CHAPTER 22

4.3M 101K 141K
                                    

DEIB'S POV

DISMISSAL.

"Tara," yaya ko sa kanila. Pero hindi sila tumitingin sa'kin, inaayos nila ang gamit nila'ng dalawa. "Hoy!" sigaw ko sa kanila.

Tumingin sa'kin si Tob at seryoso siya.

Ano bang nangyayari sa mga 'to?

Napatingin ako kay Lee pero abala pa rin siya sa pag-aayos ng gamit niya. Magsasalita na sana ako pero biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya naman agad kong kinuha 'yon.

♥ Kimeniah ♥ Calling. . .

"Hello, Kim?" sagot ko.

"Deib, sasabay ako kay Ate ngayon. May dadaaanan kasi kami sa Mall."

"Ganon ba? O sige, ingat kayo, ah?"

"Sige, ikaw rin! Bukas, ah?"

"Oo, tatawagan kita mamayng gabi, ah?"

"Oo sige, hihintayin ko."

"Sige, ingat. Bye."

Nakangiti pa akong ibinulsa ang cellphone ko at saka ako tumingin uli don sa dalawa. Tumayo silang dalawa at lumakad papalabas ng room.

Baka wala sa mood?

Sumunod na lang ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Una na ako." ani Tob kay Lee. Hindi pa rin siya tumitingin sa'kin.

"Ako rin, ingat," sagot naman ni Lee sa kaniya na tinapik pa siya sa balikat. Hindi rin siya tumitingin sa'kin.

Nung aasta silang magsisipagpuntahan na sa kani-kanilang sasakyan ay di ko na napigilan ang sarili ko.

"Teka! Teka nga," pigil ko sa kanila at natigilan silang pareho. "May problema ba?" seryosong tanong ko.

Biglang sumama ang tingin sa'kin ni Lee. Si Tob naman ay nakatingin lang sa tagiliran niya.

"Kanina ko pa kasi napapansin na hindi niyo ako pinapansin. May problema ba?" tanong ko pa ulit. Humarap sa'kin si Lee at deretsong tiningnan ang mga mata ko.

"Ikaw ang mag-isip kung may problema tayo." ani Lee.

"Wala nga akong maisip kaya tinatanong ko kayo." sinserong sagot ko. "Kanina naman ay ayos tayo, 'di ba? Si Tob lang 'tong wala sa mood." nakangusong dagdag ko pa at nagkatinginan sila. "Ayoko ng ganito, kaya sana sabihin niyo sa'kin kung may problema ba—"

"Ikaw ang problema," singit sa'kin ni Tob at natigilan ako kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.

"Bakit? Anong ginawa ko sa inyo?"

"Sa amin wala." si Lee.

"Kanino?"

"Isipin mo."

"Teka nga! Nagugulat ako sa mga sinasabi niyo e!"

"Tara, Starbucks," yaya ni Lee at sumakay na agad sa kotse niya at tinangala na lang kami ni Tob mula sa bintana.

"Kayo na lang," tipid na sagot ni Tob at tiningnan naman siya ng masama ni Lee. "Wala ako sa mood."

"Tob," makahulugan ang tinging tawag pa sa kaniya ni Lee.

"Psh! Sige na!" inis na singhal ni Tob at padabog na sumakay sa kotse niya. Naiwan akong nakanganga at hindi maintindihan ang mga ikinikilos nila. Kaya naman pagkasakay ko sa kotse ko ay mabilis akong sumunod sa kanila.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon