CHAPTER 80

3.9M 90.9K 113K
                                    

MAX'S POV

Pagkaalis ni Sensui ay hindi na rin ako nakaramdam pa ng antok. Tumayo ako at tinignan si Naih. Kung iisipin ko ulit yung nangyari kahapon, mababadtrip lang ako. Baka pati si Maxwell, masapak ko. Ang dami kasing iniisip e, pati ako kinokontra.

Kinausap kami ni Dean at nagulat akong humingi rin siya sa akin ng dispensa. Sabi niya ay hindi daw ganito ang inaasahan niyang treatment ang matatanggap ko mula school nila, ang sabi ko naman, kung hindi niya inaasahan ang ganito ay mas lalo na ako. Sino ba naman ang aasang ganyan ang ugali ng mga anak ng mga kilalang tao sa Laguna? Halos lahat ng nag-aaral sa BIS ay anak ng mga kilalang tao at personalidad.

'Tapos ako pa ang ugaling squatter? Ako pa? Dapak!'

Tulad ni Michiko, dating mga artista ang parents niya na nauwi sa politika. Si Migz naman ay anak ng isang kilalang negosyante. Si BJ naman ay nasa politika rin ang parents. Yung tatlong kwatog naman, isama mo na yung mga chicks nila, ay apo ng mga stockholders ng BIS. Ang inaasahan ko ay sila yung mga tipo ng tao na hindi man lang ako magagawang tignan pagpasok ko dito sa BIS pero mali ako. Wala na silang ginawa, kung hindi ang tignan ako. Lahat ng nasa akin ay napapansin nila. Ang inaasahan ko ay yung mga tipong spoiled brat na walang ginawa kung hindi ang maglustay ng pera, gumimick at maglipstick. Yung tipong walang ibang nakikita kung hindi ang group of friends at crushes nila. Tsk tsk! Pero hindi, kabaliktraran nun ang natanggap ko at ni Naih. Lahat ng mata nila, nasa amin. Para kaming bagay, at kami ang USO.

'Tss, kaya pa naman BIS ang pinili natin, dahil akala natin ay walang papansin sa atin dito,' sabi ko sa isip ko habang nakatingin kay Naih at kunyaring kinakausap siya.

"Hindi ka ba magprapractice?" biglang tanong ni Maxwell na nagpupunas ng kamay. Humarap pa muna ako sa kanya at saka umupo sa paanan ni Naih.

"Maiintindihan naman siguro ni Coach kung hindi na muna ako magpractice, may duty ka mamaya kaya kailangang dumito muna ako at magbantay." sagot ko sa kanya.

"Sa tingin mo paano natin sasabihin sa parents niya ang nangyari sa kanya?" biglang tanong niya.

"Hindi ko rin alam, hindi ko alam kung paano ipapaliwang kay Tita Zarina.." napapabuntong-hiningang sabi ko.

Hindi alam ng parents ni Naih na magkasama kami kaya namromroblema ako kung paano ko sasabihin sa kanila 'to, wala naman akong problema sa family niya, hindi lang talaga nila alam na magkasama kami. Pumayag kasi silang maging independent ang anak nilang matigas ang ulo pero isip bata naman.

Pareho pang nasa Cebu ang parents niya ngayon, for sure busy sila sa business. Pero Hindi ko naman pwedeng hintaying maging okay muna siya bago ko sabihin, mas magandang habang ganyan ang lagay ni Naih ay makita nila para aware rin sila sa nangyayari sa anak nila. And besides, karapatan nila yun bilang magulang ni Naih.

"Sa tingin ko kailangan ko ng sabihin kay Tita Zarina." seryosong sabi ko. Mommy ni Naih yun.

"Gusto ko ring isuggest sa iyo yun, kaso ayokong mapressure ka kaya hindi ko na muna sinabi. Mabuti na lang at ganyan rin ang naiisip mo." seryosong sagot ni Maxwell.

"Hindi ko naman pwedeng itago 'to sa kanila dahil kapag nakarating 'to sa kanila ay mas lalo silang magagalit sa akin. Besides, aksidente ang nangyari. Magkakatalo lang talaga kapag tinanong na kami kung bakit magkasama kami. Panigurado magagalit yun."

"Pinasok niyo yan e, panindigan niyo." parang nangangaral na sabi niya. Hindi ko naman siya sinagot at muling tumingin na lang kay Naih.

Kung pakikipagbasag-ulo rin lang ang labanan, kakayanin ko. Pero yung ganitong sitwasyon, kailangan ko na ng tulong nila kaya naman napagdesisyunan kong kausapin na talaga ang parents nya at ipaalam ang nangyari sa kanya.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon