CHAPTER 32

3.3M 85.6K 35.7K
                                    

NAIH'S POV

Mula nung umalis kami don sa meeting at matapos ang dalawang subjects namin ay walang kibo si Max. Pinapansin nya lang kami kapag may itatanong kami sa kanya.

Na-badtrip yata talaga sya ng sobra.

Lunch break na at dahil puno ang canteen ay napilitan kaming maghiwalay ng table nila Migz. Wala pa ring kibo si Max kaya naman napilitan na akong i-approach sya.

"Max..."

"Mm?"

Hindi sya tumingin sakin, nakatingin lang sya sa food nya na nilalaro nya lang naman.

"Okay ka lang?" tanong ko, ngunit tango lang ang isinagot niya. "Galit ka ba sakin?" Tumingin sya ng seryoso sakin at saka ibinalik don sa food yung paningin nya. "Kanina ka pa kasi walang kibo e."

"Hindi ako galit."

"E ano lang?"

"Naba-badtrip lang ako sayo."

"Hala. Bakit?"

Tinitigan nya ako at ipinatong ang dalawang kamay nya sa table.

"Kaninang umaga, hinarang ako ni Aimee at nung mga abubot nya. Sinabi nila sakin na kaya daw pala tayo nandito ay dahil bagsak tayo sa SIS. May sinabi ka ba sa kanila?"

"Kila Aimee? Wala, ah! Hindi ko naman nakakausap yung mga yun..." Natigilan ako sa pagsasalita nang may maalala, at nagkatinginan kami.

Wala akong binanggit kila Aimee pero kila Deib meron!

"Bakit?" tanong nya.

"Eh, kasi..."

Sumandal sya sa upuan nya at nagcross-arm.

"Kasi, Max... Nabanggit ko kila Deib nung Acquaintance Party na...bumagsak tayo sa SIS kaya tayo nandito."

Hindi sya sumagot at halatang naiinis sya.

"Pero hindi ko naman sinabi ang dahilan e. Hindi talaga promise. Sinabi ko sa kanila yung dahilan nung sakin pero yung sayo sabi ko, wala ako sa posisyon para magsabi."

"Hindi mo naman kailangang sabihin sa kanila yun e. Pwede namang hindi mo sila sagotin," mahinahon namang sabi nya.

"Tinatanong kasi e. Ayoko namang magsinungaling."

Bumuntong hininga sya. "Hindi ka naman magsisinungaling. Hindi mo lang sila sasagotin. Anyway, nangyari na e."

"Sorry talaga. Pano naman kayang nakarating kay Aimee?"

"Hindi ko alam kung pano nyang nalaman. Pero the fact na may pinagsabihan ka, kakalat talaga yun."

"Mga tsismoso. Hayaan mo na. Hindi naman nila alam kung bakit e. At saka isa pa, hindi naman nila malalaman ang dahilan."

"Naih sinasabi mo lahat ng sikreto ko sa mga taong kaaway ko."

Napanguso ako. Huhuhuhu hindi ko naman sinasadya e.

"Wala akong balak ipaalam na marunong akong magbilyar dahil inaalam ko pa kung malulusutan ko yun. Ayoko talagang maglaro dahil hindi ko alam kung mapagsasabay ko yung DT at yun. Wala namang pakinabang sakin yung bilyar na yun bukod sa incentives na matatanggap ko, academically. Pero dahil sinabi mong marunong ako, wala na talaga akong lusot," mahaba niyang sinabi.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon