CHAPTER 65

3.1M 90.5K 79.5K
                                    

NAIH'S POV

"Oh? Saan ka galing?" tanong ko kay Max. Kapapasok nya lang sa room.

"Nagpulot nang bubog."

"Ha?" gulat na tanong ko.

"Nagpulot nga ng bubog!"

"E bakit may bubog?"

"Kasi may nabasag."

"Siraulo. Malamang!"

"E bakit ka pa nagtanong?"

Tinignan ko siya ng masama. Inismiran niya naman ako saka nagsalita.

"Nagulat si Sensui nung makita ako, napatalon pa nga e. Kaya ayun, naihulog niya yung bote na hawak niya. Gatas yata yung iniinom nun."

"Seryoso?"

"Mmm."

"E anong ginagawa mo naman don?"

"Galing ako kay Maxwell di ba?"

"Oh anong sabi ni Maxwell?"

"Magkita na lang daw kami mamaya."

"Bakit ka daw niya tinawag?"

"Para sabihing magkita kami mamaya."

'Kahit kailan ang sarap sarap kausap nitong babae'ng 'to!'

Hindi na kami nag-usap at dumating na rin kasi ang Lec.

CHUPAN THE GREAT!

2 days siyang absent at ngayon lang ulit siya pumasok. Badtrip!

"Ilabas ang mga assignments!" sabi nya pagkapasok pa lang ng room. Dumeretso sa table niya at inilapag ang index card niya at white board marker.

Isa isa namang nagsipaglabasan ng assignments lahat kami.

Ang assignment namin ay magdrawing ng "MAKASAYSAYANG LUGAR."

Epic!

"Pass it in front. Titignan ko isa isa at bubunot ako, kapag ikaw ang nabunot ko tumayo ka agad at iexplain sa harapan kung bakit ito ang drinawing mo. Malinaw?"

"Yes Sir." mahabang sabi naming lahat.

"Tapos ay bukas niyo malalaman kung pasado ang assignment niyo o hindi."

'Anak nang..'

"Hala!"

"Ha?"

"Nay!"

"Sir naman!"

Violent reactions ng iba.

"Ano na naman? Aba e hindi naman pwedeng nagpa-assignment ako tapos pasa pasa lang? Hindi pwede sa akin ang ganon!"

"Tsk."

"Nakakainis naman!"

Bulungan na naman ng mga classmates namin.

"Talucod!"

"Yes Sir." kumekembot na lumakad si BJ papunta sa unahan.

"Ano ito?" nakasimangot na tanong ni Sir habang pinapakita sa harapan ang drawing ni BJ.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon