Tama si mama. Sana hindi ko na sinubukan.

"Maghiwalay na tayo." bungad ko ng sagutin niya ang call.

"Edi maghiwalay! Boring ka naman na girlfriend. Hindi maeffort, wala pang k'wenta kausap. Okay, break na tayo." agad na tumulo ang luha ko ng marinig 'yon sa kaniya. Hindi siya mabait mama, sinaktan niya ako.

Huli na, nakapasok na si mama at nakita niya akong umiiyak.

"Sinuway mo ako?" malamig na tanong niya. Tumingin ako sa kaniya ng may pakiusap.

"Ang sakit ma... I'm sorry..." tanging sambit ko at tuluyan ng umiyak sa harapan niya.

Pinuntahan niya ako at niyakap. Hindi niya ako iniwan hanggang sa maging okay ako. Hindi niya ako pinaggalita. She stayed. Mas inuna niya ang nararamdaman ko, samantalang ako mas inuna ko ang kagustuhan ko at hindi inisip ang kaniya.

Day had passed. Weeks turned into years. 3 years na ang nakakalipas at 3rd year college na ako. Hindi ko binigong muli si mama. Binawi ko yung mga ibinagsak ko noon dahil sa pagpapakatanga. Ngayon nakikita kong mas naging proud pa siya sa akin.

"Come on, ipapaalam kita kay tita. Kakain lang tayo." Napatingin ako kay Victor nang sabihin niya 'yon.

"Ayokong madisappoint siya ulit. Hindi ako nagpapaliagaw. Alam mo kung anong nangyari." umiwas ako ng tingin sa kaniya at nag ayos.

"Hindi pa ako nanliligaw, friends lang. Kakain lang tayo, kung gusto mo sama natin bestfriend mo. Walang kaso sa akin, magsama pa tayo ng madami." lalo akong humanga sa kaniya.

Hindi siya makasarili at iniintindi niya ang sitwasyon ko. Marunong siyang makibagay sa ibang tao kahit na may kaya sila. Hindi rin matapobre ang magulang niya.

"Tita, good evening po!" masiglang bati niya kay mama nang ihatid niya ako.

"Iho, magandang gabi. Pasok ka." nakangiting yaya ni mama sa loob.

"Tita, ipapaalam ko lang sana ang anak niyo, kakain lang po sana kami sa labas. Iuuwi ko rin ho siya agad. Balak ko rin ho sanang yayain kayo, kasama po ang bestfriend ni Haria." nsgulat kami ni mama sa sinabi niya.

Rinig ko ang pagbukas ng gate at mas nagulat ako ng makita ang bestfriend kong malaki ang ngiti sa amin.

"Na-invite ako. Masama tumanggi sa pagkain, nakakamatay. Sama ka na titaa!" humawak siya sa braso ni mama at tumango tango.

Akalain mong ayon ang simula ng pagiging malapit nila? Tinuring na rin na anak ni mama si Victor, he's one of a kind. Nakakatuwang may pangarap din siya.

"Babe? Magbabakasyon tayo," bungad ni Victor at hinalikan ako sa noo.

Apat na taon na ang nakalipas. Naging kami rin. At wala akong pinagsisisihan.

"Saan? Si mama? Paano?" tanong ko. Ayokong naiiwan si mama.

"Kasama, siympre. Bakasyon nga eh. Kasama din sila mama. Lahat tayo." yumakap siya sa akin kaya napangiti ako.

Naghintay siya ng taon hanggang sa maging p'wede na. Ngayon successful na kaming dalawa at napapasyal ko na si mama sa mga lugar na gusto namin puntahan noon pa.

"Anak, I'm so proud." niyakap niya ako nang pumunta ako sa k'warto niya.

"Thank you for everything, ma. Sa sakripisyo, sa pagod, sa paghihirap mo para lang mabuhay ako. Thank you." humalik ako sa pisngi niya kaya naiyak siyang yumakap muli.

"Ang pangarap hindi madaling makuha kaya dapat magsumikap ka. Ang lalaki, ang relasyon madali lang makahanap niyan, lalo na kapag nasa tamang oras at panahon ka na. Kapag nagmahal ka, hindi kasama yong mapapasama ka. Imbis na iangat ka, ibababa ka pa. Hindi gano'n ang pagmamahal. Dahil ang pagmamahal, tutulungan kang umangat. Susuportahan ka sa mga pangarap mo. Tutulungan kang makamit ito.

Kaya wag kang manghinayang kung iniwan ka, sinaktan ka o hindi ka nagawang hintayin. Dahil kung seryoso siya, at mahal ka talaga mas pipiliin niyang mangarap muna para sa inyong dalawa at maghintay hanggang sa p'wede na.

Gano'n ang pagmamahal. Pero ang pangarap, mahirap mo ng maabot kapag hinayaan mong makatakas pa sa'yo ang pagkakataon, dahil hindi ka bumabata, tumatanda ka. Kaya dapat hindi ka nagsasayang ng oras, dapat nagpupursigi ka't nagtitiyaga.

Para hindi ka lalaking puro nalang asa. Mas nakakaproud pa rin na alam mo sa sarili mong marunong ka ng tumayo sa sarili mong mga paa at lahat ng pinaghirapan mo may napuntahan na." mahabang litanya niyang tagos sa puso ko.

"Kaya nga ma. Look! Professional Engineering na ako! Natupad ko na ang pangarap ko, pangarap mo. Noon, hindi ako makapaghantay sabihin yan, ngayon nasabi ko na sa'yo. Thank you ma, nang dahil sa'yo nandito na ako sa kung ano ako ngayon." yumakap ako sa kaniya at nagpalipas ng oras na gano'n kaming dalawa.

WAKAS.

PS. Hindi masamang makinig sa magulang. Hindi masamang sumunod kahit na ang kapalit ay panandaliang kasiyahan. Dahil mas masakit mangarap ng hanggang panarap nalang dahil nagpabaya ka kaysa sa nagpakatanga ka sa pag ibig na sa huli'y sasaktan ka, iiwan ka at hahanap ng iba. Don't waste time, at matuto kang makinig sa magulang mo. No hate, just love.

---

Date kung kailan nagawa: February 17, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now