#46

56 1 0
                                    


MAHAL NA MAHAL KO 'YON, PINALAYA KO LANG


"Babe?" napatingin ako sa tumawag, yung boyfriend kong si Jamer.

Boyfriend material siya. Halos lahat ibinibigay niya, kahit hindi ko masuklian ng katumbas sa pagmamahal iya, he's still there for me.

"Po?" ngumiti siya at lumapit sa akin.

3 years na kami ngayon, pero hindi ko pa rin nararamdaman yung butterflies sa sikmura. Sabi nila mararamdaman mo 'yon kapag in love ka. Sa lahat ng taong malapit sa akin, siya lang ang nakakaalam ng nakaraan ko. About me and my ex but he never asked why. Hindi niya ako tinanong sa mga nangyari, kung ano lang sabihin ko sapat na 'yon sa kaniya, though kahit magtanong siya hindi ko masasagot. I just can't answer.

"May surprise ako sa'yo. Close your eyes." Walang excitement. Walang saya.

Sinunod ko ang gusto niya. Sa pagsarado ng aking mga mata isa lang ang nakikita kong imahe sa akin isip. Si Connix. Yung nauna sa kaniya. Yung minahal ko ng sobra. Naramdaman ko ang pag init ng mata ko, ayokong umiyak, limang taon na ang nakakalipas, sariwa pa rin.

Hindi ko alam pero dumilat ako. Pag dilat ko nakita ko si Jamer na umiiyak habang nakatitig sa akin.

"Siya pa rin ba?" ngumiti siya ng tanungin niya 'yon. "Sa tatlong taon natin, siya pa rin pala."

Sorry.

"Akala ko naman, kapag ibinigay ko ang lahat ng kaya kong ibigay, baka sakaling mapalitan ko rin siya. Baka sakaling ako naman ang mahalin mo, kapag ginawa ko yung mga bagay na hindi niya nagawa sa'yo." tumatawa siya pero may sakit ako nakita sa mata niya.

Pinipigilan niyang umiyak, at kapag nagbabadya ng tumulo ang luha niya at tumitingala siya at ngingiti muli.

Nanatili akong walang imik. Wala akong kailangan na itanggi. Nasasaktan ako para sa kaniya, kasalanan ko. Nagbakasali rin akong maitutuon ko ang pagmamahal ko sa taong nanatili sa akin kahit hindi ko nasusuklian ang pagmamahal niya.

"Baka p'wede na akong magtanong? Baka p'wede mo ng sagutin ngayon?" dahan dahan akong tumango at yumuko.

He's a good person pero hindi ko siya nagawang mahalin, dahil hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin yung nauna.

"Bakit kayo nag hiwalay?" umiling ako sa kaniya. Ayokong ik'wento dahil mas sasaktan ko siya. "Go on,"

Bumuntong hininga ako at tinapunan siya ng tingin.

"I'm a kind of woman na nilalamon ng anxiety, kinakain ng pag o-over think. Hanggang sa pati ang relasyon namin nadamay na. May reason naman kung bakit akong nag over think, kasi sinaktan na niya ako no'n. Masyado ko siyang minahal, wala ng natira sa akin. Tanggap ako ng tanggap, hindi naman nawawala yung sakit. Mas nadadagdagan pa. Ang sabi ko no'n okay na, na sakit ang madalas na nararamdaman ko basta manatili lang siya."

Naramdaman ko yung sakit na unti unti lumabas sa puso ko na pilit kong ikinukulong. Nagtagal kami ni Connix ng 7 years. Sa mga taon na 'yon, mas lamang yung sakit.

"May third party, tapos ayaw pa sa kaniya ng parents ko. Hanggang sa nakaramdam ako ng pagod pero nando'n pa rin ako. Nanatili pa rin ako, umaasa na baka bumalik yung dating minahal ko pero wala. Naiwan nalang akong mag isa. Lumabang mag isa para sa relasyon ako nalang ang gumugusto. Then one day, pumunta siya ng bahay na lasing na lasing. That time, nakaramdaman na ako ng depression, I tried to call him many times pero binababaan niya ako. My father was in the hospital. Na-comatose siya dahil na-aksidente sa trabaho. I was crying when I saw him in front of our gate. Akala ko pumunta siya para damayan ako but I was wrong."

Lalapit sana sa akin si Jamer pero umiling ako, gusto ko ng ilabas 'to. Kasi masakit pa rin. Sobrang sakit pa rin. Kaya siguro kahit na nasa harapan ko yung taong mahal na mahal ako, hindi ko pa rin siya kayang mahalin.

"Tigilan mo ng ilagay sa pagiging miserable ang buhay ko. Nakakapagod ka. Puro nalang problema ang dala mo sa akin. Kaya siguro nagawa kong mambabae. Kasi hindi na ako masaya! Nakakasawa ka, tangina. Please lang." Tumawa ako habang sinasabi ang katagang binitawan ng ex ko sa akin. "Ayan yung huling sinabi niya sa akin. Kaya kahit mahal na mahal ko siya, pinalaya ko siya."

Sa 7 years, pinilit kong alisin yung sakit at pag o-overthink na siya rin gumawa. Hindi ko lang matanggap, na binigay ko ang buong tiwala ko sa kaniya pero inubos niya lang ako. Nang maaksidente si Papa, nabigyan na niya ako ng blessing.

Hahayaan niya daw kilalanin yung lalaking mahal ko, napapayag ko si mama. Iniisip ko baka sakaling kapag nalegal ko na siya, bumalik na ang Connix na minahal ko no'n pero no'ng gabing 'yon naaksidente si papa at ayon naman ang sinabi ni Connix. Halos wala ako sa sarili. Sobrang sakit.

"Sorry, gusto kitang mahalin. Gusto kong ibigay ang lahat sa'yo. Gusto kong iparamdam sa'yo ang pagmamahal ko, Jam. Kaso masyado akong naubos. Wala akong naitira sa sarili ko, kaya hanggang ngayon wala pa rin akong naibigay sa'yo. Pero maniwala ka o hindi, gustong gusto kitang mahalin. I'm sorry." umiiyak akong napaupo sa sahig.

Nakaramdam ako ng panghihina, sa tatlong taon hindi ako umiyak. Dahil naramdaman ko yung pagmamahal. Pero hindi pa rin nawawala yung sakit.

"Can I stay?" humihikbi akong napatingin kay Jamer.

"Why? Iwan mo na ako. Masasaktan lang kita. I'm not worth it for your love." umiwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang mukha ko at pilit na iniharap sa kaniya.

"You are. Palayain mo muna ang sarili mo. Tutulungan kita. Gusto ko, nando'n ako hanggang sa umokey ka. Hindi mo ako kailangan mahalin, but I want you to fix yourself." naramdaman ko na naman ang panunubig ng mata ko, hindi ko napigilan at niyakap ko siya at do'n umiyak ng umiyak.

"Cry. Just cry it all. I'll stay." hinalikan niya ang nuo ko pero nanatili kong inilabas lahat ng nararamdaman kong matagal kong kinimkim. Hanggang sa makaramdam ako ng pagod at antok, at hindi ko na alam.

Basta nakaramdam ako ng pahinga sa bisig ni Jamer. Nakaramdam ako ng comfort.

WAKAS.

---

Date kung kailan nagawa: February 27, 2021.

ONE SHOT STORIES COMPILATION 1Where stories live. Discover now