CHAPTER THIRTEEN

3.3M 81.7K 30.8K
  • Dedicated kay Diana Mesa
                                    

DEIN LEIGH'S POV

HINDI KO MAINTINDIHAN kung bakit ugali ni Deib Lohr na mang-bully ng babaeng transferee. Kahit busy ako, madalas ay nakararating sa 'kin ang mga ginagawa niya. Kusang nagkukwento sa 'kin ang ilang nakakakilala sa kaniya, maging ang kaniyang mga lecturers. Hindi naman na ako nagtatanong sa mga best friends niya, panigurado kasing pagtatakpan lang siya ng mga ito.

Unang araw pa lang ng klase nang mabalitaan ko ang ginawa niyang pamamatid sa bagong estudyante. Gusto ko pang matawa nang ikuwento sa 'kin ng dati kong kaklase ang nangyari. Mukhang nakakita na raw ng katapat ang kapatid ko. Nalaman kong sinapak siya nito. Naisip kong nababagay lang 'yon sa kaniya dahil wala siyang respeto. Napakahilig niyang mang-bully.

"Dein Leigh, dumating na ba iyong kapatid mong si Deib Lohr?" mayamaya ay lumapit si Manang.

"Opo, umakyat na. Matutulog na raw siya."

"Bakit ikaw ay hindi pa matulog? Alas onse na."

"Hinihintay ko pa kasing tumawag si Randall, Manang. Nagbabasa ako habang naghihintay." 

"Huwag mo nang hintaying tumawag, ikaw na ang tumawag."

Natawa ako. "Nasa operating room siya, hindi ko pwedeng abalahin." Minasahe ko ang sariling batok. "Papuntahin ninyo sina Joan at Nono sa birthday ni Deib Lohr, Manang," pag-iiba ko sa usapan.

Tumango-tango siya. "Agosto pa naman iyon, hindi ba?" lumitaw ang excitement sa mga mata niya. "Binatang-binata na talaga ang alaga kong si Deib Lohr. Napakagwapong binata. Aba'y kuhang-kuha ang mukha niyong mommy mo." Hindi niya maitago ang paghanga.

Nakangiwi akong umiling. "Nagbinata ang katawan at edad, pero ang ugali at isip ay hindi. Naku, kanina lang pagkarating ay nagkwento tungkol doon sa bagong kaaway niya." Umiling ako nang umiling. "Ipinagpipilitang hindi raw namin siya maintindihan ng mga best friends niya. Kesyo ganito-ganiyan, ewan ko."

Kumunot ang noo ni Manang at namaywang. "Nakikipag-away pa rin ba siya? Aba'y, hindi ba't ang sabi niya'y tinigilan niya na?" Inilingan ko siya. "Bakit nga ba ganiyan iyang batang iyan? Napakahilig makipag-away at mambuyo ng mga kaeskwela."

Napapabuntong-hininga uli akong umiling. "Napaka-immature. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na hindi iyon 'yong away na may suntukan at bugbugan." Muli akong huminga nang malalim. "At talagang proud pa siyang magkwento ngayon sa mga kalokohang ginawa niya."

"Pagsabihan mo iyang kapatid mo, Dein Leigh. At baka makahanap iyan ng katapat niya. Sa huli ay baka siya pa ang umiyak pauwi."

Natawa ako. "Mukhang nakahanap na nga siya ng katapad niya. Ang balita ko ay sinapak siya no'ng binu-bully niya ngayon."

Nagulat man ay nagtaka si Manang. "Aba, eh, bakit parang ika'y natutuwa pa?"

"Nakakatawa lang, Manang. Ngayon lang may lumaban sa kaniya," tatawa-tawang sagot ko.

"Tsk tsk," inilingan ako ni Manang, na para bang ang sinabi ko ay kalokohan. "Hayaan mo at pagsasabihan ko ang batang iyan. Sige na, mag-aral ka nang mabuti diyan. Kapag nagkausap na kayo ni Randall ay magpahinga ka na, bigyan mo naman ang sarili mo nang mahabang tulog."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon