CHAPTER 76

3.6M 87.1K 74.9K
                                    

MAX'S POV

"Good morning Maxpein!"

Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Naih sa loob ng kwarto ko.

"Mmm, morning." inaantok pang sagot ko.

"Bumangon ka na diyan at maligo ka na! Nakaluto na ako hehehehe!"

"Nakatayo nako di ba?" inis na sagot ko.

"Ay bad mood?"

Hindi ko na siya sinagot at pumasok na ako sa CR. Oo, bad mood ako. May mga araw talagang ganito ako, nagkukusa.

Mabilis akong naligo at nag-ayos saka bumaba para magbreakfast. Nandoon sila Beka at Boy pagbaba ko.

"Good morning Pein!" nakangiting bati sa akin ng dalawang bakla.

"Mmm, Morning." pilit ang ngiting bati ko sa kanila. Dumeretso ako sa kitchen at nagtimpla ng coffee. Iba kasi ang coffee ko sa coffee ni Naih. Wag ka nang magtanong.

"Ipagtitimpla na bale kita e." sabi niya habang naghahalo ng coffee nilang tatlo.

"Bakit hindi pa kayo kumain?" seryosong tanong ko.

"E alam mo namang hindi ako makakain nang wala ka hahahaha." pabiro pang sabi niya.

"Saan ka kumuha nun?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa lata ng SPAM at iba pang imported canned goods na nabuksan at nakapatong malapit sa lababo.

"Ahh. Pinadalhan ako ni Daddy hehehe."

"Dito sa bahay?" medyo gulat na tanong ko.

"Hahahahaha! Hindi! Relax ka lang. Pinapick-up ko kila Boy, kaya nga pinaderetso ko na rin dito, dito na lang kako sila magbreakfast."

"I see."

"May ibibigay rin ako sa iyo." masayang sabi niya. "Surpresa ko sana sa iyo kaso gising ka na pagpasok ko sa kwarto mo!" nakangusong sabi niya pa. "Baka gusto mong tanongin kung ano?" sarkastikong tanong niya.

"Ano?" walang ganang tanong ko.

"Gitara."

"A-Ano?"

"Gitara! Hehehehehe! Nagpabili ako kay Dad nang gitara hehehehe. Nasa Cebu kasi siya ngayon e."

Hindi ako nakapagsalita.

Nabasag yung gitara ko at hindi na ulit ako nakabili dahil hindi ko na afford bumili nang bago.

"M-Mauna na ako don." sabi ko sa kanya, ayokong ipakitang natuwa ako. Trip lang bat ba?

Dumeretso ako sa dining area at umupo sa harap nung dalawa.

"Bakit hindi pa kayo kumain?" tanong ko sa kanila.

"E hinihintay pa kasi namin kayo anube?" si Boy.

"Tss."

"Okay lang naman sa amin kung mauna na kayo ano ba, baka dumating boss niyo at maabutang hindi pa kayo bukas yari kayo!" biglang sulpot ni Naih dala ang tray ng coffee.

"Kain na." sabi ko na iniabot ang rice sa kanila.

"Parang bad mood ang bakla?" sabi ni Beka na sumulyap pa sa akin.

"Bitin siguro tulog, medyo makulimlim rin kasi ganyan talaga si Pein minsan, wala sa hulog." si Naih.

"Hala siya! Baka hindi na makakain ang mga bakla dito mamaya!" biro ni Boy.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon