CHAPTER 39

2.8M 76.4K 49.6K
                                    

DEIB'S POV

"Anong nangyari sa leeg ni Max?"Napatingin ako kay Kim nang tanungin niya iyon.

"Ah, nag-away raw sila ni Choco."

"Bakit daw?"

"I'm not sure. Dahil yata kay Aimee?"

"Bakit daw umabot sa gano'n?" nahimigan ko ang pag-aalala sa tinig niya kaya naisip kong ayos lang na malaman niyang may alam ako.

"Iginanti uli ni Choco kanina si Aimee kay Max," hindi ako sanay banggitin ang pangalan ni Taguro. "Nakita mo naman 'yong naunang nangyari sa kanila."

"Don't tell me, dahil pa rin do'n?"nakangiwi niyang tugon. Tumango ako. "Oh my God! He must be freak!"

"'Yong ginawa ni Choco kay Max no'ng una, inulit niya lang kanina."

"Tsk tsk, what a freak."

"She has fever," kwento ko, nilingon pa siya. "

"What?" umiling nang umiling si Kim. "Baka naman kasi nagalit talaga si Choco sa ginawa ni Max kay Aimee?"

"Tch! Kahit na galit siya, hindi niya dapat pinatulan si Max. It's between Max and Aimee, labas siya ro'n. Kung makikita mo lang ang itsura ni Max kanina naka—"

"Naawa ka?"

Napatingin ako bigla sa kanya. "H-Hindi naman pero kasi..."

"Naawa ka nga?"

Tumingin ako sa dinaraanan namin at saka nagsalita. "Medyo..."

Narinig kong nagbuntong-hininga siya. "Ang dami kong naririnig tungkol sa Max na yan."

"Like what?"

"Like, nakipagsagutan siya kay Sir Ciufan?" nakangiwi niyang tugon.

Nakahinga ako nang maluwang. Nag-alala ako na baka iyong pambu-bully ko rito ang nakarating sa kaniya.

"Sabi no'ng mga lecturer, pinamukha ni Max na binabayaran niya lang si sir para turuan siya. Grabe,' no?" umiiling na kwento ni Kim. "'Yon ba ang natutunan nila sa SIS? Psh, wala sa itsura niya ang may karapatang umasta nang gano'n."

Napalunok ako. "Nabanggit nga ni Lee 'yan sa 'min ni Tob."

"Ang naririnig ko pa ay gwapo daw ang boyfriend niya."

"Si Maxwell."

"Ha?" hindi makapaniwalang reaksyon niya.

"Yup, si Maxwell ang boyfriend niya,"paniniguro ko.

"Hindi nga?"

"Oo nga. Nakita mo naman, 'di ba? Magkasama sila kanina!"

"Bakit sumisigaw ka?"

"Hindi, ah," awtomatiko akong nag-iwas ng tingin. "Naiinis lang ako, bakit kasi siya ang topic?" iniwasan kong mautal. "Alam mo namang ayaw na ayaw kong pag-uusapan 'yang taong 'yan."

"Psh! Kaya pala parang nag-e-enjoy ka?"

"Nag-e-enjoy? Sinong nag-e-enjoy? Tch!"sinimangutan ko siya bago natigilan. "Teka. Nagseselos ka, 'no?"

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon