CHAPTER 66

2.9M 79.6K 34.9K
                                    

MAX'S POV

Hindi ko maintindihan kung anong dapat kong maramdaman ngayon.

Dapat ba akong mainis?

Dapat ba akong matuwa?

Hindi na nila ako binubully, pero tinatawag nila akong gangster.

Bagay na iniiwasan ko.

Wala na namang ginawa si Chupan kung hindi ang maliitin kami. Tama nga siya sa sinabi niya.

'Hindi ka namin mapapabilib kahit kailan..'

Ano bang pakialam ko? Hindi naman ako pumasok dito para magpabilib sa kanya. Naperfect ko ang exam nya. 500 over 500. Paano? Ewan ko rin. Hindi ko alam. Sinagot ko lang lahat ng tanong sa questionnaire. Bukod doon wala naman na akong ginawang iba. Nagbigay siya ng assignment pero wala rin naman siyang sinabing 'Makasaysayang lugar sa Pilipinas.'. Tapos ako pa ang mali? Wow! Kulang ang description niya tapos kasalanan ko? Amazing Chupan. Ang sarap mo talagang igalang!

Kanina tumawag si Maxwell sa cellphone ni Naih at nakikipagkita siya sa akin.

~FLASHBACK~

"Oh Max kausapin ka daw." inabot sa akin ni Naih ang cellphone niya.

Tumingin pa muna ako kay Naih bago ko abotin ang cellphone.

"Hello?" sagot ko.

"Nasan ka?"

"Nasa room. Bakit?"

"Pwede ka bang pumunta dito sa baba saglit?"

"Saan?"

"Sa boundary ng campus mo at campus ko."

"Anong gagawin ko diyan?"

"May ipapakita lang ako. Wag ka nang magsama ng iba ah? Ikaw na lang. Bilis na. May klase pa ako."

"Okay." at binaba ko ang cellphone at binalik kay Naih. "Oh. Salamat."

"Ano daw yun?"

"Pumunta daw ako don sa boundary ng campus nila at netong secondary. Saan ba yun?"

"Sa field!"

"Okay. Pupunta na muna ako don."

"Samahan na kita."

"Hindi na. Ako na lang."

"Bakit?"

"E ako lang naman pinapapunta niya. Nagsasabi yun kung magsasama ako o hindi."

"E baka kasi may panibagong bangas ka na naman pagbalik mo e."

'Abnoy.'

"Hindi. Wala naman nang bullies. Remember?" nakangising tanong ko.

"Oo nga, pero hindi pa rin natin nakikita ang suspects."

"Hindi nila gagawin yun, fresh pa kasi sugat ko hahaha.."

"Loko! O siya sige ikaw bahala. Nasabihan ka lang na bagay sa iyo ang uniform e isinagala mo na!"

Natawa ako sa kanya, alam ko kasing gusto niyang sumama.

"Sige na. Baka hinihintay na ako nun don."

"Ingat."

Hindi ko na siya sinagot, tumalikod ako sa kanya at itinaas ko na lang ang kaliwang kamay ko bilang paalam.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon