CHAPTER 36

3.2M 80.8K 74.1K
                                    

MAX'S POV

Mas sumama talaga ng pakiramdam ko. But as much as possible, ayokong magpadala sa pakiramdam, ayokong uminit ang ulo ko. 'Buti na lang talaga at napakabait ni God sa 'kin, hindi Niya hinayaang maghurumintado na naman si Chupan.

Nakaka-badtrip.

Masakit na talaga ang leeg ko. Para bang nararamdaman ko pa rin 'yong hampas, naroon 'yong bigat no'n. Pakiramdam ko rin ay mas tumataas ang lagnat ko.

"Classmates, wala si Miss Bautista," mayamaya ay anunsyo ni BJ sa unahan. "Absent siya until tomorrow. Inaasahan daw niyang lahat tayo ay papasa sa quiz niya sa Friday, 100 items."

Dahil sa sinabi niya ay 'ayun na naman iyong paulit-ulit na reklamo ng mga kaklase namin. Umaasa akong darating din sila sa puntong maiintindihan nila ang kahalagahan ng pag-aaral. Kahit ako ay nagrereklamo, syempre, madaragdagan ang pressure dahil dalawang magkasunod ang quiz. Mas maraming kailangang aralin.

Nagyayang tumambay sa Batibot sina Migz at Michiko. Nakakatuwa na sinimulan na nilang mag-aral ngayon pa lang. Gustuhin ko mang makisabay ay inaagaw ng nararamdaman ko ang buo kong atensyon.

Mayamaya lang ay nagpaalam si Naih na ikukuha ako ng gamot sa clinic. Nang makabalik ay nagyaya siya sa canteen. Dumeretso kami sa water dispenser at sabay na kumuha ng maiinom.

"Oh my God! Look at them!" nangibabaw ang tumatawang boses ng kung sinong babae.

"They're so poor!" sagot ng kasama nito. "Maybe they can't afford a bottled mineral water."

"Pagbigyan niyo na," anang isa pa. "Para may pakinabang naman ang dispenser na 'yan, no one's using it anyway."

Nagkatinginan kami ni Naih pero pareho na lang namin silang hindi pinansin.

Tumingin ako sa clear wall glass na nasa harap namin, nakita ko tuloy kung sino-sino iyong mga nasa likod namin. Mukhang mga seniors, mga naka-varsity jacket.

"Excuse me?" nakangising sumenyas iyong isang babae kay Naih. "Why are you drinking that?" hindi ko inaasahang hindi ito hihinto sa pang-aasar.

"Masama ba?" nakangiwing ani Naih.

"No, but that's for free, eh."

"So? Nakamamatay ba'ng uminom nang libre?"

"No, but it's so poor of you."

"Oh, you're rich? I should envy you," tinapatan ni Naih ang pagiging sarkastika niyon. "Psh!"

Sa halip na pansinin ay muli kaming nagsalin at uminom ni Naih. Pareho kaming nakaapat na basong tubig, maliit ang cup.

Aalis na sana kami nang bigla ay tumayo ang isang napapamilyaran ko.

Lumapit ito akin at pinaglaruan ang buhok ko, paikot-ikot. "Remember me?"

"Mukha bang matandain ako?" pabalang na tugon ko. Kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong pumatid sa 'kin dahilan upang matapunan ko ng juice si Aimee.

"I am the leader of the BIS cheering squad. Are you aware of that?" nakangisi, nagmamalaking aniya, patuloy pa rin sa paglalaro ng buhok ko.

"Miss, kung sino ka man...tigilan mo na si Max,"nakangiting sabat ni Naih.

"Oh, sorry," nakakaloko niyang binalingan si Naih. "I didn't know that a certain you, exists." Saka tumalim ang kaniyang tingin. "Huwag kang sumabat kung hindi ikaw ang kausap." Muli siyang bumaling sa 'kin. "Remember my name, it's Abby."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon