CHAPTER 57

3.1M 78.8K 118K
                                    

DEIB'S POV

Mabilis akong naglakad papunta sa Canteen para sundan sila Lee at Tob. Nabadtrip talaga ako sa inastang yon ni Kim. Ang daming nakatingin sa amin. Ang mas nakakainis pa ron ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ganon na lang ang maging reaksyon niya at pakikitungo niya sa akin.

'Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, bigla akong inaaway na hindi mo maintindihan. Tsk!'

Lumapit ako kila Lee nung matanaw ko sila mula sa Entrance ng Canteen. Kasama nila si Melissa.

'Wag sana siya masyadong dumikit sa akin ngayon, baka pati siya masigawan ko, magtampo pa.'

Pinilit kong kumalma pero mukhang nahalata ng mga best friends ko ang badtrip ko.

"Anong nangyari sa iyo?" si Lee.

"Badtrip e." bulong ko.

"Nag-away kayo?" bulong naman ni Tob. Tinanguan ko lang siya. "Bakit?"

"Yun na nga masama e, hindi ko alam kung bakit." inis na namang sabi ko, napayuko tuloy si Ysay. Hindi ko naman na siya pinansin.

"Baka PMS." si Lee.

"Ewan."

Kumuha na lang ako nung foods na meron sila sa table at kumain.

Maya maya lang ay nagsalita na si Melissa.

"Aalis na lang muna ako. Parang wala sa mood si Deib ngayon eh." nakayukong sabi niya habang nakatayo sa gilid ng table namin at nakaharap sa aming lahat.

"Sorry Ysay. Bad mood lang talaga ako ngayon. Pumasok ka na lang muna."

"Okay lang Deib."

"Bawi na lang ako sa iyo next time ha?" sabi ko na ginulo pa ang buhok niya.

"Sige, bye." mabilis na sabi niya at saka parang batang tumakbo papalayo.

"Oh? Anong nangyari?" tanong ni Tob.

"Hindi ko nga alam e. Tsk! Nakakainis. Wala nang nangyaring maganda sa umaga ko." inis na sabi ko.

"Ang weird lang ni Kim? Ganon?"

"Oo. Kasi wala naman kaming pinag-awayan. Wala rin naman kaming hindi napagkasunduan. Wala akong ginawang ikakatampo niya." nanlulumong sabi ko.

"Ano bang sinabi sa iyo kanina?"

"Kung anu-ano, ang cold niya kanina. Nung tanungin ko pa kung may problema ba kami? Sagutin ba naman akong, wala namang kami. Nakakainis!"

"E wala naman talagang kayo." si Lee.

'Basag!'

"Wala nga. Wala rin naman akong sinabing kami na. Ang sa akin lang, anong term ang gusto niyang gamitin ko? Sige nga! Paano ko siya tatanungin? May problema ba ikaw at ako? Stupid."

"Relax, relax." si Tob.

"Paano nga ako makakapagrelax? Alam mo namang ayaw ko sa lahat e nagagalit sa akin si Kim. At ayaw na ayaw natin sa lahat ay yung inaaway tayo ng babae ng walang dahilan." inis na sabi ko.

"Baka naman PMS nga?"

"Ewan ko."

"Baka naman may nagawa kang hindi niya nagustuhan?" tatawa tawang tanong ni Lee.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon