CHAPTER TEN

4.4M 94.8K 48.4K
  • Dedicated kay Koji Okita
                                    

DEIB'S POV

HINDI KO magawang ituon ang buo kong atensyon habang nasa Biology 2 class. Iyon ang subject na pinakaayaw ko dahil doon ako mahina. Kahit anong focus ang gawin ko ay hirap na hirap ako. Dumagdag pa sa isipin ko ang announcements ni Migz kaya lalong nawala ang atensyon ko.

Paano ko ba yayayain si Kim sa acquaintance party? Pormal ba dapat o tamang papogi lang? Napangiti ako. Hindi ko pa man siya natatanong ay nararamdaman ko na ngayon pa lang ang pagpayag niya.

"Mister Enrile!" Nagulat ako nang mangibabaw ang tinig ni Miss Agaser. "I've been calling you for three times now!"

"Yes, miss?" napapahiya akong tumayo.

"Yes, what? State the meaning of DNA and RNA!"

Napakamot ako sa ulo. "I forgot, miss, sorry. I'm tired."

"What?" natapik niya ang sariling noo. "Anyone?" inis niyang inalis ang tingin sa 'kin.

Pero walang nagtaas ng kamay para sagutin ang tanong ng lecturer. Napapahiya akong naupo. Sa sandaling iyon, kahit pa isipin ko ang party ay kusa nang natutuon kay miss ang atensyon ko. Dahil sa takot.

"This is unbelievable! Graduating na kayo, class," nangangaral si miss. "And this is Science and Biology 2. You've been taking this subject for two years now, and yet, DNA at RNA lang hindi ninyo matandaan? Ano ang nangyari sa Science and Biology 1 ninyo? Kaya kayo nag-aaral ay para may matutunan, maintindihan at matandaan, class! You're being unreasonable!" gano'n na agad karami ang sinabi niya.

First year ay itinuro ang Science and Biology 1. Chemistry noong second year at Physics noong third year. Science and Biology 2 ngayong fourth year at preparasyon ito para sa mga gustong pumasok sa medical field pagtungtong ng kolehiyo.

Paano kong matatandaan 'yon, eh, ilang taon na ang nakalipas. Acid na lang yata ang natandaan ko. Tch.

"Leave my class! Go to the library now, and read everything about DNA and RNA! Gumawa kayo ng essay!" halos pumutok ang litid ni Miss Agaser, ang pinaka-terror naming lecturer. Matandang dalaga kasi.

"Wala na naman sa mood si dragona," ani Tob habang naglalakad kami papunta sa library. "Loko ka kasi, ginalit mo."

"Bakit ako?" nakangusong tanong ko. "Wala namang nakasagot sa tanong niya, ah."

"She called you three times, 'dre! Saan na naman ba lumilipad ang utak mo?"

Napangisi ako. "Iniisip ko kasi kung paano ko yayayain si Kim sa party, gusto ko siyang maging partner."

"Pwede mo naman kasing isipin sa ibang oras 'yon," seryosong ani Lee, nanenermon. "Oras 'yon ng klase, Deib. Tumaas tuloy ang presyon ni dragona."

Nginiwian ko siya. "Dapat kasi ay nilambing mo," pang-aasar ko. Si Lee ang paboritong estudyante ni Miss Agaser.

Hindi naging mahirap ang seatwork na ibinigay ni Miss Agaser. Kani-kaniyang gawa kaming magkakaibigan at halos sabay-sabay ring natapos. Dumeretso kami sa canteen habang maaga pa.

"Enemy spotted!" ani Tob. Agad kaming napalingon ni Lee.

Tch. Ang bilis talaga ng mata nitong kumag na 'to. 'Sabagay, hindi naman mahirap makita si Taguro dahil malaking babae. Siguro ay nasa 5'7" ang height niya? At isa pa, chubby siya, kahit maraming kasabay ay makikita siya. Tch.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon