#6

228 4 0
                                    


HER LAST WORD


[Patawad by: Moira Dela Torre is now playing.]


ADAM'S POINT OF VIEW


"Mag hiwalay na tayo." nakangiti ngunit malamig ang pag kakabigkas niya.

Anong nangyari? This is our 8th anniversary.

"B-Bakit? Anong nagawa ko? Wag ka namang mag biro ng ganiyan. H-Hehe." pilit na tawang sabi ko kay Nika.

Napatingin ako sa paligid. Nandito ang pamilya ko, kita ko ang gulat at pag kataranta nila sa sinabi ng girlfriend ko. Alam kong pati sila nabigla. Napatingin ako sa pamilya ni Nika, walang imik na nakatungo ang mga ito na para bang alam ang nangyayari.

'Wag naman sana, sana nag bibiro ka lang mahal. Wag mo akong saktan ng ganito, hindi ko kaya.' gusto ko man sabihin sa kaniya 'yan ay nanatiling tikom ang bibig ko.

Hinigpitan ko ang kapit sa bulaklak na hawak ko, ang planong matagal ko ng pinag handaan. Mauuwi sa lahat, lahat ng dahil sa sinabi niya.

"You're the best gift, I ever had. But you need to let me go, Adam." parang nabibingi ako sa sinabi niya.

Parang ang dali para sa kaniya ng pinagagawa niya. Parang libo libo ang kutsyilyo na sumaksak sa dibdib ko nang marinig 'yon sa kaniya. It is supposed to be our biggest day, my proposal.

Napailing ako, nakakahiya man sa mga taong nasa harap namin pero hindi ko mapigilang maluha. Kalalaki kong tao pero parang ang hina ko ngayon sa mata nila, nanliliit ako. Hinawakan ko ang mukha niya, gano'n pa rin.

Malamig ang mga tinginan niya, pinararamdaman sa akin na wala lang ako.

Dahan dahan akong lumuhod, may narinig ako na iyak mula sa likuran ko. Napapikit ako sa sakit. Gusto ko parin gawin kahit alam ko na ang mangyayari.

"Remember mahal? Ang pangako natin sa isa't isa, pag tungtong natin sa walong taon ay mag sesettle down na tayo. Ito na 'yon, baka p'wede pa. Baka naman nabibigla ka lang sa sinasabi mo. Baka p'wede pang mag work, Nika. Please naman oh, wag ganito. Nag mamakaawa ako sa'yo." nag susumamong saad ko.

"Please marry me. I'm begging, wag ganito Sha. Mahal na mahal kita eh. Wag ganito please, parang awa mo na. Wag mo akong saktan ng ganito, wag sa harao ng pamilya ko, Nika."

Hinawakan ko ang kamay niya, hindi ko alam kung nakaluhod ba ako ngayon dahil gusto kong hingin ang kamay niya, o gusto kong mag makaawang bawiin niya lahat ng sinabi niya kanina. Pero isa lang ang malinaw, umiiyak ako ngayon hindi dahil sa saya, kundi sa katotohanang masakit dahil ayaw na niya.

"Tumayo ka diyan, you deserve more. Kalimutan mo nalang ako at ang pinag samahan natin. Hindi ako nabibigla sa sinabi ko kanina, siguro nabigla ako sa kung anong meron tayong dalawa." diretsyong sabi niya kaya napayuko ako.

'Triple kill sa sakit, tangina.' napapailing na sabi ko sa isip ko.

"Papayagan kitang tapusin ang lahat, kung sasabihin mong hindi mo na ako mahal." tinitigan ko siya sa mata.

"Hindi na kita mahal." ngumiti siya siyaka ako tinalikuran.

Sumunod ang pamilya niya sa kaniya, naibato ko ang bulaklak na hawak ko't hindi na mapigilang umiyak, napaluhod ako. Nilapitan ako ng magulang ko para amuhin pero wala akong ibang naramdaman kundi ang sakit. Sakit na ibinigay ng babaeng mahal ko.

NIKA'S POINT OF VIEW.

"Nika, anak." habol sa akin ni Mama ng lumabas ako sa bahay nila Adam.

"Tamang desisyon ang ginawa ko, Ma. Gusto ko siyang makawala sa akin kahit mahirap. K-Kasi mahal ko siya." napahagulgol ako sa sinabi ko.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now