#2

797 10 0
                                    


THE MAN THAT I STAN, I'M A FATHER'S FAN


"Anak, papasok ka na?" napatingin ako kay papa nang magtanong ito.

Tumango ako at may ngiti sa labi na lumapit sa kaniya.

"Pa, ikaw ba papasok ka na?" tanong ko nang makapag mano na.

Kita ko ang galak sa mukha niya, habang naghahanda ng makakain namin. Simple lang iyon, tuyo at itlog na pula na maraming kamatis dahil paborito namin 'yon ni Tatay. Nang iniwan kami ni Inay ay siya ang tumayong tatay at nanay sa akin. Sobra kaming magkasundo at halos lahat ng gusto ko nakasuporta siya basta ay hindi ako mapapahamak.

"Oo, diyan sa kabilang kanto kay Mang Tisoy. Sige na kain na, baka ma-late ka." ginulo niya ang buhok ko kaya napabusangot ako at ngumusong tumingin sa kaniya.

"Tay naman, kasusuklay ko lang eh!" tanging tawa lang ang tugon niya at sinabayan ako sa pagkain.

Alam mo, minsan naiinggit ako. Gusto ko mang magkaroon ng mga gamit katulad sa mga kaklase ko pero hindi ko magawang magreklamo. Sapat na sa akin na binubuhay niya ako sa araw araw. Yung makitang kumakayod ang Itay para may makain kami. Ayokong bigyan pa siya ng pasanin dahil lang sa mga luho ko. Kaya hangga't maaari, tinitipid ko ang bente pesos na baon ko sa isang araw para naman hindi na ako hihingi kung may gagastusin sa paaralan.

"Nak, pasensya na ah? Hindi kasi nakapagtapos ang tatay mo kaya ito lang ang buhay mo ngayon. Ngayon nagsisisi akong hindi ko inayos ang buhay ko dati. Puro lakwat'ya. Hindi nag aral ng mabuti kaya ito nadamay ang nag iisang prinsesa ko." nag init ang mga mata ko sa sinabi niya.

Umiling ako at hindi ko maiwasang maiyak nang lumapit sa kaniya at yumakap ng mahigpit.

"Pa, wag kang mag sorry. Mabuti kang Ama at sapat na sa akin 'yon kasi binuhay mo ako. Pinalaki mo ako ng maayos. I love you, pa." rinig ko ang pagsinghot niya, umiiyak siyang yumakap pabalik sa akin.

Masyadong masayahin si Itay, hindi ako sanay kapag ganiyan siya. Kaya hangga't maaari hindi ako magbibigay ng negatibong kilos para sa kaniya. Ayokong nalulungkot ang Tatay ko, kami nalang ang magkasama at siya nalang ang nagbibigay ng rason sa akin para pagbutihin ang pag aaral. Dahil suntok man sa buwan ang buhay namin ngayon, balang araw maia-angat ko rin siya.

"Tama na ang drama, pa. May pasok pa tayong pareho!" pinunasan ko ang luha niya at humalik sa pisngi niya.

"Sana lahat ng bata, ganiyan mag isip katulad mo. Sana ganiyan sila kalawak mag isip. Hindi ako nagsisising dumating ka sa buhay ko, ikaw ang kayamanan ko sa mahirap na buhay na dinadanas natin ngayon."

Kinuha ko ang bag ko sa tabi ko at pinakita ang certificate ko.

"Regalo ko pa, yan lang kinaya ko eh. Top 5 pero 'di bale, pag iigihan ko pa po!" tumingin siya sa akin ng maluha luha kaya napakamot ako sa ulo, mas iyakin pa sa akin!

"Proud ako sa'yo. Proud na proud." hinawakan niya ang pisngi ko at kinurot ito.

"Alam mo pa, kung lahat ng tatay katulad mo rin, lahat ng anak magiging masaya. Wala akong nanay pero naramdaman kong may nanay ako ng dahil sa'yo."

Nagk'wentuhan pa kami sa natitirang oras hanggang sa nagpaalam na dahil magkaiba ang daan namin. Si Papa ay first year highschool lang ang natapos at nakilala niya si mama sa inuman, may nangyari daw sa kanila, no'ng una ay sumama si mama sa kaniya pero kalauna'y sinabi nito na hindi nito kaya kaya iniwan niya kami no'ng nakalabas ako sa sinapupunan niya. Kaya si Papa nalang ang nagpalaki sa akin at naghanap buhay. Hanggang sa makatungtong ako ng 3rd year highschool, nabalitaan na namin na may iba ng pamilya ang nanay ko pero katulad sa akin ay pinabayaan lang din nito ang mga anak niya.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now