CHAPTER 55

3M 80.6K 55.3K
                                    

NAIH'S POV

Pagkauwi namin sa bahay ay dumeretso na si Max sa kwarto niya, sinundan naman siya ni Maxwell para icheck ang sugat niya at icheck daw siya.

Nagtataka talaga ako kung bakit ganon na lang bigla ang naging reaction niya?

'Pamilyar ba siya doon sa lugar ni Maxwell?'

Maya maya lang ay bumaba na ulit si Maxwell.

"Anong nangyari?"

"Sumakit daw ulo niya. I checked her BP, okay naman. Baka nabigla."

"Aba e mas nabigla ako sa reaksyon niya! Kararating lang biglang nagyaya ng uwiuwian? Killjoy lang?"

"Hahaha. Alam mo namang kakaiba topak nun e."

"Psh, nakakainis! Gusto ko pa naman sana makita yung bahay mo.

"Don't worry marami pa namang next time e."

'Busy kami kung alam mo lang. '

"Anyway, kailangan ko ng umalis, tinext ako ng Mommy, kailangan kong sumabay sa kanilang maglunch."

"Ganon ba?"

"Mmm, tawagan mo ako kung kinakailangan ah?"

"Babalik ka pa ba?"

"Hindi na siguro, unless kailangan ninyo ako. Kasi may duty ako bukas. Pupuntahan ko na lang kayo bukas sa klase niyo. Sabay tayong maglunch."

"Talaga?"

'Libre yun panigurado! Hehehehe!'

"Oo naman."

"O sige sige."

"Nagpaalam na ako kay Max na may lakad ako ngayon, sabihin mo na lang sa kanyang pupunta ako bukas sa room niyo at sasabay maglunch."

"O sige. Ingat ka ha? Pasensya ka na talaga hehe."

"Don't worry. Kilalang kilala ko siya."

"I know, pero pasensya pa rin hehe. "

"O sige na."

"Sige, ingat ka. Salamat ng marami."

"Salamat rin."

"See you tomorrow."

"See you."

Tinignan ko pa siya hanggang sa makalayo siya at saka pumasok ulit sa loob ng bahay. Wala akong choice kung hindi ang maglinis na lang ng bahay at ang magbasa. Hindi mawala sa isip ko yung inasal ni Max.

'Alam kong hindi siya tulog. Hmp!'

Umakyat ako sa kwarto niya.

"Max?"

"Mmm?"

"Pwede pumasok?"

"Sige."

"A-Anong ginagawa mo?"

Tumingin si ya sa akin na parang wala lang at saka nagtuloy sa pagbabasa.

"A-Akala ko ba masakit ang ulo mo?"

"Nawala na e. Nabigla lang yata ako."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon