CHAPTER 38

2.9M 78.5K 50.8K
                                    

DEIB'S POV

Matapos bumili ng snacks ay tumambay kami sa bench na malapit sa Batibot. Doon sa gawing wala masyadong students.

Ano naman kaya ang magandang dahilan kung bakit gusto ko nang tigilan nila si Taguro?

Iyon ang tanong na kaninang pang paulit-ulit sa isip ko, hindi ko mahanapan ng sagot.

Na gusto kong ako lang ang aaway sa kanya? E paano kung isipin nilang may gusto ako kay Taguro? Baka masapak ko pa sila? Tch! Nakakainis! Pwede naman kasing hindi umoo e! Bat ba napaoo pa ako?

"Hindi, ah! Alam mo ba na sabi ng Ate ko ay matalino raw si Maxwell?" dinig kong sabi nung babae sa tabi ko.

Napangiwi ako ngunit hindi na lang iyon pinansin.

Kung bawiin ko na lang kaya kina Tob ang sinabi ko? Wala rin naman silang magagawa e? At saka bakit ko tutulungan si Taguro? Naaawa nga ako sa kanya pero konting-konting-konti lang! Mas marami pa rin yung rice na kinakain ko! Tsk. Hindi naman siguro sila maba-badtrip kung babawiin ko? And besides, she's not my responsibility. Tama! Tama, Deib! Wala kang kinalaman sa kaniya kaya hindi mo sya kailangang tulungan!

"Baka 'ka mo abangan pa sya sa labas ni Choco," umalingawngaw na naman ang tinig ng babaeng katabi ko.

"Naku, oo nga. Remember what he did to Lemuel before? Kaunti na lang, mapapatay na siya ni Choco all because he kissed Aimee!"

"Kawawa naman si Taguro, 'no? 'Buti kinakaya niya pang pumasok dito."

"She has a hero now, si Maxwell,"nakangiti na animong kinikilig na anang isa. Napangiwi ako.

"Yeah, he's like a prince charming!"anang isa pa.

Lalo akong napangiwi. "Hoy," inis ko silang binalingan. "Hindi totoo ang 'yang superhero na 'yan, okay? Walang ganyan. Sa Disney land lang merong gano'n! Prince charming...prince charming, tch! Sa Marvel niyo lang makikita 'yon! Naiintindihan niyo? Alis!" singhal ko dahilan para sabay na umalis ang dalawa.

Inis kong hinarap ang mga kaibigan pero gano'n na lang ang pagkakakunot ng noo nila sa 'kin.

"What?" asik ko.

"Grabe, lumalala ka na, dre," si Tob. "Imagine, pati 'yong girls, sinisigawan mo na? Nag-uusap lang naman."

"Tch! Sa ibang lugar sila magkwentuhan! Ang ingay-ingay, naririndi ako! Nag-iisip ako, e."

"Tsh, calm down, Deib," ani Lee. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Superheroes ang makikita sa Marvel. Ang mga prince charming ay nasa Walt Disney.Disney land is a park, okay? Masyadong mainit ang ulo mo, mali-mali naman ang sinasabi mo."

Natigilan ako saka napanguso. "Alam ko,"palusot ko.

"Tsk tsk, kalalaki mong tao."

"Tigilan mo nga 'ko, Lee?" asik ko saka tumayo at naglakad palayo.

T'wing mag-iisip na lang ako, maraming sumisingit! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagdesisyon! Tch! Hindi ba nila naalala na may hinihingi pa silang pabor sa 'kin? Dapat maging nice sila dahil konting hangin lang ay nagbabago ang desisyon ko!

Hindi ako namalayang sa kalalakad ay umabot ako sa clinic. Napansin ko lang nang may makitang dalawang estudyanteng nakaharang sa daan ko at sisilip-silip doon.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon