CHAPTER FOURTEEN

3.4M 82.2K 34.3K
  • Dedicated kay Patrick Josh Sanchez
                                    

NAIH'S POV

NAKAUWI NA na kami at lahat pero parang wala pa rin sa mood si Max. Hindi siya nagsasalita kapag ganoon kaya naman hindi na ako nagtatanong pa. Kasi paniguradong isang tanong, isang sagot lang ang mangyayari. Kailangan ko talagang mag-adjust kapag ganoon. At kapag ganitong wala siya sa huwisyo ay ayaw niya sa mga tanong, lalo lang nadaragdagan ang sama ng ulo niya.

Pagkarating sa bahay ay naupo siya sa sofa at nagsindi ng sigarilyo. Sa edad naming ito ay pareho kaming may pangit na bisyo. Saan natuto? Sa barkada mismo. Nakigaya, nakiuso, hanggang sa hindi na nahinto.

Dumeretso naman ako sa kusina at sinimulang magluto ng hapunan. Matapos ang kalahating oras ay bumalik ako sa sala. Inaasahan kong tulog siya dahil ugali niyang umidlip pagkauwi. Pero nagulat ako dahil nang hapong iyon ay naglilinis siya.

"Ano ang ginagawa mo?" nakataas ang kilay sa pagtatakang tanong ko.

"Gusto ko nang maganda at maaliwalas na paligid, masama ba?" sinagot niya ako nang hindi man lang lumilingon.

Hindi ako nakapagsalita. Seryoso niyang tinapos ang paglilinis sa buong sala. Itinambak niya sa garbage bag ang lahat ng gamit at bagay na hindi namin nagagamit o kailangan. Totoong naging maayos at maaliwalas nga ang paligid nang matapos siya. Gusto kong matuwa pero hindi ko maintindihan kung bakit nang oras niya iyon naisipan at ginawa.

"Kakaiba ang trip mo, ah? Okay ka lang?" iniwasan kong maging sarkastiko pero nabigo ako. Iginala ko ang paningin sa sala naming halos magmukhang opisina sa ganda. May study table na kami sa sala. Ang pagkakasalansan ng mga libro shelf ay tila library na.

"Dito tayo mag-aaral," sinabi niya 'yon nang seryosong-seryoso, para bang nakikini-kinita niya na kaming nakaupo sa mga sila at nagbabasa. Naiintindihan ko naman iyon dahil hindi tulad ko, ayaw ni Max magbasa nang nakahiga. Marami siyang arte at ritwal pagdating sa pag-aaral.

"Okay." Napabuntong-hininga na lang ako at naisip na gano'n ang kinahinatnan ng pangit na mood niya. "Dinner is ready, let's eat," anyaya ko. Maging sa pagkain ay tahimik siya. Tutok ang mga mata sa plato at maingat sa pagnguya. "Ano na ang plano mo?" nagbukas ako ng topic.

"Saan?"

"Sa billiards, syempre. Para ka namang bago nang bago, eh."

"Sige, ipaalala mo pa," nagbabanta na ang tinig niya, senyales na wala siyang oras magpasensya.

"Gusto ko lang malaman, okay?" seryoso kong sabi. "Mukhang hindi mo na rin naman 'yon matatakbuhan," ngumuso ako. "Loko kasing Sensui 'yon, eh."

Ibinaba niya ang kubyertos at masama ang tinging tumitig sa kung saan. "Kung hindi lang talaga malakas ang kapit no'n sa school ay binasag ko na ang mukha no'n."

"Easy," nanlalaki ang mga matang sagot ko. "Pero grabe, 'no? Kakaiba ang trip niya. Bakit siya gano'n?"

"Gumaganti lang sa 'kin 'yon."

"Bakit, ano ang ginawa mo?"

"Inasar ko," kunot-noong aniya. Dinampot niya ang kubyertos at nagpatuloy sa pagkain.

"Paano?"

"Pinanood ko siyang mapahiya sa recitation." Bumuntong-hininga siya matapos sumandal.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon