CHAPTER FOUR

4.3M 105K 15.3K
                                    

LEE'S POV

NAGPAIWAN ako sa parking lot nang matanawan ko si Taguro kasama si Michiko papalabas ng campus. Nang makaalis si Michiko ay saka ko nakangiting nilapitan si Taguro.

"Hey," nakapamulsang bati ko.

Inosente siyang tumingin sa 'kin. Nakangiti akong kumunot-noo, hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Nananatili iyong blangko habang nakatingin sa 'kin, hindi man lang nagtataka sa paglapit ko.

"I'm Lee Roi Gozon." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. Gano'n na lang ang dismaya ko matapos niyang tumingin sa magkabilang gilid, tumango at umalis. Hindi niya ako pinansin.

Wow. Napapahiya akong natawa sa sarili ko. Weird. Maayos naman ang approach at hitsura ko.

Hindi man lang siya nag-abalang ipakilala ang sarili. Hindi rin niya tinanggap ang pagpapakilala ko. Wala siyang interes.

Napapahiya ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa dulong parte ng parking lot.

"Lee!" tawag ni Migz mula sa likuran dahilan para matigilan ako sa akmang paglapit sana kay Taguro.

Napabuntong-hininga ako at nilingon siya. "Do you need anything?"

"Wala naman, nakita lang kita," nakangiting sagot niya.

"Okay," ngumiti rin ako. "Bye."

"Take care!"

"Ikaw rin," lumapit ako sa sasakyan ko. Papasok na sana ako nang may humarurot na motor sa harapan ko. Kunot-noo ko lang iyong sinulyapan.

Habang nagmamaneho pauwi ay hindi mawala sa isip ko ang facial expression ni Taguro. Gusto kong matawa sa pagkapahiya ko, inilingan ko na lang ito.

Hindi man lang nagpakilala. Maayos naman ang approach ko pero parang hirap na hirap siyang magsalita.

"Good afternoon, sir." Sinalubong ako ng katulong pagkauwi. "Ang sabi ni ma'am ay hindi raw po sila makakauwi ng daddy niyo ngayon. May emergency meeting sila sa Cebu. Nagpaluto po sila sa 'kin ng paborito niyong ulam—"

"Kumain na ako. Ikaw na lang ang kumain." Mapait ang ngiti ko. "Aakyat na ako, marami pa akong gagawin."

Hindi na bago sa 'kin ang ganitong sitwasyon. Sanay na ako sa parents ko. Parehong business-minded ang parents ko. I'm their only child. Malaki ang kompanya na pag-aari ng parents ko at madalas ay abala sila sa pagpapatakbo niyon. Hindi kami halos nagkikita sa bahay dahil abala sila sa trabaho, ako naman ay sa pag-aaral ko. Pero kahit bakasyon ko ay hindi ko sila nakikita, wala naman kasing bakasyon sa trabaho nila. Kapag gano'n ay nilulunod ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral. Ayaw ko rin kasing madismaya sila kaya kahit tinatamad ay pinipilit ko pa rin. Hindi ako close sa kanilang dalawa. Pero si daddy ang ayaw kong nagagalit. Masakit siyang magsalita. Palibhasa'y matatalino at sumobra sa sipag.

Lumaki akong katulong ang Kalama. Hindi ako palalabas ng bahay. Pero marami naman akong experience sa iba't ibang klase ng bagay. At sina Deib Lohr at Yakiro Tobi ang kasama ko sa mga iyon. Sila lang ang tunay na kaibigan ko.

"Sir, dinner na po." Kumatok at pumasok sa kwarto si Yaya Neli kinagabihan, nag-aaral pa rin ako.

"Hindi ako nagugutom, yaya. Kayo na lang ang kumain. Marami pa akong gagawin. Pakihatiran na lang ako ng juice at tubig. Salamat."

"Pero, sir, hindi pa po kayo kumain."

"Hindi talaga ako nagugutom, yaya."

"Tatawag po si ma'am mamaya, sir. At itatanong no'n kung kumain kayo, ano po ang sasabihin ko?"

Bumuntong hininga ako at saka iniikot ang swivel chair papaharap sa kaniya."Tell her that I'm busy. 'Wag kang mag-alala, ako ang bahala sa kaniya."

"Pero, sir..."

"Ibigay mo sa 'kin ang phone kapag tumawag siya. Okay na?"

"Okay po, sir," alanganing sagot niya saka lumabas.

Hindi ako tulad ni Deib na pikon, parating nakasigaw. As much as possible, I'm staying calm. Sanay na rin naman ako ng gano'n. Pero hindi gaya ni Deib, madalas ay hindi ko kayang tawanan ang mga problema. Kaya kapag malungkot ako ay kaming tatlo ang magkakasama.


MAX'S POV

"SINO ANG nanalo sa basketball?" tanong ko kay Naih nang makauwi ako sa apartment. Nagluluto siya pagkarating ko. Dumeretso ako sa sala at nagbukas ng TV.

"Chicago Bulls. Kumusta ang first day? Masaya ba?"

"Okay naman."

"Halata nga," ngumiwi siya. "Umalis kang nakaputi, umuwi kang nakaitim. Anong bago? Masaya ba, ha?"

"Walang pinagkaiba sa school natin dati," napapabuntong-hiningang sabi ko habang naglilipat ng channel.

"Eh, di, masaya nga! Hehehe!" bakas ang excitement sa tono ng pananalita niya. "Tara, kain na tayo. Bukas papasok na ako, sabay tayo."

"Mauna ka na lang."

"Bakit? "

"Hindi maganda ang first day ko," tiningnan ko siya. "'Wag ka ng magtanong," pagtatapos ko sa usapan.

Kung magkukwento ako ay hahaba lang ang usapan. Hindi kontento sa isang sagot, isang tanong si Naih. Sanay siya nang hindi humihinto sa kabubukas ang bibig niya. Hindi siya makatiis nang hindi nagsasalita. Hindi siya tumatagal sa tahimik na lugar o sitwasyon.

"Sana pala ay inayos muna natin 'tong spot natin bago nagsimula ang pasukan." Inaasahan ko nang dadaldal na naman siya. "Hindi ka ba naguguluhan? Ang dami nating tambak masiyado. Syempre kailangan relaxing 'tong spot natin para maengganyo tayong mag-aral."

Tumingin ako sa paligid ng bahay. Hindi marumi pero hindi naman maayos, marami ngang tambak. "Eh, di sa weekend." sagot ko.

"Linis tayo, ah?"

"Okay."

Saglit pa kaming nagdaldalan bago pumanhik sa kani-kaniyang kwarto. Matapos maligo ay humiga na ako, pero magdamag lang pala akong tititig sa kisame. Hindi ako dalawin ng antok. Hindi ko mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina.

Inaano ko ba 'yong taong 'yon? Ngayon lang kami nagkita pero kung pag-trip-an ako ay para bang may hinanakit siya. Tss.

Simula nang magtama ang paningin namin ay wala akong makitang mali para patirin niya ako. Ang sakit sa dibdib no'ng pagkakabagsak ko, kaya hindi ko nagawa agad na tumayo. Marami na akong nakilala at nakaharap na tarantado. Pero ang mga iyon ay may dahilan sa pagiging gago. Si Siopao ay hindi ko maintindihan, hindi ko kakitaan ng dahilan.

Bully, hmm...


HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon