CHAPTER 94

9.4M 171K 299K
                                    

MAX'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAX'S POV

"Thank you." mahinang sabi ni Sensui.

"Saan na naman?" tanong ko.

"D-Dahil kasi don sa mga narinig kong sinabi mo gumaan ang pakiramdam ko at nabawasan ang sakit na nararamdaman ko." seryosong sabi habang nakatingin sa mismong mga mata ko. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Hindi ko inasahan yung nangyari, gulong gulo pa rin ako pero nandyan na e. Wala akong ibang magagawa kung hindi harapin nalang kung anong nakatadhana."

Tinignan ko ang mukha niya at talagang makikita mo ang sinseridad sa sinasabi niya. Mararamdaman mo ang lungkot, pero lamang ang panghihinayang.

"Sinabi ko naman sa iyo noon di ba? Wag mong aalisin ang paningin mo sa kanya para alam mo ang lahat ng ginagawa niya." seryosong sabi ko.

"Malay ko ba kung anong ibig mong sabihin don?" kunot-noong sabi niya. "Hindi naman kasi ganon ang pagkakakilala ko sa kanya. Kung alam ko lang na ganon siya, sa tingin mo m-magugustuhan ko siya? Kaso kasi puro magaganda ang pagkakakilala ko sa kanya--hindi ko inaasahang magagawa niya sa akin yun. Masakit e, pero m-mas masakit na yata 'tong mga sugat na to hehehe."

"Tss. Malayo sa bituka ang mga tama mo kaya wag ka masyadong madrama." inis na sabi ko at saka tumayo sa kama niya.

"Teka---!! Ugh!" aktong habol niya sa akin pero dahil hindi niya siguro napansin ang dami ng sugat niya ay natamaan ang isa.

"Ano? Masakit?" pang-aasar ko sa kanya. "Yan ang inaabot ng mga takaw-gulong tulad mo."

"Tch! E wala pa naman kasi akong sinasabing tumayo ka na! Bakit ka umalis? D-Dito ka!" sigaw noya.

"Nakakasigaw ka nga e. Kaya mo naman siguro akong kausapin kahit nandito ako." huminto ako sa paanan niya at saka nakakrus ang mga kamay na nakatingin sa kanya. He grinned.

"Naiilang ka sa akin no?" mayabang na tanong noya.

"Tss, wag kang assuming." inis na sabi ko.

"Sus hahaha! Naiilang ka sa akin e."

"Ha? Sinong hindi maiilang sa iyo? Kagigising mo lang at hindi ka pa nagsisipilyo?"

"Mabaho ba ang--hindi naman ah!" sigaw niya pa matapos takpan ng kamay ang bibig niya at amuyin ang hininga niya.

"Wala naman akong sinabing mabaho sinabi ko lang, hindi ka pa nagsisipilyo"

"H-Hoy--!"

"Aalis na ako."

"B-Bakit ang bilis naman?" gulat na tanong niya.

"Bakit? Gaano katagal ba dapat? Binisita lang kita, dumaan lang ako dito para kumustahin ka." nakangising sabi ko.

"Tch! Kaya pala! E bakit hindi mo man lang ako kinumusta?" halatang inis na tanong ya.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon